Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Naghihimutok ang ilang netizens kasabay ng pagsipa sa singil sa kuryente ngayong April 2026. Mahal na nga ang kuryente, pasan pa raw ng maraming consumers ang pagpopondo sa subsidiya ng gobyerno para sa senior citizens at low-income households.

Saan nga ba napupunta ang dagdag na charges sa electric bill mo? Alamin sa video.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa aktual na konsumo mo sa kuryente, may ibang bayarin pa palang kasama sa iyong Meralco Bill?
00:07Ano kaya ang mga ito? Saan nga ba napupunta ang charges na nasa electric bill mo?
00:14Isa si Ivy Okon sa mga nashock nang makita ang kanilang electric bill na dumating ngayong Abril.
00:21Mahigit 9,000 pesos ang kanilang bayarin. Mula sa halagang yan, 1,351 pesos and 90 centavos ang napunta rito.
00:32Paliwanag ng Meralco, nag-iiba-iba ang breakdown ng bill depende sa electric consumption ng isang household.
00:40Batay sa sample bill as of April 11, 2026, tinatayang 55% ang generation charge.
00:48Ito ang halaga ng kuryente yung binibili ng Meralco mula sa mga supplier o power producer.
00:5410.1% naman ang transmission charge.
00:58Ito ang halaga ng delivery ng kuryente mula sa power plant patungo sa transmission system o substations.
01:06Napupunta ito sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na siyang transmission service provider ng Meralco.
01:1417.5% ang distribution charge na pupunta ito sa Meralco bilang bayad sa pagbuo, pagtatayo, pagpapatakbo at pagpapanatili nila
01:27ng distribution system
01:28na siyang naghahatid ng kuryente mula sa high voltage transmission grids patungo sa mga gusali at mga bahay.
01:3611.7% ang mga buwis gaya ng value-added tax o VAT at 5.7% ang others o
01:45iba pang bayarin.
01:47Diyan kabilang ang halagang pinababayaran ng gobyerno at pinaghahati-hatian ng mga consumer
01:54para matustusan ang discount at subsidy ng senior citizens at low-income households.
02:01Ang lifeline rate ay subsidy ang ibinibigay sa mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps
02:08at mga consumer na below poverty threshold at may sertifikasyon mula sa Local Social Welfare and Development Office o LSWDO.
02:18Mandato yan ng batas sa ilalim ng Republic Act 1155.2 o Expanded Lifeline Rate Law.
02:26Sa Meralco, may discount sa electric bill ang mga household na 100 kWh pababa ang konsumo sa kuryente kada buwan.
02:35Kung 0 to 20 kWh ang kanilang konsumo, wala na silang babayaran sa Meralco.
02:42Sahalip, ang non-lifeline consumers ang magbabayad para sa kanila.
02:47Katumbas ito ng isang sentimo sa bawat kWh sa bill ng non-lifeline consumer.
02:53Sagot din ng ibang consumers ang discount ng senior citizens sa kuryente.
02:58Batay sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act,
03:04dapat may 5% discount ang senior citizens na ang konsumo ay dilalagpa sa 100 kWh kada buwan.
03:12Ang nababawa sa diskwento ng mga senior citizens,
03:16dumadagdag naman sa bill ng mga non-senior citizen consumer.
03:210.0001 peso per kWh ang kanilang binabayaran para dito.
03:29Dumaragdag din sa bill ng consumers ang Feed-in Tariff Allowance of Fit All
03:34na ginagamit para mapondohan ang pag-develop ng renewable energy sources sa bansa.
03:39Mahigit 20 centavos per kWh ang sinisingil para dito.
03:44Mayroon ding Green Energy Auction Allowance o GEA All
03:49na pangsuporta sa Green Energy Auction Program ng gobyerno
03:53kung saan ang mga renewable project ay pinipili sa competitive bidding.
03:58Mahigit 3 centavos per kWh naman ito.
04:02Kwentahin natin ang dagdag na charges para sa isang household na 200 kWh ang konsumo.
04:09Kung isang centimo kada 100 kWh ang lifeline charge,
04:14katumbas yan ng 2 pesos sa kanilang bill.
04:17Kung 0.0001 naman ang sa senior citizen subsidy,
04:22katumbas yan ng 2 centimo sa kanilang bill.
04:25Ang Fit All charge aabot naman sa 41 pesos and 46 centavos
04:31at ang GEA All ay aabot sa 7 pesos and 42 centavos.
04:36Ang total, 50 pesos and 90 centavos.
04:41Bukod sa mga ito, kasama rin sa bill ang system loss charge at universal charges.
04:46Ang system loss charge ay sinisingil para sa kuryenteng nawawala
04:51habang dumadaloy ito sa mga kable, transformer at substation.
04:56Dahil nabayaran na ito ng Meralco mula sa producers,
05:00kailangang bayaran din ito ng consumers kahit na hindi naman nila ito nagamit.
05:05Ang universal charges naman ay para sa pagpupondo ng ilang proyekto ng gobyerno,
05:10gaya ng pagkakabit ng kuryente sa mga liblib na lugar
05:13at rehabilitation ng mga watershed para matiyak ang energy supply.
05:19Sa hirap ng buhay ngayon,
05:21importanteng malaman kung saan napupunta ang bawat pisong binabayaran,
05:26lalot bawat sentimong kinikita ay pinagpapaguran.
05:40자 hirap ng marit pab ninguna mga trade Blizzard
05:41sa hirap ng use ngayon,
05:44ng comeong workong kinikita ay pinagpapaguran.
Comments

Recommended