00:00Pagtaas sa singil sa kuryente, posibleng maramdaman ng mga consumer sa April billing.
00:05Ayon kay National Grid Corporation of the Philippine Spokesperson, Attorney Cynthia Alabanza,
00:11tumaas ng 0.0716 per kilowatt hour o katumbas ng 4.26% ang overall transmission rate para sa March
00:20billing.
00:21Pinakamalaking factor daw sa pagtaas ang mataas na bayad sa ancillary services.
00:27Ito ang kuryenteng ginagamit upang mabalansi ang transmission grid sa mga panawang may pagbabago sa supply at demand.
00:35Nilinaw naman ni Attorney Alabanza na wala umanong direktang epekto sa singil sa kuryente ng bansa ang nangyayaring gulo sa
00:43gitnang silangan.
00:45Pagbibitiyo ni Eduardo Año bilang National Security Advisor, tinanggap na ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:51Sa isang payag, sinabi ni Año na kailangan ng pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan kaya siya nagbitiyo.
00:58Efektibo ang kanyang resignation bukas, April 16.
01:02Nakatakda siyang palitan ni dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, Eduardo Oban Jr.
01:09Mga maestrado ng Sandigan Bayan 3 Division,
01:12nag-ocular inspection sa lugar kung saan dapat may flood control project sa barangay Bonsuran, Pandibulacan.
01:19Ang proyekto ang sentro ng 92.8 milyon peso malversation case laban kay dating Sen. Bong Rebilla
01:27at mga dating opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.
01:33Gustong malaman ni na Associate Justices Carl Miranda, Ronald Moreno at Lord Villanueva
01:39kung ano ang aktual na nagawa ng Sims Construction Trading na kontraktor ng proyekto.
01:44Napansin ng mga maestrado na hindi kumpleto o wala talagang nagawang struktura sa kanilang inspeksyon.
01:52We have not seen any structure. Are you willing to stipulate?
01:57Pero pagkontra ng isa sa mga abogado ng depensa,
02:00may mga sheet pile na nakabaon kaya hindi nakikita batay sa detailed engineering design.
02:07Nang puntahan at tabasin ang talahib, may nakitang tatlong set ng sheet pile na kinakalawang.
02:13Ayon sa prosecution panel, bahas sa itsura ay tila matagal na itong nailagay.
02:20Kaya ghost project ah nila ito na niwalang revetment o containment wall kahit 95% paid na ng gobyerno.
02:29Ako si Oscar Oydang inyong Saksi!
Comments