Skip to playerSkip to main content
Patay ang 18-anyos na estudyanteng angkas ng motorsiklo matapos masalpok ng ambulansya sa Cebu City. Nagulungan pa ng ambulansya ang biktima matapos siyang mahulog sa motor. 


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay ang 18-anyos na estudyante ng angkas ng motorcyclo matapos masalpok na ambulansya sa Cebu City.
00:06Nagulungan pa na ambulansya ang biktima matapos siya mahulog sa motor.
00:11Saksi, si Femmari Dumabok ng GMA Regional TV.
00:17Napaiyak na lang ang babaeng yan nang makita ang bangkay ng 18-anyos na babaeng estudyante
00:22sa Archbishop Reyes Avenue Flyover sa Cebu City.
00:26Nasawi ang estudyante matapos bumanga ang sinasakyan niyang motor sa nakasalubong na ambulansya.
00:32Pasado alas dos ng hapon itong April 14, ang masaklap pa pagkahulog niya sa motor.
00:38Nagulungan siya ng ambulansya na nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang ulo.
00:43Kritikal naman ang kondisyon ng kanyang kaklase na nagmaneho ng motorcyclo.
00:48Batay sa embestigasyon, patungo sana sa paaralan ang dalawang estudyante
00:52nang mag-counterflow ang ambulansyang maghahatid sana ng pasyente sa Cebu City Medical Center.
00:58Sa tindi ng salpukan, wasak din ang harapang bahagi ng ambulansya.
01:02Tumangging humarap sa kamera ang kaanak ng biktima.
01:05Pero pag-uusapan pa nila kung makikipag-arreglo sila sa ambulance driver.
01:10Nasa custodian na rin ng Traffic Enforcement Unit ang driver ng ambulansya
01:14para sumailalim sa embestigasyon.
01:16Sinusubukan pang makuha ang kanyang pahayag sa post ng BFP Cebu City.
01:21Nagpaalala sila sa lahat ng emergency vehicle driver na iwasan ang pag-counterflow.
01:27Ngunit kung kinakailangan man, dapat itong gawin ng may matinding pag-iingat.
01:32Bunsud ng nangyaring sunud-sunud na disgrasya sa lugar,
01:35ire-rekomenda ng Cebu City Transportation Office
01:38na ipagbawal ang pagdaan ng mga motorcyclo sa flyover.
01:42Ako si Femery, dumabok ng GMA Regional TV, ang inyong saksi!
Comments

Recommended