Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago sa saksi, nagkasunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila ngayong gabi.
00:05Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
00:09Saksi lahat si Jamie Santos.
00:13Jamie?
00:16Pia, sumiklabang sunog sa isang residential area dito nga sa Tondo, Maynila
00:21na mabilis lumakas at umabot sa third alarm.
00:28Romes Ponde ang mga bumbero sa sunog sa Sevilla Extension, Kanto ng Perla, sa barangay 121, bandang 743 ng gabi.
00:35Mula first alarm, agad itong itinaas sa second at kalaunan third alarm, makalipas lamang ang ilang minuto.
00:42Mabilis kasi nagkumalat ang apoy sa lugar na isang residential area.
00:46Kita sa kuhang ito ng isang residente mula sa mataas na pwesto, ang laki ng apoy at kapal ng usok
00:52na lumalamon sa mga bahay.
00:54Sa gitna ng kaguluhan, kanya-kanyang sagip ang mga residente ng kanilang mga maisasalbang gamit.
00:59Ang iba naman, pumesto na sa labasan para makalayo sa sunog.
01:03Dikit-dikit ang mga bahay sa lugar na karamihan ay gawa sa light materials.
01:07Kaya mabilis ding nilamon ng apoy ang mga ito.
01:10Todo-pwersa ang mga bumbero sa pag-apula ng sunog upang maiwasan ang mas malawak pang pinsala.
01:16Ang ibang residente, tumulong na sa mga bumbero.
01:19Kanya-kanyang igib at salok ng tubig para maibuhos sa mga nasusunog na bahay.
01:23Kasi po, nahirapan din po sila pagkakit sa may bubongko.
01:26Mabilis po, alas ano lang. Minuto lang rin na ano.
01:30Siguro kung medyo umano pa yung ilang minuto pa, mawawas out yung isang block na ano.
01:41PN949 ngayong gabi nang i-deklara ng Bureau of Fire Protection na fire out na nga itong sunog.
01:46Patuli nilang inaalam ang sanhi nito.
01:48At live mula rito sa Maynila, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
01:54Patay ang 18-anyos na estudyante ang angkas ng motorsiklo matapos masalpok na ambulansya sa Cebu City.
02:00Nagulungan pa na ambulansya ang biktima matapos siya mahulog sa motor.
02:04Saksi, si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
02:11Napaiyak na lang ang babaeng yan nang makita ang bangkay ng 18-anyos na babaeng estudyante sa Archbishop Reyes Avenue
02:18Flyover sa Cebu City.
02:20Nasawi ang estudyante matapos bumangga ang sinasakyan niyang motor sa nakasalubong na ambulansya.
02:25Pasado alas dos ng hapon itong April 14.
02:28Ang masaklap pa, pagkahulog niya sa motor.
02:32Nagulungan siya ng ambulansya na nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang ulo.
02:36Kritikal naman ang kondisyon ng kanyang kaklase na nagmaneho ng motorsiklo.
02:42Batay sa embestigasyon, patungo sana sa paaralan ang dalawang estudyante
02:46nang mag-counterflow ang ambulansyang maghahatid sana ng pasyente sa Cebu City Medical Center.
02:52Sa tindi ng salpukan, wasak din ang harapang bahagi ng ambulansya.
02:56Tumangging humarap sa kamera ang kaanak ng biktima.
02:59Pero pag-uusapan pa nila kung makikipag-arreglo sila sa ambulance driver.
03:03Nasa kustodya na rin ng Traffic Enforcement Unit ang driver ng ambulansya para sumailalim sa embestigasyon.
03:10Sinusubukan pang makuha ang kanyang pahayag sa post ng BFP Cebu City.
03:15Nagpaalala sila sa lahat ng emergency vehicle driver na iwasan ang pag-counterflow.
03:20Ngunit kung kinakailangan man, dapat itong gawin ng may matinding pag-iingat.
03:26Bunsod ng nangyaring sunud-sunud na disgrasya sa lugar,
03:29ire-rekomenda ng Cebu City Transportation Office na ipagbawal ang pagdaan ng mga motorsiklo sa flyover.
03:35Ako si Femarie, dumabok ng GMA Regional TV.
03:40Ang inyong saksi!
03:42Tatlong arestado sa Drug Rehabilitation Center na sinalakay ng NBI sa Cavite.
03:47Sinaktan at inabuso-umanoo ang ilang pasyente.
03:51Saksi, si John Consulta, exclusive.
03:54Pinasok ng mga ahente ng National Bureau of Investigation National Capital Region
03:59ang Rehabilitation Center na ito sa Silang, Cavite.
04:08Sa kilawang palapag ay dinatlan nila ang nakakandadong rehas na pinto.
04:13Nang mabuksan ay nakalabas ang isang 15-anyos na biktima umuro ng illegal detention at pang-abuso
04:19na iligtas din ang isang 18-anyos.
04:27Emosyonal ang kanyang ina sa kanilang pagkikita.
04:30Galit na galit din ito sa mga namamahala ng rehab.
04:40Sumbong ng complainant sa NBI.
04:42Nagpa-rehab yung bata.
04:45After rehab, sa tingin nila mukhang magaling na.
04:48They want to go out of the rehabilitation.
04:50Hindi sila pinapalabas.
04:52Ayaw palabasin.
04:54At according to the owner ng Rehabilitation Center,
04:56kailang pa ng court order or any official release.
05:04After some time, binubugbog na yung bata.
05:08So, kailang aksyonan na kasi nagsasuffer na yung bata at dumadaig na.
05:13Sa isang punto, positibong itinuro ng isang pasyente ang nananakit sa kanya.
05:19Sino? Sino dyan? Sino dyan?
05:22Pero nadiskobre ng NBI na may mas matindi pang pinagladaanan
05:27ang ilan sa mga sanalikip nila kagabi sa rehab center.
05:31Dakakagulat, hindi lang pala illegal detention,
05:33kundi may mga sexual abuse na ginagawa.
05:36Kung baga sa batas, aggravating yung circumstance
05:38kasi pinagtiwala sa iyo ng mga magulang na magiging maayos,
05:42babalik sa maayos na landas yung mga anak.
05:44Ayun pala, dun pala, naging biktima pa ng pang-aabuso
05:48at lalo pang inilagay sa sitwasyon na maaaring
05:50magstadlak lalo sa mga samang gawain
05:53at sa magiging dependent sa pinagbabawal na gamot
05:56dahil sa naranasang trauma.
05:58Tatlo ang arestado,
06:00kabilang ang manager ng drug rehab center
06:02na tumanggi magbigay ng pahayag.
06:04Pero ang dalawang hinuli,
06:06todo pakiusap sa komplainan.
06:07Hindi naman po ako empleyado sa rehab.
06:11Isa din po akong pasyente
06:12na nagmo-volunteer,
06:15hindi naman po ako sumusweldo,
06:17wala akong kontrata,
06:19gusto ko lang tumulong.
06:20Pero ngayon,
06:21naiipit mo ako sa gandong sitwasyon.
06:24Sana mapatawad mo ako.
06:27Hindi ko naman tinasod yan,
06:28gawin niyo sa iyo.
06:29Serious illegal detention
06:31at saka sexual abuse.
06:33Grape, yung may mga raid dinahan na nangyayari.
06:35Kasi na-identify talaga nung biktima
06:37yung mga gumawa na mga abuso sa kanya.
06:40Sa loob mismo nung rehabilitation center,
06:43at yan, hindi lang isang beses.
06:45So, at kung ilang beses kinawa,
06:46kung ilang beses kinawa yan,
06:48isang kaso ng isang kaso yan.
06:49Hindi lang natin sila kakasuan
06:51at ipapasara rin natin itong rehabilitation center na ito.
06:54Hinii kahit ng NBI
06:55ang iba pa mga posibleng naging biktima
06:57ng naturang rehabilitation center
06:58na magtungo sa kating natanggapan
07:00para maghain ng karagdagang reklamo.
07:02John, consulta ang inyong saksi.
07:07Nanawaga na ilang grupong lumahok sa protesta
07:09at tigil pasada ngayong araw
07:10na ibalik sa mahigit limampung piso kada litro
07:13ang presyo ng petrolyo.
07:15Sinimula naman ang gobyerno
07:17ang service contracting program
07:18para sa mga pampublikong sasakyan.
07:20Saksi, si Chino Gaston.
07:25Sa mga larawang ito binuntun
07:27ng mga drivers sa Balate, Maynila,
07:29ang kanilang inis
07:30sa sunod-sunod na oil price hike
07:32mula ng sumiklabaggyera sa gitnang silangan.
07:35Pinagtatapakan nila
07:36ang mga larawan ni na U.S. President Donald Trump,
07:39Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu
07:41at Pangulong Bongbong Marcos.
07:43Kasali ang mga driver
07:45sa malawakang protesta
07:46ng mga chuper ngayong araw.
07:48Panawagan ng grupong piston.
07:49Kahit tanggalin mo yung P20 pesos,
07:51mananatili pa rin siya
07:53na P135 pesos per liter
07:55at halos 90 sa presyo ng gusalina.
07:59Kaya tingin natin ay hindi nararamdaman
08:02ng mga driver.
08:03Ipabasura itong older regulation law
08:06pagtanggal ng isang stocks
08:07at pagtanggal sa bat
08:09at kaget na i-rollback sa P55 pesos.
08:11Hindi na masada ang mga miyembro
08:13ng grupong Manibela
08:14mula alas 7 ng umaga
08:15hanggang alas 5 ng hapon.
08:16Hindi na po talaga namin kaya
08:18yung sobrang bulusok
08:20ng pagtaas po ng presyo ng petrolyo.
08:21Kahit anong gawin po namin
08:22na maghapon pa mamasada,
08:25makakawin na lang po kami
08:26sa aming pamilya
08:27ng 150 to 200 pesos.
08:30Batay sa Mean of Plats, Singapore o MOPS,
08:33sa nakalipas na dalawang araw,
08:35bahagyan ang bumaba
08:36ang pandaigdigang presyo ng petrolyo.
08:38Yan ay kahit pabigo ang peace stock
08:40sa pagitan ng Amerika at Iran
08:42at kahit nagdeklara ng sariling
08:44naval blockade si Trump
08:46sa Straight of Hormuz.
08:47At kung magtuloy-tuloy
08:48ang pagmura ng langis sa MOPS,
08:51posibleng mag-rollback
08:52o kaya hindi gumalaw ang presyo
08:54ayon sa Department of Energy.
08:55Medyo steady pa siya.
08:57Hopefully they don't do anything
08:59very drastic or very violent.
09:01Kasi pag,
09:02halimbawa,
09:02pag tinamaan
09:04yung isang barko doon,
09:05then the market also reacts.
09:09Umaakit yung presyo
09:10sa international market.
09:11Pero hinihintay pa rin
09:12ang Department of Energy
09:13ang presyo ng bentahan
09:15sa world market hanggang biyernes
09:17bago magbigay ng estimate
09:18para sa susunod na linggo.
09:20Kung ano ang kalalabasan na diferensya,
09:22halimbawa,
09:23tumaas this week
09:25compared to last week
09:26ang averages
09:27nung 5 days
09:28ng mga trading,
09:30yun ang magiging
09:31adjustment natin
09:32for the incoming week.
09:35Simula na rin
09:36ang dalawang linggong
09:37service contracting
09:38sa mahiging 30,000
09:39pampublikong sasakyan
09:41sa 40 ruta.
09:42Sa amin ang diesel,
09:43sa amin ang boundary.
09:45Kaya malaking tulog yung
09:46service contracting program na yan.
09:49Dahil kung sakaling
09:50ma-short man kami
09:51sa pan-diesel,
09:53meron kami may tatapal.
09:54Babayaran ng gobyerno
09:55ang bawat jeepney
09:56o UV express
09:57ng 30 hanggang 40 pesos
10:00sa bawat kilometrong
10:01biyahe nila.
10:0282 hanggang 100 pesos
10:04per kilometre naman
10:05sa bus.
10:06Pero ang jeepney driver
10:07na si Cleofas
10:08hindi kasama
10:09sa service contracting.
10:11Wala po kasi
10:11naging po sa amin na
10:13may programa
10:14na gano'n ng gobyerno.
10:15Pero kung mayroon,
10:16terima willing kaming sumama
10:17sa gano'ng mga
10:18programa ng gobyerno
10:20dahil siyempre
10:20extra income yan eh.
10:22Sabi ng LTFRB,
10:23bukas pa ang registration.
10:25Mag-log on lang
10:26sa kanilang website.
10:27Hindi na rin required
10:29ang GPS devices
10:30na dagdag pa
10:31sa gastusin
10:32ng mga driver.
10:32Sa halip,
10:33gagamit na lang
10:34ng QR code system
10:35ang LTFRB.
10:37For this program talaga
10:38to be successful,
10:40we need the help
10:41of LGUs.
10:42Anong ibig sabihin
10:43nito?
10:44Sana yung LGU natin
10:46may implement
10:47their own
10:47service contracting program
10:49kasi they know
10:50their routes more.
10:51Pampagulo lang
10:52at mag-aaway-away lang
10:53yung mga nakasama
10:55doon sa hindi nakasama
10:56doon sa service contracting program.
10:58Sa mga gumagamit
10:59naman ng LPG
11:00sa biyernes malalaman
11:02kung magkano ang rollback
11:03ayon kay Arnold T
11:05ng LPG Marketers Association.
11:07May tiyak ng 3 pisong
11:09bawas presyo
11:10kada kilo ng LPG
11:11o 33 pesos rollback
11:13kada 11 kilogram na tangke
11:15dahil sa pagtanggal
11:16ng pangulo
11:17sa excise stock
11:18sa LPG.
11:19Pero,
11:20ang pinal na presyuhan
11:21ay depende sa presyo
11:22sa world market.
11:23Na-expect namin
11:24is downward
11:25pero ang exact price
11:26hindi pa po namin
11:27nako-compute
11:28because
11:28kailangan po namin
11:30hintayin yung
11:31tatlong araw
11:31from the time
11:32na nagkaroon
11:33ng reduction
11:34ng diesel
11:35and gasoline.
11:35Ako si Chino Gaston
11:37ang inyong
11:37saksi.
11:38Ako si Chino Gaston
11:40ang inyong
11:41ang inyong
11:43ako si Chino Gaston
11:44ang inyong
Comments

Recommended