00:00Ininspeksyon ng mga maestrado ng Sandigan Bayan 3rd Division ng Flood Control Project sa Pandibulacan
00:05na sentro ng malversation case laban kay dating Sen. Bong Revilla.
00:10Inalam nila kung hindi pa kumpleto ang proyekto kahit 95% ng bayad ng gobyerno.
00:16Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Hindi kumpleto ang istruktura ang dinatnan ng mga maestrado ng Sandigan Bayan 3rd Division
00:26sa lugar kung saan dapat may flood control project sa barangay Bonsuran, Pandibulacan.
00:32Ang proyekto ang sentro ng 92.8 million peso malversation case
00:37laban kay dating Sen. Bong Revilla at mga dating opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.
00:46Gustong malaman ni na Associate Justices Carl Miranda, Ronald Moreno at Lord Villanueva
00:52kung ano ang aktual na nagawa ng SIMS Construction Trading na kontraktor ng proyekto.
00:59It is the start of the project 25CC-0299.
01:06And again, how do you know that?
01:09Are the documents, survey, records that you look into to locate this particular project?
01:20Yes, Your Honor. It's based on the detailed engineering design.
01:24Dapat may haba itong 128.4 meters.
01:28Kaya nilakad ng mga maestrado ang kahabaan nito.
01:32Sa paglalakad natin, sa halip na kagaya nung dinaana natin na simentadong flood control structure,
01:40ito ang nakikita natin ngayon, talahib, masukal, walang simento, baku-baku yung daan.
01:51At hindi man lamang napatag itong area ito.
01:54Can you tell the court, could you tell us the status or the stage of this project, if any?
02:05Based on visual, there's no seen accomplishment, Your Honor.
02:10None at all? Why do you say that?
02:14Because there's no structures seen, Your Honor.
02:18Tinanong ng Korte kung sangayon ba ang prosekusyon at depensa na wala nang nakitang anumang istruktura sa lugar.
02:25We have not seen any structure. Are you willing to stipulate?
02:30Pero pagkontra ng isa sa mga abugado ng depensa, may mga sheet pile na nakabaon kaya hindi nakikita,
02:38batay sa detailed engineering design.
02:41Nang puntahan at abasin ng talahib, may nakitang tatlong set ng sheet pile na kinakalawa.
02:47Ayon sa prosecution panel, base sa itsura, tila matagal na itong nailagay.
02:52Kaya ghost project anila ito na niwalang revetment o containment wall kahit 95% paid na ng gobyerno.
03:01Pinatitibay anila nito ang kaso laban sa petition for bail ni Revilla at sa mismong malversation at graft charges.
03:09Habang hindi nare-resolva ang kaso, patuloy naman ang pagbaha sa lugar na kung minsan ay abot bubong ayon sa
03:17mga residente.
03:18Hindi nga namin alam yan dyan eh. Nalaman na namin yung inimbestigahan yan dyan.
03:24Noon po yung inumpisahan yan, tapos bigla na lang po nahinto.
03:27E nalulungkot kami kasi una-una kami ang napuperwisyo dahil sa mga baha.
03:32Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
Comments