Skip to playerSkip to main content
Lininaw ng ilang opisyal ng gobyerno ang ilang isyu kaugnay ng Pax Silica sa pagdinig ng Senado ngayong araw.


Giit ng ilang senador, dapat tiyakin ng gobyerno na wala silang itinatago sa publiko at wala ring dapat lalabaging batas kapalit ng malaking investment sa bansa.




24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nilinaw ng ilang opisyal ng gobyerno ang ilang isyo kaugnay ng Pax Silica sa pagdinig sa Senado ngayong araw.
00:06Git ng ilang senador, dapat yakin ng gobyerno na wala silang itinatago sa publiko
00:11at wala rin dapat nalabaging batas bilang kapalit ng malaking investment sa bansa.
00:17Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:23Sa gitna ng kontrobersyang kinakaharap sa pagsali ng Pilipinas sa Pax Silica Initiative ng Amerika,
00:31ipinatawag sa Senado ang ilang opisyal ng gobyerno para maliunawan ang mga isyong kinakaharap
00:37ng planong Industrial Hub na nakafocus sa Artificial Intelligence.
00:41Ayon kay Sen. President Sherwin Gatchalian, magandang oportunidad ito para sa bansa
00:47pero dapat masagot din ng gobyerno ang mga batikos tungkol dito.
00:52Isa po sa pinakamalaking kabutihan nun ito, yung almost 200,000 na direct jobs na malilikha.
01:01During the construction phase, almost mga 800,000 jobs ang pwede pong mabigyan dito po sa lugar na ito.
01:10Ang investments malaki rin, almost $70 billion ang investments po dito sa initiative na ito.
01:16May mga nababahala na kumagkakaroon ng malalaking data center sa lugar.
01:22Kailangan nito ng maraming tubig para sa cooling ng mga server nito.
01:26Pero ayon sa Basis Conversion and Development Authority o BCDA,
01:32hindi data centers ang itatayo sa lugar, kundi manufacturing plants.
01:37Ang akala po ay data center. Hindi po it will be the components that go into the data center.
01:43So manufacturing po ito?
01:45Manufacturing po. Yung dun sa Clark.
01:46Gagawa rin daw sila ng sariling source ng tubig at kuryente at hindi makikihati sa supply na kailangan ng populasyon.
01:54Ang pinag-uusapan lang po kasi natin na 75 houses, isang sityo lang po na nasa loob po ng mismong
02:00proposed Pax Silica Site.
02:02Pero yung perimeter po nung pinakita na lang Pax Silica Site, dalawa pong IP communities ang katabi.
02:15And of those dalawang IP communities, 182 farmers po will be displaced.
02:21Ang census namin talaga dun sa Sapangkawayan, asa 1,000 kami.
02:26So ngayon lang po kasi nakikita ng BCDA na 14 house lang kami, 2013 pa po yung census nila.
02:36Idinaing dinimonyos na maapektuhan ang libingan ng kanilang mga ninuno.
02:42Well, andun din po yung burial ground ng mga kanununuan namin.
02:46Opo. Well, yan po yung mga kailangan po nating...
02:48Yan po ang pinaninindigan namin, kaya ayaw namin pong umalis doon.
02:52Ang barangay naman po kasi namin malaki. So hindi po sila aalis sa barangay nila.
02:57So ililiusin lang po sila.
02:59Yung mga burial ground, hindi po dapat talaga ginagalaw yan.
03:03Baka ma-identify naman. Baka pwede tayo mag-maintain ng IP cemetery sa gitna ng facility.
03:09Wala rin umanong konsultasyon na ginawa.
03:12Nangako naman ang BCDA na pupulungin nila ang mga opisyal ng tarlak at buong Region 3.
03:18Nangako rin ang BCDA ng maayos na paglilipatan sa mga maapektuhan.
03:24Babayaran din daw ang mga magsasaka.
03:27Bibigyan ng financial assistance na 300,000 per hectare at tanggap na yun ng mga farmers.
03:32Sabi naman ni Senadora Aimee Marcos,
03:35Dapat tutukan ang gagawing kasunduan ng Pilipinas at Amerika.
03:39Sagot ng BCDA.
03:40Nag-uusap pa lang sila at wala pa umanong nilalagdaang kasunduan.
03:45Git din ang ilang senador,
03:47Dapat matiyak ng gobyerno na wala silang itinatago sa publiko
03:51at walang lalabaging anumang batas bilang kapalit
03:55ng inaasam na malaking investment sa bansa.
04:00Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Ora.
04:03rin ang to a
Comments

Recommended