00:01Inimbestigahan ng Ombudsman kung bakit pinabaha ang Visayas kahit ginastosan ng 60 bilyong piso ang mga proyekto kontrabaha roon.
00:11Nabilang sa sinisilip ang Mananga River Flood Control Project na ininspeksyon ni Ombudsman Jesus Crispin Rebulla.
00:17Nang manalasa kasi ang Bagyong Tino noong nakarang taon, matinding baha ang naranasan sa Talisay Cebu dahil sa pag-apaw
00:24ng ilog.
00:25Na una nang sinabi ng Department of Public Works and Airways na tila hindi naging sapat ang proyekto para maibsan
00:31ang pagbaha.
00:31Sabi ni Rebulla, pag-aaralan kung nasunod ang master plan sa pagtatayo ng flood control project sa Mananga River.
00:38Magdaragdag ang Ombudsman ng 20 abogado sa opisina ng Visayas na tututok sa ombestigasyon sa mga anomalya sa mga proyekto.
Comments