00:00Pinag-aaralan ng asawa ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng legal na hakbang na maaaring gawin matapos i
00:06-dismiss ng Quezon City Regional Trial Court ang kanyang petisyon para pigilan ng pag-release ng kanyang tax records.
00:14Ayon sa opisina ni Second Gentleman Attorney Manz Carpio, kabilang dito ang posibleng paghahain ng Motion for Reconsideration o isang
00:23apela para raw lubos na mapropektahan ang kanyang mga karapatan.
00:27I-diniin nilang ang annual tax returns ni Carpio ay protektado ng confidentiality provisions sa ilalim ng umiiral na tax
00:36laws kaya hiniling nilang bawalan ang Bureau of Internal Revenue na ilabas ito kaugnay ng impeachment proceedings laban sa asawa.
00:45Nilinaw din nilang hindi nila pinatitigil ang Kongreso sa paggawa ng trabaho nito sa ilalim ng saligang batas.
00:52Ang pinapipigil lamang nila ay ang walang pahintulot na paglalahad ng confidential tax records ni Carpio.
Comments