00:00Pinabulaanan ng dating tauha ni Vice President Sara Duterte na si Jerry Tupas
00:05ang aligasyon ni Rodolfo Gracioso na tumanggap siya ng pera para sa bise.
00:10Nagpakita pa ng patunay umanong nasa abroad siya sa mga pechang sinasabing natanggap niya ang pera.
00:17Nakatutok si Chino Gaston.
00:23Sa kanyang kontra sa Laisay na isinumite sa NBI,
00:26ay itinanggi ni Jeffrey Tupas ang mga aligasyon sa kanya ng dating polis na si Rodolfo Gracioso
00:32kaugnay ng paghahatid umano ng mali-maletang pera sa kanyang dating boss na si Vice President Sara Duterte.
00:39Tinawag ni Tupas na napakalaking kasinungalingan ang mga sinabi ni Gracioso.
00:44Imposible raw ang sinabi ni Gracioso na nag-abot ito sa kanya ng mga maletang may lamang pera
00:50noong mahal na araw, Abril ng 2019 sa Marinduque.
00:54Sabi ni Tupas, hindi pa siya nakakarating ng Marinduque sa buong buhay niya
00:59at wala siya sa bansa noong Holy Week ng taong 2019.
01:02Kalakip ng kanyang affidavit ang kopya niyang kanyang electronic ticket,
01:07stamp sa kanyang passport ng pechang pagpasok sa Korea at mga litrato at messages sa social media.
01:13Hindi rin daw totoo ang sinabi ni Gracioso na naghatid siya ng pera noong September 21, 2019 sa isang hotel
01:20sa Manila
01:21dahil nasa Japan raw siya na mga panahon yun.
01:24Patunay daw ang kanyang mga airline ticket at entry stamp sa pasaporte.
01:29Pinunari ni Tupas na mali ang spelling ng kanyang apelido sa affidavit ni Gracioso.
01:34Sa isang liham naman kay NBI Director Melvin Matibag, sinabi ng abogado ni Tupas
01:39na dumating ang mga taga-NBI sa tahanan ng kanyang kliyente sa Kutabato noong September 29
01:45para mag-alok-umano ng protective custody.
01:48Pero ang laman ng papel pala ay sampina.
01:51Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, hindi tinuturing ngayon na sospek si Tupas
01:56at ibabanggaraw ang mga sinabi niya sa kanyang affidavit sa mga aligasyon ni Gracioso.
02:02Lalo nang kailangan natin mag-imbestiga sino ngayon yung mag-agsasabi ng totoo talaga sa kanila.
02:09So tingnan natin kung ano. Kasi yung si Jeffrey Tupas, sinabpina namin siya eh.
02:14Hindi siya dumating, nagpadala lang siya ng sinumpang sa laisay niya.
02:17Hindi siya natin tinuturing na sospek o kung anuman, kundi tulungan mo kami na magbigay linaw.
02:24Dahil importante ito eh. We're talking about delivery ng pera na nasa maleta, nasa kahon.
02:29Ipinakita rin kanina ni Matibag ang polygraph o lie detector test ni Gracioso
02:34na bagamat hindi karaniwang tinatanggap bilang ebidensya,
02:38ay magsisilbing mahalagang gabay raw sa kanilang imbisigasyon.
02:42He was asked questions based on the affidavit.
02:45Meron kaming pinagsisimulan na ibig sabihin namin,
02:48teka parang base base dun sa methodology ng polygraph,
02:53which is a scientific na pamamaraan, na technical na pamamaraan,
02:57eh it looks like hindi siya nagsisinungali.
02:59Pero aminado si Matibag na kailangan pa rin ng ebidensya
03:03para patunayan ang mga aligasyon ni Gracioso.
03:07Sino gasto na katutok? 24 oras.