00:00Effectivo na ngayong araw ang 20% discounts sa singil sa pamasahe sa lahat ng public utility vehicles sa buong
00:06bansa.
00:07Magsisimula rin ngayong araw ang service contracting program ng gobyerno kung saan bibigyan ng 10 pesos per liter na fuel
00:13subsidy ang mga PUV
00:14at babayaran sila ng gobyerno ng 30 pesos hanggang 100 pesos bawat kilometro.
00:20Layon itong maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Middle East.
00:26Inatasan din ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza ang mga PUV na maglabas ng fare matrix para malaman ng mga pasahero
00:35kung magkano ang dapat nilang bayaran base sa 20% discount.
00:39Nilinaw ni Mendoza na ito ay bukod pa sa mga discount na ibinibigay sa mga senior citizens, persons with disability
00:47at mga estudyante.
00:49Inaasahan makikinabang sa programang ito ang nasa 50,000 PUV at 15,000,000 commuters.
Comments