00:00Ipinatutupad na rin ngayon ang diskwento sa pamasahe sa mga pampasaherong barko.
00:06Ito ay sa ilalim ng programang Lakbay Alalay ng Gobyerno na nagsimula kahapon.
00:12Ayon kay Transportation Senior Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor,
00:19katumbas nito ay ang Net Service Contracting Program ng Land-Based Mode of Transportation.
00:24Sa ilalim ng layag program, tutulungan ang mga operator or shipping companies na matiyak na sapat ang kanilang kita sa
00:32harap ng mataas na presyo ng petrolyo.
00:35At kasabay din ito ay ang pagbibigay ng diskwento sa mga pasahero na depende sa ruta ng barko.
00:41Tinatayang aabot sa 1.16 million na mga pasahero ang makikinabang sa programa kada araw sa loob ng labindalawang araw.
00:51Sa tala ng DOTR, aabot sa higit siyam na pong passenger vessels ang kasali sa Lakbay Program.
00:59Ang direktiba po sa atin ni Secretary Giovanni Banoy Lopez ay dapat nating matiyak na protektado ang ating mga mananakay
01:09mula sa epekto ng nasabing mataas na presyo ng petrolyo.
01:13Sa pamamagitan ng Lakbay Alalay ng Gobyerno Program or the Service Contracting Program in Maritime,
01:23maramdaman niyo po na nandito ang inyong gobyerno, nandito ang DOTR, nandito ang Marina para umalalay sa inyo sa mga
01:34panahon ng pangangailangan,
01:37dulot ng mga pandaigdigan at nasyonal na mga kaganapan.
Comments