00:00Handang-handa na ang pamahalaan sa pagpapatupad ng 60-day rice import ban na iiral simula sa unang araw ng September o sa Lunes.
00:10Kabilang sa mga babantayan ay ang pagtugon sa posibleng pagtatangka ng ilan na manipulahin ang presyo ng bigas at pagpapaluwag sa mga warehouse.
00:21Si Cleizal Pardilla sa Sentro ng Balita.
00:23Suspendido na ang pag-angkat ng bigas simula Setiembre.
00:31Ibig sabihin, wala munang papasok na mas murang imported rice sa bansa na mas tinatangkilik at nagpapabagsak sa presyo ng palay tuwing panahon ng anihan.
00:41Para matiyak ang katataganang supply ng bigas, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalabas ng National Food Authority ng 1,200,000 sako ng bigas.
00:55Gagawin yan sa pamamagitan ng auksyon o pagsusubasta.
00:59Ang aabot sa 25 to 28 pesos per kilo, ang floor price ng bigas depende sa edad nito.
01:06Layunin din ng auksyon na paluwagin ang mga bodega para makapag-imbak pa ng karagdagang supply ng bigas.
01:14Sa datos ng National Food Authority, lumulobo na sa higit 6 na milyong sako ng bigas ang inventaryo ng ahensya.
01:22Dito sa Valenzuela Warehouse, may 130,000 na sako ng bigas. Isa hanggang walong buwan nang nakaimbak sa bodega.
01:34Kaya maglalabas din ng 100,000 metriko toneladang bigas ang NFA na ibibenta sa 20 bigas meron na program.
01:43Pag titiyak naman ang NFA sa harap ng agam-agam ng ilang grupo ng mga magsasaka na posible itong makapagpababa sa presyo ng bigas.
02:04Higpitahan ng ahensya ang pag-monitor sa presyo ng bigas upang matuntun kung sino ang mga mapang-abusong balak magmanipula ng presyo nito.
02:28Kelaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.