00:00Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong araw, bahagya namang bumaba ang presyo ng ilang mga bilihin.
00:08Ilan naman sa mga mamimili, todo budget ang ginagawa mapagkasha lamang sa buong linggo ang budget.
00:14Tinitipid ko lang po kasi, tinitipid ko ang mas mura po yung mga bilihin.
00:20Tapos para makasya po yung mga bibilihin po.
00:24Walong katao ang nagahati-hati sa dorm ni Andrea at karaniwang sa bigas na kalaan ang pinakamalaking bahagi ng kanilang budget.
00:32Dati-dati, 15 kilos ng bigas ang binibili nila para sa isang linggo.
00:36Pero ngayon, matapos bumaba ang presyo ng bigas, 25 kilos kada linggo na ang kaya niyang bilhin.
00:42Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang average price ng lokal na bigas ay bumaba sa 40 pesos and 35 centavos per kilo nitong second phase ng Agosto,
00:51kumpara sa 40 pesos and 61 centavos noong first phase.
00:55Kasabay nito, tiniyak ng samahang industriya ng agrikultura o sinag na walang dahilan para magtaas ng presyo ng bigas, matapos ipatupad ang rice import ban.
01:04Dagdag pa ng sinag, nananatiling na sa 24 hanggang 26 pesos ang landed cost ng imported rice kaya't walang dapat maging dahilan para magtaas ng presyo.
01:13Kailangan po malino sa ating mga kababayan, wala pong basis ang sinasabing threat ng mga importers at traders na magtaas ng presyo ng bigas.
01:25Dahil sa parehong taripa, parehong naman ninyo nakukuha yung imported rice.
01:30Ibig sabihin, sa 15% pa rin ang tarip, kahit magpag-lift ng import ban sa November,
01:3915% pa rin ang taripang binabayan nila sa magpasok ng bigas.
01:46Sinigurado naman ng Department of Agriculture na hindi tatanggalin ang maximum suggested retail price sa imported na bigas.
01:52Tuloy-tuloy yun, hindi yun inaalis.
01:54Yung pag 43 pesos, ang MSRP na 5% profit.
02:01Para naman sa ating mga isda, season ngayon ng tulingan,
02:04kaya ito na ang pinakamurang isda ngayon dito sa Mega Q Mart na nasa P260 pesos kada kilo.
02:10Nasa P320 pesos kada kilo ang galunggong ngayon.
02:14Ang Yellowfin Tuna naman ay nasa P280 pesos kada kilo.
02:17At ang Torsilya ay nasa P280 pesos kada kilo.
02:21Ayon naman sa nagbebenta ng isda,
02:23mas malalaki ang mga huling isda ngayon kaya kapansin-pansin ang mataas na presyuhan nila.
02:28Babala nila, asahang tataas pa ito habang kapalapit ang Pasko.
02:32Ngayon, mga malaki, mga sariwa, mga ano, kano ba yan?
02:36Mga to, kataas yan.
02:38Kasi mamahali yung mga tuna.
02:42Kasi maabot na ang December, minsan walang huli yan.
02:45Ang baboy naman naglalaro sa P400 hanggang P600 pesos kada kilo ang iba't-ibang cut nito.
02:52Para sa mga popular na tapyas ng baka naman,
02:55ang laman ay nasa P420 pesos kada kilo,
02:57habang nasa P330 pesos per kilo ang ribs at P290 pesos per kilo ang bulalo.
03:03Siyempre, hindi mawawala ang presyo ng manok na nasa P210 pesos per kilo ang buong manok,
03:08habang nasa P180 pesos per kilo ang leg quarter.
03:12Hindi natin maiiwasang kailangan natin maghigpit ng sinturon sa ating pamimili
03:16dahil tumas na ang presyo ng produktong petrolyo.
03:19Para sa ating motorista,
03:21piso ang itinaas ng diesel,
03:23habang 70 centavos naman ang itinaas ng gasolina at kerosene.
03:26Sa ating mga kababayan,
03:28konting higpit muna sa sinturon,
03:30lalo't Bermans na.
03:32Denise Osorio,
03:33para sa Pambansang TV,
03:34sa Bagong Pilipinas.