00:00Tuloy-tuloy ang pamahagi ng cash relief assistance ng DSWD sa mga driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng
00:06langis.
00:06Ngayong araw, sisimulan na ang paghatid ng tulong sa mga tricycle drivers sa labas ng Metro Manila.
00:12May report si Carlo Candelaria.
00:18Inaasahang makatatanggap ang may 328,000 tricycle drivers mula sa mga region sa labas ng Metro Manila
00:24ng 5,000 pisong cash at relief assistance mula sa DSWD.
00:29Sabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, simultaneous ang gagawing payout sa mga major cities sa iba't ibang bahagi ng
00:36bansa.
00:36Yan ay alinsunod sa kautusan ng Pangulong Marcos Jr.
00:40Natugunan natin yung mga sulirani na kinakaharap ng ating mga tricycle drivers.
00:44Bunsod nga po ng patuloy ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:47Personal namang bibisitahin ng kalihim ng DSWD na si Secretary Rex Gatchalian
00:52ang ilang payout sites sa Kabanatuan City, Nueva Ecija, Alaminos at Urdaneta City sa Pangasinan.
00:58Sa mga magtutungo sa mga payout sites,
01:00kailangan lamang dalhin ng mga beneficiaryo ang kanilang original driver's license at photocopy nito.
01:05Mayroon namang mga itinalagang joint help desks ang DSWD regional offices,
01:09katuwang ang mga kinatawan ng mga LGU sa mga payout sites.
01:13Ayon kay Asik Dumlao, magkakaroon din ng mga pamamahagi ng ayuda sa mga jeepney drivers at mga drivers na nasa
01:19mga munisipalidad.
01:20In-anunsyo niya rin ang isa sa gawang special payout sa mga drivers sa National Capital Region
01:25na hindi nakapag-claim ng kanilang cash assistance dahil hindi nakasama sa naunang list na isinumite sa ahensya.
01:30Para sa mga tricycle drivers dito po sa Kamaynilaan,
01:35ang special payout ay gagawin sa April 13.
01:38Para naman sa mga jeepney drivers,
01:41ang special payout po nila ay April 14.
01:45Para naman sa mga TNVS drivers, April 15.
01:48Para naman sa mga MC taxi at service delivery riders,
01:52ang special payout po nila dito sa National Capital Region ay gagawin naman from April 17 to 19.
01:58Makikita sa Facebook page ng DSWD ang mga itinalagang payout sites sa iba't ibang bahagi ng bansa.
02:04Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments