Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Balikan ang isang linggong aktibidad ni PBBM | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Araw-araw na produktibo at puno ng mga aktividad ang trabaho ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06At unayan, ito na karang linggo, pinungunahan ng Pangulo ang pagsalubong at pagkumusta sa higit 300 OFWs na dumating sa
00:13bansa mula sa Middle East.
00:15Ang mga yan, alamin natin sa report ni Kenneth Pasiente.
00:22Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsalubong sa 343 OFW mula sa Middle East.
00:28Personal na nakipag-usap ang Pangulo sa mga OFW at kanilang pamilya at sinaksihan ang pagbibigay ng mga suporta ng
00:35pamahalaan.
00:37Nagtungo rin ang Pangulo sa Kamarines Sur para inspeksyonin ang San Agustin San Ramon Agrarian Reform Farmers Cooperative at ang
00:44Masba Solar Powered Irrigation Projects.
00:47Nakipag-usap ang Pangulo sa mga magsasaka sa lugar, usaan kanilang inilahad na malaki ang naitulong ng proyekto sa pagpapababa
00:54ng kanilang gastusin sa kuryente at sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.
00:57In-inspeksyon din niya ang Vegetable and Fruit Processing Facility at Bicol Mega Cold Storage Facility sa Pili.
01:05Martes nanguna ang Pangulo sa pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga public utility vehicles.
01:10Binigyang diin niya ang madaling akses at kakayahang magamit ang iba't ibang paraan sa pamamahagi ng subsidiya.
01:17Merkulis nanguna ang Pangulo sa send-off ceremony ng nasa 290 physicians na ipadadala sa mga komunidad sa iba't ibang
01:24bahagi ng bansa.
01:25Sila ang mga nagsipagtapos sa ilalim ng Doctors to the Barrios o DTTB program ng pamahalaan.
01:30Ayon sa kanya, napapanahon ang deployment ng mga doktor lalo't habon pa rin sa ilang lugar ang akses sa healthcare.
01:38Humarap din ang Pangulo sa isang press conference kung saan inireport niya ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan sa harap
01:44ng krisis sa Middle East.
01:45Inilatag din niya ang mga plano ng gobyerno para matugunan ang pagsipa ng presyo ng langis bunsod ng gera.
01:51Isa rin sa highlight ng linggo ng Pangulo ang pagdideklara ng State of National Energy Emergency.
01:56Sa harap ito ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East na nagbabanta sa supply at presyo ng langis sa pandaigdigang
02:02merkado.
02:03Kabilang na rin ang mga pagsasara sa mga kritikal na ruta ng langis tulad ng Strait of Hormuz na nagdudulot
02:09ng pagkaantala sa daluyan ng petrolyo sa buong mundo.
02:12Sa harap ng hamong ito, hinimok ng Pangulo ang publiko na magkaisa at magtulungan lalot bawat isaan niya ay may
02:19magagawang maliit na paraan para makatulong.
02:22Hinikayat niya ang lahat na isabuhay ang bayanihan at maging responsable lalo na sa pamamahagi ng tamang impormasyon.
02:30Huwebes, biyahing Isabela ang Pangulo kung saan ininspeksyon niya ang Ambatali Warehouse with Multipurpose Drying Pavement at ang Ramon Onion
02:37Cold Storage Facility.
02:38Layo ng dalawang pasilidad na umagapay sa mga pangangailangan ng mga magsasaka para mas tumaas ang kanilang ani at kita.
02:45Nagtungo rin ang presidente sa Kabatuan Super Health Center at pinangunahan ng turnover ng dalawang patient transport vehicles sa munisipalidad
02:52para mapahusay ang pagtugon sa mga emergency.
02:56Biarnes, pinangunahan niya ang pagbubukas ng Ninoy Aquino International Airport Expressway Westbound Off-Ramp to NIA Terminal 3 Project.
03:03Nagbibigay ito ng direktang koneksyon mula na IAX patungong NIA Terminal 3 na nagpapadali sa pag-access ng mga motorista
03:10at nagpapabilis ng biyahe ng mga pasahero papunta sa paliparan.
03:15Nanguna rin ang punong ehekutibo sa pagtatapos ng Philippine National Police Academy Silang Paglaom Class of 2026.
03:22Hinikayat niya ang mga nagtapos na manatiling tapat sa kanilang sinumpaan at magsilbing makatarungan at maaasahang tagapagpatupad ng batas para
03:30sa hostisya, kaayusan at siguridad ng mga Pilipino.
03:36Matapos ang 6 na taong pagkaantala, nabuksan na rin ang Atlo-Bola Bypass Road sa Mabalakad, Pampanga na mahalagang proyektong
03:44pang-imprastruktura na pinabilis sa ilalim ng direktiba ng Pangulo.
03:47Ipinag-utos din niya sa DBM na ilabas ang 145.56 billion pesos para sa Central Mindanao High Standard Highway
03:55Project na naglalayong pabilisin ang paglalakbay sa lupa at pasiglahin ang paglago ng ekonomiya.
04:01Inaprobahan din ng Pangulo ang pagpapatupad ng three-term school calendar sa mga pampublikong paaralan simula ngayong papasok na school
04:08year para mapataas pa ang antas ng edukasyon sa bansa.
04:11Layunin ng bagong pulisiya na mapakinabangan ang bawat oras ng pag-aaral na madalas naaapektuhan ng masamang panahon, pista opisyal
04:18at iba pang okasyon.
04:21Iniutos din ng Pangulo ang pagtutok upang pabilisin ang matagal ng naantalang rehabilitasyon ng Marawi City.
04:26Sa ilalim yan ng Reconstruction and Development Plan for a Greater Marawi o RDPGM Stage 2,
04:33nalayong ibalik ang mga imprastruktura sa transportasyon, enerhiya at tubig at muling itayo ang mga komunidad na may maayos na
04:40tirahan.
04:40Kenneth Paciente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended