Skip to playerSkip to main content
  • 50 minutes ago
Panayam kay Energy Regulatory Commission Chairperson Atty. Francis Saturnino Juan ukol sa suspension ng wholesale electricity spot market at ang pagpapatupad ng pricing mechanism

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Suspension ng wholesale electricity spot market at ang pagpapatupad ng pricing mechanism.
00:05Ating pag-uusapan kasama si Energy Regulatory Commission Chairperson, Attorney Francis Satornino Juan.
00:12Attorney Francis, magandang tanghali po at welcome dito sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:18Magandang tanghali, Asik Weng at Director Sheryl.
00:22Sir, una po sa lahat, ano po yung dahilan, bakit kinailangang ipag-utos ng ERC
00:27yung nationwide suspension nitong wholesale electricity spot market
00:31sa gitna ng tensyon sa Middle East at sa oil price surge?
00:36Base na rin sa rekomendasyon ng Department of Energy na sinasabi na kakailanganin natin
00:43na konserbahin at maging maayos ang ating resource allocation
00:48at para na rin makontrol ang presyo sa WESEM,
00:54ay minamarapat na isuspindi ang WESEM.
00:58At dahil na nga din sa rekomendasyon na yan,
01:01nagdesisyon na rin ang ERC na isuspindi na nga ang WESEM simula kahapon pa.
01:08Sir, paano naman po maapektuhan ng hakbang na ito
01:11ang electricity prices at power supply stability
01:14na direktang mararamdaman ng mga consumer?
01:19Kapag kasi sinabi natin kasi na sinususpindi din natin ang WESEM,
01:24mga nga hulugan lang nito na yung presyuhan ay masasalalay doon sa tinatawag nating administered prices.
01:32Ito yung mga presyo na tinignan ng ERC at inaprobahan
01:38at ito ngayon ang ipasisingil sa ating mga generation companies na magbebenta sa WESEM.
01:44At pagdating naman doon sa listahan ng mga planta na dapat patatakbohin,
01:50ang magiging basihan nito ay kung ano yung pinakamarapat na mga plantang mapatakbo,
01:58sisimulan natin yung mga pinakamurang planta tulad ng renewable,
02:02at isusunod dito yung mga mas mahal ng kauntit tulad ng coal
02:07bago pa natin kailangan nang patatakbohin yung mga natural gas
02:12or yung mga tumatakbo sa langis.
02:15Sir, pwede niyo po ba ipaliwanag itong special operating guidelines
02:19na inilabas ng Department of Energy
02:21at paano binibigyang prioridad yung pag-dispatch ng renewable energy resources?
02:28Batay na rin dyan sa pinalabas ng Department of Energy.
02:33Kung dati ang nagiging basihan ay purely kung ano yung offers,
02:39price offers ng ating mga generation companies,
02:43ngayon ang magiging basihan ng ating market operators
02:47sa paggawa ng listahan ng mga plantang dapat patakbuhin
02:51at any given time ay kung ano muna yung pinakamas mura
02:56at kung ano yung mayroong available na supply ng fuel.
03:01So, mga nga hulugan nito, makokonserva natin
03:03ang ating fuel kung sakali naman na mayroong makikita
03:09ang gobyerno na magiging kakulangan nito sa hinaharap.
03:14At mapapanatili din natin na stable ang mga presyo sa merkado
03:19dahil ang gagamitin nila ay administered prices
03:23na nakabatay doon sa presyong inaprubahan ng komisyon
03:27na may mekanismo naman upang makarecover ang ating mga generators
03:32yung talagang takdang gastos nila.
03:34Kasama na rin yung mga pagtaas ng gastos nila,
03:37bunsod na rin ang pagtaas ng kanilang fuel cost.
03:42Sir, sa pagpapatupad naman ng modified administered pricing mechanism,
03:46paano sinisiguro ng ERC na magiging patas ang bayad
03:50sa iba't ibang power generators?
03:54Ito ang ating itatakdang singil,
03:58magsisimulatan tayo doon sa kung ano yung dapat na i-fix na presyo,
04:04pero hindi mga nga hulugan nito na dyan lang
04:07ang pwedeng masingil ng ating mga iba't ibang generation companies.
04:12Kasi mayroong mekanismo dito sa administered price
04:16na kung saan maaaring humingi ng kalagdagang kabayaran
04:22or compensation yung ating mga generation companies
04:26kung mapatutunayan naman nila na mas mataas
04:29kaysa doon sa isinet nating presyo
04:31ang kanilang Act 1 na naging gastos.
04:35So sir, ano naman po yung magiging papel
04:37ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines
04:40at ng National Grid Corporation of the Philippines
04:42habang suspendido yung normal operations
04:45ng wholesale electricity spot market?
04:49Ang Independent Electricity Market Operator
04:53siya pa rin ang mag-dedispatch
04:57or mag-dedetermina
04:58ng mga planta na dapat patatakbuhin.
05:02So siya ang mayroong say
05:05pagdating doon sa schedule ng mga planta
05:08at ito naman ay itatransmit niya sa system operator
05:11para sa aktwal na implementasyon.
05:16Sir, dahil idiniklara nga po
05:18ang State of National Energy Emergency
05:21gaano po katagali na asahang mananatili ang suspension
05:24at ano po ang magiging basihan
05:27para ibalik ang normal market operations?
05:32Una, syempre makikipag-ugnayan tayo
05:34sa Department of Energy
05:36kung makikita naman ang Department of Energy
05:39na wala na yung mga kadahilanan
05:41upang ating makontrol
05:45yung pag-dedispatch ng mga planta
05:49ay akad din naman namin
05:51na ililift yung suspension.
05:54So sir, may pang nabapu
05:56ang ilang sektor na maaaring magkaroon
05:58ng supply constraints
05:59o rotational power interruptions.
06:01Ano po yung assurance ng ERC
06:03na mananatiling stable at reliable
06:05ang power system sa panahong ito
06:07lalo summer na po?
06:10Oo, ito naman yung ating binabantayan
06:13yung sufficiency ng ating supply
06:15gawa ng ang demand natin ay pataas
06:18sa tuwing magtatag-init.
06:21Ang ERC naman ay laging nakamonitor
06:24kung ano yung aktual na kondisyon
06:26nang sa ganon
06:27ay makagawa tayo ng hakbang
06:29na matugunan kung sakali man
06:32magkakaroon ng kakulangan sa supply
06:34tulad ng pagpapa-implementa
06:36ng mga programa
06:37like the Interruptible Load Program
06:40ng ating mga utilities.
06:42Sir, ano naman po ang long-term strategy
06:45ng ERC
06:46para gawing mas resilient
06:48ang energy market ng bansa
06:49laban sa global fuel surge
06:51at geopolitical tensions?
06:54Una, yung ating ginagawang
06:57pag-aaproba
06:59ng mga power supply agreements
07:02ito ay mabilisan na namin ginagawa
07:04nang sa ganon
07:05yung mga investment
07:06sa additional generation capacities
07:10ay mangyari na sa lalong madaling panahon
07:13upang magkaroon tayo ng sapat na supply.
07:16Ganon din yung mga pag-aproba namin
07:18sa mga CAPEX applications
07:20ng NGCP
07:22at ng mga ibang-ibang distribution utilities.
07:25Kasi kailangan din natin
07:26ng isang matatag, resilient na grid
07:29nang sa ganon kung mayroong magiging
07:31kalagdagang generation capacities
07:33na papasok
07:34ay makokonekta sila
07:36at maiyahatid niyang kuryente na yan
07:38hanggang sa mga kabahayan.
07:41Okay, sir.
07:42Minsahan niyo na lang po sa ating mga kababayan
07:43na nakatutok sa atin ngayon.
07:46Oo.
07:47Sa mga panahong ito,
07:49huwag tayong mangamba
07:50na ang gobyerno
07:51ay ginagawa ang lahat
07:52para maging secure
07:55ang ating supply
07:55at stable naman
07:57ang presyuhan
07:58ng ating kuryente.
08:00Pero syempre,
08:01meron tayong dapat din na contribution
08:02at ito yung
08:03pagtitipid natin
08:05sa gamit ng kuryente
08:06nang sa ganon
08:07ay hindi tayo
08:08makadagdag
08:08sa pagtaas
08:10ng demand
08:11na nagpapamahal din naman
08:12sa presyuhan
08:14sa merkado.
08:16Alright, maraming salamat po
08:17sa inyong oras.
08:18Energy Regulatory Commission
08:20Shareperson Attorney Francis
08:21Saturnino One.
Comments

Recommended