Skip to playerSkip to main content
  • 43 minutes ago
Panayam kay DOST-PAGASA Deputy Administrator for Research and Development, Dr. Marcelino Villafuerte II ukol sa heat index at ang iHeatMAP para sa real time moniotoring nito

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alamin natin kung ano ang heat index at ang i-heat map para sa real-time monitoring nito
00:06kasama si Dr. Marcelino Villaferte II, Deputy Administrator for Research and Development ng DOST Pag-asa.
00:13Dr. Villaferte, magandang tanghali po at welcome dito sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:19Yes, magandang tanghali rin po, Director Shea Petril and Sequeen.
00:24Maraming salamat po sa pag-invitado sa amin po sa Pag-asa.
00:27Sir, para sa kaalaman ng ating mga kababayan, ano po ang heat index at paano ito naiiba sa karaniwang air
00:34temperature na nakikita sa weather forecast?
00:38Opo, ang heat index po ay ang epekto po kapag kapinagsama natin ang temperatura ng hangin at ganoon din po
00:48yung taglay nitong moisture or yung humidity.
00:53Ito po yung panukat po natin, ano, upang gaano ba yung pakiramdam ng tao kapag halimbawa pinagcombine natin yung alinsangan
01:02at saka nga po yung temperatura ng hangin.
01:05So, yun po ang heat index and then tinatranslate po natin ito, ano, into information na maaaring,
01:11yun nga kapag kama taas ang heat index ay maaaring na itong may potensyal na hindi magandang epekto sa ating
01:16katawan.
01:18Sir, paano naman po pinamonitor ng pag-asa ang temperature at humidity para po matukoy kung gaano kainit yung aktwal
01:26na nararamdaman ng katawan ng tao?
01:29Opo, yung temperatura po ng hangin, ano, ang ginagamit po natin dito ay, of course, thermometer.
01:35Inaalam po natin kung ilang degree Celsius ba ang init ng ating hangin.
01:41Ngayon, yung naman pong humidity, ito po ay minimeasure ng psychrometer.
01:46At kapag pinagcombine po natin ito, makocompute po natin yung heat index.
01:50Ito pong heat index ay estimate po, ano, na kung ano ba yung posibleng pakiramdam ng tao, particular dun sa,
01:58yun nga, kung mataas ang halamig-mig ng ating hangin or yung humidity,
02:02at saka yung mataas din yung temperature ng hangin, then we combine it, approximately merong pakiramdam na ganito yung maaaring
02:10maramdaman ng isang tao.
02:12Sir, ayon sa pag-asa, maaaring tumaas ng heat index kapag direktang bilad sa araw.
02:17Gaano po ito kadelkado, lalo na sa mga outdoor workers at commuters?
02:23Yes, ito po, ano, sapagkat ang pag-compute po natin ng heat index, ina-assume po natin na ang isang
02:30tao ay nasa lilim na lugar.
02:33Kapag ito po, ang isang tao ay direktang bilad sa sikat ng araw, definitely yung maaaring daman natin ay mas
02:41higit pa doon sa heat index na meron, na na-estimate natin.
02:45So, ibig sabihin po, may posibilidad po na yung mga workers, street workers in particular, ay maaaring pong mas mataas
02:54yung epekto sa kanila dahil direkta pa silang bilad sa araw.
02:58And definitely, yung mga pag-iingat po ay kasama doon sa pinapayo natin kapag ang isang magagawa ay nandun nga
03:05po sa direktang sikat ng araw.
03:07Na as much as possible, kung maaari po sana, ay may frequent din tayo na kumbaga uminom ng tubig upang
03:15nasa ganon ay hindi po masyadong maging ma-dehydrate ang ating katawan.
03:21Sir, pwede niyo po bang ipaliwanag yung apat na kategories ng heat index levels?
03:27At ano po ang dapat gawin ng publiko sa bawat level?
03:32Okay po. So, meron pong apat na kategorya po yung heat index.
03:37Kuna po is yung quotient.
03:39Kapag ka ang heat index value po ay nasa about 27 to 32 degrees Celsius.
03:44At kapag ka nasa ganong level po, roughly po maaaring makaranas ng pagkapagod or fatigue ang isang tao.
03:52So, ito ay dahil sa, yun nga, medyo mainit na rin yung kondisyon na panahon.
03:57Ang sunod na level po nito ay yung extreme quotient.
04:00Kapag ka umabot naman ng 33 hanggang 41 degrees Celsius.
04:04At ang extreme quotient po, maaaring nang maramdaman ang heat cramps and also yung heat exhaustion.
04:11Kapag ka mas mataas po doon, umabot tayo ng 42 hanggang 51 degrees Celsius.
04:17So, maaaring naman po, ito po ay nasa danger level.
04:22So, maaaring maranasan ang heat cramps at also yung heat exhaustion.
04:27And kung patuloy po, ano yung magiging aktibidades natin, particularly for outdoor workers,
04:33maaaring din itong mauwi sa heat straw.
04:36And then, yung pinakamataas na level po, ano, yung extreme danger.
04:40Kapag ka naging mas mataas sa 52 degrees Celsius yung value ng heat index,
04:44ito po ay posibli na, no, or imminent na ang posibilidad ng heat stroke.
04:51So, kailangan po mag-ingat ang tao kapag ka nasa ganong level po yung ating heat index values.
04:59So, sir, paano naman naapektuhan na matinding init yung katawan,
05:02lalo na yung mga vital organs tulad ng puso at kidneys?
05:05At kailan nito maaaring mauwi sa heat exhaustion o heat stroke?
05:10Opo. Kapag ka masyadong mainit po, ano, yung temperatura ng ating environment.
05:17Of course, yung ating pagpapawis ay hindi ganon,
05:23lalo na kapag ka mataas ang humidity ng ating environment.
05:28At ang nangyayari po, yung ating core temperature ay tumataas din.
05:31And definitely, merong ayun po doon sa mga sinasabi ng mga dalubhasa,
05:38mga magagamot, of course, sa medical field.
05:41Ang sinasabi nila ay maaaring itong maka-apekto sa ating mga internal organs.
05:47And ang epekto po nito ay maaaring, of course, dahil sa dehydration,
05:52at maaaring pong tumigil yung pagdali ng lugo at mag-cause ng heat stroke.
05:58At kapag ka nasa ganong pagkakataon po, maaaring mag-lead into coma
06:03and maaaring din po, eventually, kung hindi siya maagapan, ay mag-cause ng death.
06:09Sir, sino-sino naman po yung itinuturing na most vulnerable groups sa heat-related illnesses?
06:16At ano po ang paalala ninyo sa kanila ngayong tag-init?
06:21Definitely po ano yung mga matatanda, ganon din yung mga may existing na nakaramdaman,
06:29sila po yung mga highly vulnerable sa mainit na at maalinsangang panahon.
06:34And ganon din, of course, yung mga bata at, of course, yung mga outdoor workers.
06:40So, kaya ang kailangan pong gawin natin, pinapayuhan po natin, particularly yung mga elderly,
06:48yung mga existing na mga karamdaman, halimbawa mga hypertensive,
06:55yun po yung frequent na pag-inom natin ng tubig.
07:00Ganon din po yung pagsusuot natin ng kasuotang mas komportable.
07:05Kumbaga, maiwasan sana natin yung masyadong mainit at maalinsangan.
07:11Ganon din, yung pag-improve natin ng ventilation sa ating mga tahanan,
07:15maaari po natin buksan yung ating mga bintana para dumaloy po ang hangin
07:20at hindi naman maging masyadong mainit.
07:23Ganon din po, of course, yung mga outdoor workers,
07:26kung maaari po may from time to time, may konting break,
07:30inom ng tubig, upang lang sa ganon ay hindi naman maging masama yung epekto
07:36ng matinding init at sikat ng araw sa ating kalusugan.
07:42Sir, ano naman po itong heatmap ng pag-asa at paano ito makatutulong sa publiko
07:47para mas mapagpagandaan ang matinding init sa kanilang lugar?
07:54Yes, ito po ay heatmap ay isang interactive heatmap na recently launched.
08:00Actually, last year pa po ito, although may mga additional features na kami dinagdag sa ngayon.
08:05Ito po ay nagbibigay ng informasyon kaugnay ng ano ba yung heat index na na-observe natin ngayon
08:14at in the coming days.
08:16And then, hour by hour po ay makikita na natin kung papaano nagbabago yung value ng heat index
08:23for a particular location.
08:25Ito po ay ginamit natin sapagkat may mga katanungan sa atin before
08:29kasi before po ang binibigay lang natin ay base lang doon sa nasusukat natin
08:34kung saan meron tayong istasyon.
08:36Ngayon po, kahit papaano na-estimate na natin ano ba yung value ng heat index for a particular location
08:41lalo na yung mga lugar na wala namang pag-asa station.
08:45Of course, limited lang po ang ating resources.
08:48So, ginawa po natin, ginamit po natin yung mga numerical weather prediction models
08:53upang nang sa ganon ay makatulong na ma-estimate natin kung ano may value ng heat index
08:58at eventually ay magamit po ng ating mga kababayan upang magingat sila
09:03kapag halimbawa nasa danger level or nasa more particularly kapag ka nasa extreme danger.
09:10And ang maganda nga po dahil hour by hour ay malalaman pa natin yung value ng heat index
09:15maaari pong at least ma-identify ng ating mga kababayan kung saan ba
09:21at kailangan yung kailangan mas lubos na magingat, anong oras
09:26at upang nang sa ganon ay maiwasan po yung hindi magandang epekto sa ating kalusugan.
09:32Sir, ano naman po yung detalye sa features ng iHeatMap at paano po ninyo hinihikayat
09:39ang mga sektor at publiko na gamitin ito?
09:43Yun po ano with the iHeatMap sa kasalukuyan po pwede nang pag nag-click tayo sa isang lugar
09:50dyan sa isang pixel kung saan man yung interest natin
09:53halimbawa kung punta tayo or nandun tayo sa specific na lugar na iyon
09:57ay malalaman po natin ano pag-clinic natin for a particular location
10:02ano yung possible na heat index value for a particular time
10:08at ganoon din in the coming days. Bukod po doon ay meron din mga payo
10:15kung ano po pag-clinic natin isang lugar doon
10:18maaari pong magbigay sa atin ng informasyon
10:21ano ba yung maaari natin gawin kapag nasa ganitong level yung heat index value.
10:27And then hinihikayat po natin ang ating mga kabayan
10:29of course sa paggamit ng iHeatMap at sa pagbisita sa ating website
10:34upang nang sa ganitong maging gabay po nila
10:35at maiwasan yung hindi magandang epekto ng masyadong maini at maalinsangang panahon.
10:43Recently po, meron din po kami, actually naka-embed na rin po ito doon sa panahon
10:48website ni Pagdasa na kung saan ay may additional information pa
10:55bukod doon sa temperature, humidity at sa heat index values.
10:59May other information pa po whether kung possible ba na may thunderstorm
11:03or may pagulan na inaasahan at a later time.
11:07So yung mga ganang informasyon po I think ay useful sa ating mga kababayan
11:11at sana po ay gamitin po nila ang mga resources na ito
11:15upang maging gabay po at makaiwas sa anumang sakuna
11:19na dulot ng masyadong mainit at matinding alinsang panahon.
11:25May plano po ba ang DOST Pag-asa na palawakin pa ang features nitong
11:30i-heat map para mas maging accessible at syempre kapakipakinabang
11:35sa maraming Pilipino kasi kung dati naabangan natin kung ano magiging
11:39temperature bukas o kung uulan ba bukas.
11:41So ito, gaano po siya ka-accurate na hanggang ilang araw yung pwede mong makita.
11:46Kunyari magbabakasyon ka somewhere, gusto mong makita kung hanggang
11:493 days ba ay ano ang magiging takbo ng, o ano ang heat index natin doon
11:55sa lugar na yun?
11:57Yes po. Sa kasalukuyan po, may mga additional features pa kami
12:02ang gustong idagdag dyan. Bukod doon sa 3 days forecast, gusto po po
12:06sana namin ma-extend into at least 5 or even 7 days na forecast natin.
12:12Bukod po doon, gusto rin po sana natin mag-develop ng mobile app
12:17na kung saan para mas convenient pong gamitin po ano ng ating mga kababayan
12:22na kumbaga kapag ka merong warnings, pwede pong magkaroon ng
12:29manotify ang ating mga kababayan.
12:32Halimbawa may push notification na po siyang maladagdag na feature
12:37kapag ka-ininstall po yung mobile application.
12:43We are in the process po, no? Dahil as early as Monday this week,
12:50nag-terminate na nga po tayo ng Northeast Monsoon at nagsisimula na ito, ano?
12:54Pudyan po dito ng mainit at malinsanga panahon.
12:58And so, we are asking nga our colleagues po ano doon sa ICT na ma-improve
13:04at mapabilis din po yung paggawaan ng mobile application
13:09upang nasa ganun ay makatulong po.
13:12Right before, actually next week nga,
13:15ay simula na ng ating Holy Week
13:18and kaalinsabay noon, of course, yung mga pagbabakasyon.
13:22At ganun din, of course, sana po ay makatulong.
13:26Kahit sa ngayon po ay nandito pa lang siya as web application.
13:32Ito naman po actually ay mobile friendly na
13:35so pwede na rin pong ma-access via our mobile devices.
13:40Alright, sir, mensahin nyo na lang po sa ating mga kababayan?
13:46Yun po, kaupnay nga po, ano?
13:48Dahil simula na kaka-underland, kadginit at malinsangang panahon,
13:53ating mga kababayan ay pinag-iingat natin
13:56doon sa hindi magandang epekto ng masyadong mainit at malinsangang panahon.
14:00So, again, ang payo po natin ay sana po
14:06maging frequent po yung pag-inom natin ng tubig
14:11upang lang sa ganun na imaiwasan yung dehydration
14:13and yung mga kasunod pa na hindi magandang epekto sa ating katawan
14:20ng mataas na heat index values.
14:23Ugaling din po sana maging updated po
14:25ng ating mga kababayan doon sa heat index information
14:29gamit po yung interactive heat map na nasa website po ni Pag-asa.
14:33Ganun din po yung panahon web application ni Pag-asa
14:37maging gabay po sana natin
14:38upang maging updated tayo
14:41ano pa yung whether merong ulan
14:43or gaano yung temperature or heat index na inaasahan natin
14:47particularly doon sa mga lugar na ating pupuntahan.
14:49So, mag-ingat po tayo lahat
14:52and maraming salamat po.
14:55Alright, maraming salamat po sa inyong oras
14:58Dr. Marcelino Villaferde II
15:00Deputy Administrator for Research and Development
15:03ng DOST Pag-asa.
Comments

Recommended