00:00What's up na?
00:01Sa semifinals, ang Signal Super Spikers at PLDT High Speed Hitters
00:06sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.
00:11Dumagundong ang Araneta Coliseum sa Cubao
00:14matapos patumbahin ng Super Spikers
00:17ang powerhouse team na Creamline Cool Smashers
00:20sa loob ng isang 5-set thriller
00:2225-21, 24-26, 18-25, 25-22, at 17-15.
00:31Itinanghal bilang player of the game
00:33ang veteranong setter ng Signal na si Jel Cayuna
00:37matapos niyang magposte ng 35 excellent sets
00:40na sinamahan pa ng labing isang puntos.
00:44Nagambag din ng game-high 26 points
00:47ang spiker na si Erica Santos
00:48para tulungan ng Signal na maibulsa
00:51ang otomatikong ticket sa semifinals.
00:53Sa kabila ng pagkatalo,
00:55buhay pa ang Final Four hopes ng Cool Smashers.
00:58Hihintayin ng Creamline ang mananalo
01:00sa play-in match sa pagitan ng Akari Chargers
01:03at Chocomucho Flying Titans.
01:05Sa unang laro ng gabi,
01:07nauna nang nakuha ng PLDT High Speed Hitters
01:10ang unang spot sa semis
01:11matapos talunin ang Farm Fresh Foxes,
01:1418-25, 25-23, 25-15, 25-22.
01:20Haharapin naman ng Foxes sa play-in match
01:23ang mananalo sa pagitan ng NX LED Chameleons
01:26at Gallery's High Risers.
Comments