Skip to playerSkip to main content
Ngayong halos mamatay ang kabuhayan ng mga tsuper sa gitna ng mga mega oil price hike muling nabubuhay ang bayanihang tumulong sa marami noong pandemya.

'Yan’ yung mga community pantry na pareho rin ang hiling — "magbigay nang ayon sa kakayahan at kumuha lang ng kailangan."

Sa Quezon City may mga tumugon na at nagbibigay ng pag-asa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ngayong halos mamatay ang kabuhayan ng mga chupers sa gitna ng mga mega oil prize hike,
00:06muling nabubuhay ang bayanihang tumulong sa marami noong pandemia.
00:11Mga kapuso, yan po yung mga community pantry na pareho rin ang hiling.
00:15Aba, magbigay ng ayon sa kakayahan at kumuha lamang ng kailangan.
00:20Sa Quezon City, may mga tumugon na at nagbibigay ng pag-asa at nakatutok si Mark Salazar.
00:30Sa gitna ng kawalang katiyakan noong pandemia, umusbong ang liwanag ng pag-asa at pagtutulungan dahil sa isang maliit na
00:38kariton sa Diliman Quezon City.
00:41Simple lang ang siste, magbigay ng naaayon sa kakayahan at kumuha lang ng kinakailangan.
00:48Yan ang community pantry na lumaganap hanggang maging movement ng bayanihan.
00:56Makalipas ang limang taon, ngayong humaharap na naman ang bansa sa malaking problemang dulot ng mahal na langis.
01:02Muling binubuhay ang community pantry sa pilahan ng tricycle dito sa Magenhawa Street, Teacher's Village.
01:10Ang call to action, tulungan ang sektor na unang pinadapa ng mataas na presyo ng langis.
01:15Ang mga driver ng pampublikong transportasyon, may mga tumugon agad sa panawagan at nag-iwan ng bigas, gulay, prutas at
01:24itlog.
01:25Pwede po tayong magtulungan sa isa't isa, sa mga maliliit na bagay.
01:28So kung may mga ekstra po tayo ay at least may mga ganitong inisiyatif.
01:32May nag-iwan din ng isang 50 pesos na papel at 40 pesos na barya.
01:37May magagandang intensyon na tumulong at ang binigay ay pera.
01:43Nandun yung intensyon na tumulong pero pakiusap nila rito ay mahirap bantayan ng pera.
01:49So kung pwede ay nalang makakain ang iwan daw nila at kung pera man ay doon nalang ipadala sa organizer
01:57ng mga ganitong community pantry
01:59para mabili ng pagkain na siyang pwedeng pick upin ng kung sino man nangangailangan.
02:20Alam naman daw ng mga tsuper na may hangganan ang tulong ng iba.
02:24Kahit pa ang ayuda ng gobyerno, kaya nga sabi nung isa, kanya-kanya tayong langoy sa buhay.
02:30Kaya kahit lumampas pa sa 100 pesos per liter ang gasolina, langoy pa rin.
02:38Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended