Skip to playerSkip to main content
Pagrarasyon ng petrolyo at kuryente pati pag-take over sa operasyon ng oil industry, ilan lang ‘yan sa mga kapangyarihang nabuksan sa pagdedeklara ni Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa bansa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagrarasyon ng petrolyo at kuryente, pati pag-takeover sa operasyon ng oil industry,
00:07ilan lang yan sa mga kapangyarihang nabuksan sa pagdadeklara ni Pangulong Bongbong Marcos
00:13ng State of National Energy Emergency sa bansa.
00:18Kung ano ay ibig sabihin ng mga ito sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:25Nakalatag sa nilagdaang Executive Order 110 ni Pangulong Bongbong Marcos
00:30ang mga gagawin ng gobyerno para tugunan ang krisis sa langis.
00:34Pero meron ding mga kapangyarihang hindi man nakadetalya sa EO
00:38ay maaari nang gawin ng pamahalaan sa pagdeklara ng National State of Energy Emergency.
00:43Isa dito ang pagrarasyon ng petrolyo kapag umabot sa kritikal na level
00:48at gipitan na ang supply ng langis sa bansa.
00:51Itatakda kung aling sektor ang bibigyan ng prioridad.
00:55I-allocate niya yung limited supply to whoever will be considered as the prioritized sectors.
01:04Siyempre unahin ng DOE yung public transport.
01:09I think pangalawa, uunahin din niya yung use ng fishermen and farmers.
01:16Maaari rin daw na ilang piling gasolinahan na lang ang papayagang magkarga ng petrolyo.
01:22Dahil sa oil deregulation law, hindi pwedeng magtakda ng price cap ang gobyerno sa presyo ng langis.
01:28Pero, sabi ni Energy Secretary Sharon Garin, pag-uusapan nila ang posibleng mekanismo ng price control.
01:34So, price control, kailangan yung tamang formula lang na hindi rin tayo maubusan na magsara lahat ng mga gas stations
01:41natin, oil companies.
01:43Pero, isang pagbantay din, tamang-tamang formula lang para lang po hindi masobrang mabigat po.
01:52If the prices are capped, oil companies will not be able to absorb losses and resort to business stoppage unless
01:59the government is willing to subsidize.
02:02This will result in fuel storages or shortages as the oil companies will not be able to procure supply replacements
02:11at much higher cost.
02:12Sa Section 14E ng Oil Deregulation Law, nakasaad na sa panahon ng national emergency.
02:18Kapag hinihingi ng public interest, maaaring i-takeover ng Department of Energy ang mga oil company.
02:24Pero, malaburaw itong gawin ng gobyerno, maliban na lang kung may mananamantala.
02:29Wala po tayong capacity to take over the whole operation of the oil companies.
02:35Mga isang libon lang po yung tao ng DOE.
02:38So, we are not in the business of oil.
02:41Partner din natin dapat yung mga nandun sa oil industry.
02:46Pwera lang kung magsasamantala sila, na pwede i-takeover natin yan.
02:51Pero kung hindi naman magsasamantala, okay lang.
02:56So, I do not see that happening.
02:59Hindi makakatuloy yung pag-takeover sa supply ng langis.
03:03Sa state of emergency, maaaring na rin iutos ng Department of Energy ang load curtailment.
03:08Para itong pagdarasyon sa paggamit ng kuryente, tulad ng rotational brownout.
03:13Pwede rin utusan halimbawa ang mga shopping mall o negosyo na magbawas ng paggamit ng kuryente.
03:19Yan na yung unahin muna kung sino dapat ang somehow magkaroon ng kuryente.
03:26It happens normally when the supply is not enough to meet the demand.
03:31And in those instances, meron siyang pinapatay here and there, mauna muna ibang lugar na magkaroon ng kuryente.
03:37Sinus-spin din naman ang Energy Regulatory Commission o ERC ang operasyon ng Wholesale Electricity Market o WSM.
03:45Sa WSM, bumibili ng kuryente ang mga distributor kapag kailangan ng dagdag na supply.
03:50Pero may pagkakataong sa mas mahal na halaga.
03:52Sabi ng ERC, magpapatupad ito ng Modified Administered Pricing o Price Cap,
03:57na yung tumaas na rin ang presyo ng coal at liquefied natural gas sa world market.
04:01Coal at liquefied natural gas kasi ang ginagamit ng mahigit 75% ng mga power plants sa bansa.
04:09Mayroong pupwedeng i-fix na singil na para sa ating mga generation companies depende sa teknolohiya.
04:18At mayroon din naman na kung halimbawa hindi sasapat yung singil na na-fix,
04:25ay mayroong mekanismo na kung saan makahihingi ng additional compensation.
04:32We ensure that they are able to recover yung kanilang reasonable costs.
04:38Sa ilalim din ng Executive Order 110, mapapabilis ang pagbili ng gobyerno ng petrolyo
04:43at iba pang kakailanganin para matiyak ang supply na kakailanganin para harapin ang krisis.
04:49Sabi ng Power for People Coalition, sana gamitin ang kapangyarihan yan
04:54para mabigyan ng solar panels ang mga nasa laylayan o mga gumagamit ng 200 kilowatt kada buwan.
05:00Malaking kabawasan na kasi sa electric bill na mga mahihirap,
05:04mababawasan pa ang demand sa kuryente.
05:06At the very least, 50%, 30 to 50% reduction agad ng cost kung meron kang 500 watt system na
05:174 hours.
05:18That's 2,000 watt hours per day. Per day na one tinatanggal mo sa demand.
05:27Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok 24 Horas.
05:36That's 2,000 watt hours per day.
05:37That's 2,000 watt hours per day.
Comments

Recommended