Skip to playerSkip to main content
Binuweltahan ng mga kongresista ang pagkuwestiyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa pagpapatawag sa kanya ng House justice committee. Punto nila, mismong defense team ng bise ang humiling sa Korte Suprema na mabigyan siya ng due process.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binweltahan ng mga kongresista ang pagkwestiyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte
00:05sa pagpapatawag sa kanya ng House Justice Committee.
00:08Unto nila, mismong Defense Team ng BSE,
00:11ang humiling sa Korte Suprema na mabigyan siya ng due process.
00:15Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:20Nang in-impeach ng Kamara si Vice President Sara Duterte noong nakaraang taon,
00:25diretsyo sa Senado ang Articles of Impeachment,
00:28matapos pirmahan ng hindi bababa sa one-third ng lahat ng kongresista ang verified complaint.
00:34Kinwestiyon ito noon ni Duterte sa Korte Suprema
00:37dahil hindi raw siya binigyan ng due process o pinasagot ng Kamara
00:41sa mga aligasyon na silang ayunan ng Korte Suprema.
00:45Kaya nagtataka ngayon ang ilang taga-House Committee on Justice
00:49kung bakit sinasabi ng mga abogado ng BSE na unconstitutional ang ginagawa ng kumite.
00:55Nung sinabi po ng Korte Suprema na dumaan sa Committee on Justice
00:59na ibigay ang due process requirements sa respondent which we are doing right now
01:07dahil yun po ang dilatag ng Korte Suprema.
01:14Ngayon nakapagtaka na kinikwestiyon din nila yun.
01:17So in fact sila po ang humiling na ganitong proseso ang gawin.
01:25Partikular na binabatikos ng BSE at kanyang mga abogado
01:28ang paggamit ng katagang mini-trial sa hearing ng House Committee on Justice
01:33dahil ang Senate Impeachment Court lang daw ang pwedeng magsagawa ng trial.
01:38Ang pananaw din natin pagkating sa Committee on Justice po,
01:41tinitingnan nilang dyan kung meron ng probable cause
01:45para ito ay pagbutokan sa plenario at iangat sa Senado bilang Articles of Impeachment.
01:51Pagdating po sa trial, e yun po ay dapat nandun na sa Senado.
01:56The term mini-trial was, as I explained before, was only used to explain kung ano yung process that's going
02:03on now.
02:04This is not a trial that we will determine the guilt or innocence of the Vice President or the person
02:09impeached.
02:10It's just really to clarify certain matters.
02:14Tinawag din ng BSE na fishing expedition ang pagpapasabpina ng House Committee on Justice
02:20ng ilang dokumento at testigo.
02:22Sabi ng mga abogado ng BSE, dapat kung ano lang ang hawak na ebidensya ng mga complainant,
02:29yun lang ang tatalakayin ng committee.
02:31Sa pananaw namin, kung tayo ay lumalabas na doon sa four corners of the complaint
02:36at kahit doon sa ebidensya, e hindi na po clarifikatory yan.
02:40At nagiging parang sa kanilang nanggaling may trial type, mini-trial kung tawagin.
02:46Hindi naman po naghahanap ng ibang ebidensya ang Committee on Justice.
02:51Kung ano po ang nabanggit sa mga complaints which we deemed sufficient in substance,
03:01yun lang po ang pinasabpina ng Committee.
03:06Isa sa mga bibigyan ng sabpina ng House Committee on Justice ay ang Office of the Ombudsman
03:12para hingin ang kopya ng mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN ng BSE.
03:19Sabi ng Ombudsman, nakahanda na raw ang mga SAL-EN ngayon pa lang kahit ni pa nila natatanggap ang sabpina.
03:26It's part of the constitutional process that we have. It's the legal process.
03:32And we just abide by the rules and the law when it comes to impeachment proceedings.
03:39Susunod naman tayo sa batas.
03:40Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended