00:00Pag-release ng P10B na assistance para sa mga mangingisda at magsasaka
00:05at ang price cap sa imported na bigas,
00:07ating pag-uusapan kasama si Assistant Secretary Arnel De Mesa,
00:11ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.
00:14Asik Arnel, magandang tanghali po.
00:17Hi Director Cheryl, Joshua, magandang tanghali po,
00:20magandang tanghali sa lahat ng taga-survival.
00:22Asik sa nakatakdang paglabas ng P10B na pondo
00:26para sa Presidential Assistance to Farmers and Fisher Folk Program,
00:30paano po masisiguro ng DA na magiging mabilis at hindi maaantala ang distribution nito?
00:36At kailan po inaasahan ang release nito?
00:39Tama po yung Director Cheryl, inaasahan po natin na marilis sa DA ng DBM
00:45yung ating pungsaro by April 2.
00:48So by as early as April 6 or immediately after the Holy Week po,
00:52ay pwede na tayo magsimula ng distribution or release nitong ating Presidential Assistance
00:58to Farmers and Fisher Folk.
01:00Ang mangyari po rito, meron na pong Interventions Monitoring Card
01:05yung ating mga magsasaka.
01:08About 4.1 million po yung makikinabang dito.
01:12At meron na pong higit sa kalahate, 2.1 million yung meron na pong card.
01:17At i-release na po sa mga card na ito,
01:19ang tawag po natin ay top-up.
01:21So hindi na po nila kailangan pumila yung po na unang nabigyan ng card
01:25at matatanggap na po agad nila yung pondo na nakapalood para po rito.
01:30Okay.
01:30Asik, nabanggit mo itong 4.1 million na beneficiaries.
01:34Nasa magkano po yung matatanggap nila?
01:36Sa loob ng 4.1 million na beneficiaries natin,
01:40kasama na rito yung mga magsasaka ng palay,
01:44ng ating sugarcane, ng mais, at saka mga mangingisda,
01:48may kabuang bilang ito na 4,175,000.
01:51I-divide natin sa 10 billion.
01:53So makakakuha ang bawat isa ng humigit kumulang sa 2,325 pesos na matatanggap po nila.
02:03Pakipaliwanag din po sa amin, Asik, yung magiging proseso ng distribution nitong assistance.
02:08Meron po ba kayong datos kung ano-anong lugar ang mauunang makakatanggap nito?
02:14Yung kagayang nabanggit ko kanina, Director Cheryl,
02:17na meron na pong 2.1 million na meron ng naunang nabigyan ng card.
02:23So, i-release po sa true top-up at i-de-deposit sa kanila mga accounts
02:28yung pong pondo na nabanggit.
02:31At pag natanggap po nila yun, pwede na po nilang ma-withdraw agad-agad.
02:35Doon naman po sa wala pang card, ay magkakaroon po kami ng mga caravans sa buong bansa
02:41para po magkaroon ng tinatawag po natin na know your client.
02:48At mabigyan din po sila ng mga cards
02:49at para po maging tuloy-tuloy din po yung iba pang assistance dito po sa mga wala pang card.
02:55Okay. Asik, we'd just like to confirm, no?
02:58Sa nauna pong fuel subsidy, umabot po o lamang po ito sa humigit kumulang 25,000 beneficiaries.
03:03Ano po yung hakbang ng DA dito para mapalawak pa ito?
03:07May arami pa kaming tinitingnan ng mga additional pondo.
03:10Sa ngayon kasi ang na-release na po sa DA ay 100 million.
03:15At meron pang 50 million na pwede po kaming ma-request sa Department of Budget and Management.
03:20At tinitingnan din po yung iba pang pondo nung mga nakalipas na taon
03:24sa kagaya rin na programa na fuel subsidy na nasa DBP pa
03:29na i-request din po namin na maibigay.
03:32So, pwede pa pong madagdagan yung mga beneficiaries natin itong fuel subsidy natin.
03:37Asik, sa laki po ng pondo, paano po ninyo tinitiyak ang transparency at accountability
03:43para maiwasan po ang maling paggamit ng pondo?
03:47Unang-una, Director, ito pong mga listahan natin ay galing na rin po doon sa ating
03:52Registry System for Basic Sector in Agriculture
03:55na binavalidate po ng ating mga partner LGUs kasama na po yung mga tauhan natin
04:01sa regional field offices.
04:03At ini-endorse po natin ito sa Development Bank of the Philippines
04:07at saka dito po sa atin sa DA Central Office
04:10para matsyak po na talagang maayos yung nasabing mga listahan.
04:15At bago po sila magkaroon nga po ng cards
04:19ay iniisa-isa po sila before na magkaroon po ng know your clients na sistema
04:25ng ating mga banko at bago po mabigyan ng cards.
04:29So, talaga pong yung proseso ng pagbibigay nito mga interventions monitoring cards
04:35gayon din yung ating pong mga assistants ay talaga pong dumaan sa mabusisim proseso
04:40ng ating mga partner banks at fintech po.
04:43Okay. Asik, dito naman po sa usapin ng imported rice.
04:47Ano po ang pangunahing batayan ng DA sa rekomendasyon na price cap dito?
04:52Yung price cap po na P50, of course, meron po tatlong batayan nito.
04:58Yung presyo po sa international market, yung freight cost at saka po yung dollar exchange rate
05:04at base po sa mga informasyon na nakalapot natin.
05:10Ito po yung presyo na dapat para po sa premium imported rice.
05:16Asik, tanong naman po ng nakararami, lalo na po yung mga nasa probinsya,
05:20bakit daw po may mga lugar na umaabot sa P55 hanggang P60 ang kada kilo ng imported na bigas?
05:26So, parte po yan ang monitoring na gagawin natin, hindi lang po sa Metro Manila.
05:32At magkakaroon din po ng mabusising monitoring, katawang ang Department of Trade and Industry,
05:39ang ating mga lokal na pamahalan, para po masigurado na lahat po ay tutugon dito po sa itatakda natin na
05:46tamang presyo ng imported na bigas.
05:48Okay, Asik, para din po malinawan yung ating mga nagbebenta ng bigas at yung ating mga kababayan,
05:54sakali nga po mamonitor natin at hindi sumunod o tumupad sa tamang presyo itong ating mga rice retailers,
06:01ano po ang kakaharapin nilang parusa kung sakali lalabag po sila dito sa kautosan na ito?
06:07Joshua, abangan po natin yung ilalabas na panuntunan, kaagapay po nitong nilabas na rekomendasyon ng National Price Coordinating Council
06:20at pag naglabas po doon, yun po yung magiging batayan ng mga kaparusahan para po sa mga lalabag dito sa
06:26pwedeng itatakda na price cap.
06:29Asik, tanong po mula sa ating kasamahan sa media na si Stephanie Sevillano ng Philippine News Agency,
06:36inadapt na po ng NPCC yung proposal ng DA for 50 pesos per kilo price cap sa 5% broken
06:43imported rice.
06:44Kailan po ito magta-translate o makikita sa market since nasa 55 to 63 pesos na po ngayon ang premium?
06:53Yes po, unang-una na papasalamat tayo sa National Price Coordinating Council sa mabilis po nila na pagkilos
07:00base po sa rekomendasyon ng Department of Agriculture at naantabayan na po namin yung magiging kautosan
07:09para po mailabas yung executive order na magbibigay visa po para ma-implement itong price cap
07:16at kagaya po nang nabanggit kanina kung kailan po ito ma-implement at ano po yung mga kaparusahan
07:21sa mga hindi po susunod sa nasabing price cap.
07:25Okay.
07:26Asik, ito pong sunod na tanong ni Stephanie Sevillano ng PNA.
07:30Under state of energy emergency, ano pong gagawin nating action sa mga hindi mag-a-adhere sa 50 pesos per
07:36kilo price cap?
07:37O doon nabanggit niyo na po kanina dito na abangan natin yung mga panuntunan.
07:40At feasible daw po ba ito despite oil price surges?
07:44Base naman Joshua doon sa mga computation na nakita natin again doon sa nasabing panuntunan kanina
07:52ay possibly po itong amount na ito at mag-a-adjust naman po depende kung talagang magkakaroon pa
07:58ng mga pagbabago dito po sa ating merkado.
08:02Asik, sa gitna naman po ng oil price surge na maaaring magpataas ng presyo ng mga bilihin,
08:07ano po ang mga hakbang ng DA para mapigilan ang domino effect nito sa presyo naman ng pagkain?
08:14Unang-una, yung immediate assistance natin sa ating mga producers, sa ating mga magsasaka at manging isda
08:21sa pamamagitan ng ating fuel subsidy at assistance sa kanila,
08:26meron ng naunang 150 million at meron pa mga pondo na darating.
08:30Pangalawa, yung presidential assistance to farmers and fisher folks,
08:34na more than 4 million yung makikinabang ng mga magsasaka at manging isda.
08:39At ayon na rin doon sa itinakda na utos ng ating Pangulo under Executive Order 110 under Section 6D,
08:48ay inutusan din ng Pangulo ang ating kagawaran na gamitin na rin ang ating quick response fund,
08:531 billion pesos ito, at pag naubos, pwede tayong mag-request ng replenishment sa DBM
08:58para pagtulong din na gamitin para sa additional assistance sa mga affected farmers and fisher folk natin
09:07at inutos din ng nasabing Executive Order na mag-procure na ang ating kagawaran
09:13ng mga necessary requirements natin for agricultural inputs kagaya ng fertilizer
09:18kung kinakailangan mag-source using G2G arrangement o dito sa ating bansa
09:24para masigurado na pagkamat meron pa tayong sapat na supply sa susunod na taniman,
09:29on the longer term, kinakailangan po natin na masigurado
09:33na meron po tayong sapat na mga inputs para po matiyak natin ang siguradad ng pagkain sa ating bansa.
09:39Okay, asik, panghuli na lamang po, mensahit, paalala nyo na lang po sa ating mga kababayan na nakatutok sa atin
09:45ngayon.
09:46Muli po, maraming salamat sa pagkakataon at sa paggabay po ng ating Pangulo
09:51at sa pamumuno po ni Secretary Kiko Tulaurel Jr.
09:54Ang ating kagawaran ay nakatutok sa gitna po ng problema na ito
09:59at tulit-tulit po ang servisyo ng ating kagawaran.
10:01Muli po, mga gandang tanghalit, maraming salamat po.
10:05Maraming maraming salamat din po sa inyong oras,
10:07Assistant Secretary Arnel De Mesa, ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.
Comments