00:00Samantala, recommendation ng Department of Agriculture sa pansamantalang pagpapatigil ng rice importation at pagtaas ng taripa sa mga inaangkat ng bigas,
00:11ating pag-usapan kasama si Assistant Secretary Ornel De Mesa, ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.
00:18Asek Ornel, magandang tanghali po at welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:23Hi, Yosek Marks. Good morning, Asek Jawi. Maganda umaga din. Maganda umaga po sa lahat ng taga-subaybay.
00:29Asek, ano po ba ang dahilan sa naging rekomendasyon ng DA na itaas ang taripa sa imported rice?
00:37Yosek Marks, matandaan natin na ang laki na ng binaba ng presyo sa international market ng imported na bigas.
00:46Tapos, ngayong unang bahagi ng semester ay nakapag-record din tayo ng pinakamataas na harvest ng ating palay at 9.08 million metric tons.
00:58At patuli din yung pagbabahan ng farm gate price ng palay sa mga sakahan.
01:06At yung huling datos nga ng fill rice ay nasa 11 pesos na ito.
01:12Asek, Arnel, ano po yung dahilan kung bakit ipapatupad yung pag-impose po ng mas mataas sa tarif?
01:19Ah, slowly po, paunti-unti at hindi ibabalik na lang agad from 15 to 35 percent?
01:26Tama yun, Asek, Joey. We don't want to shock the market immediately kasi malaki kasi yung 15 to 35.
01:36Gusto natin magkaroon talaga ng careful balance between yung ating mga consumers at the same time yung producers ng ating bigas which is yung ating mga magsasaka.
01:46So, dahan-daan ito, dalawang fold. Una from 15 to 25, then eventually from 25 to 35 percent.
01:54Asek, Arnel, sa ngayon, nasa magkano na po ba yung presyohan ng imported rice sa world market?
01:59Sa ngayon, according to FAO stat, yung Vietnamese rise na 25 percent as of June 2025, nasa mga $360 per metric ton yan.
02:13Kumpara natin, the same period last year, nasa $555 per metric ton.
02:20So, talagang napakalaki na nang ibinaba ng presyo sa international market.
02:25Tanong po ng mga magsasaka at ng mga mamimili, ano po ang inaasaang magiging epekto ng pagtaas ng taripa sa presyo ng bigas?
02:36Una, asik, Joey, sa mga magsasaka natin, pwede itong magdulot ng pagtaas ng presyo ng farm gate price.
02:44Doon naman sa presyo ng bigas, hindi naman yan kagad mararamdaman dahil it will take some time bago makarating yung bigas na imported na mas matasang taripa sa ating mansa.
02:56While at the same time, inaasahan na rin natin, asik, Joey, yung harvest.
03:00So, very important yung timing.
03:03Mid-August, mag-start na yung harvest in some parts sa Nueva Ecea.
03:06At mag-peak yan ngayong September, October.
03:10At napaka-importante rin kasi itong ating parating na harvest season, ito yung ating main crop na karamihan na ma-harvest natin for the rest of the year,
03:19more than 11 million metric tons, ay mangyari hanggang November, asik, Joey.
03:25Sir, ano rin po ba ang inaasahang epekto nito para sa ating mga lokal na magsasaka?
03:30Kagaya nung labagin ko kanina, Yusek Marge, para sa ating mga magsasaka,
03:37definitely kapag ganitong medyo matasang taripa, ito'y hinihiling na rin nila na magkakos ng additional impact doon sa imported rice.
03:48Ang epekto nito is yung sa farm gate price ng ating mga magsaka na ngayon nga ay napakababa.
03:54At dahil nga ngayon ay anihan, maaapektohan lalo yung pagbaba ng kanilang farm gate price.
04:02Kaya talagang nakikiusap sila sa ganitong punto, Yusek Marge.
04:06Sir, Carnell, kasama po sa mga mungkahi ng DA, yung pansamantalang paghinto ng rice importation,
04:13mula kailan nito, mga ilang buwan ba ito, at ano yung magiging epekto ng paghinto ng importation ng bigas?
04:21Kung tingnan natin, Aseg Joey, sa yung batas na nag-amienda ng Agricultural Tarification Act at ilang porsyon ng RTL, yung Republic Act 12.078,
04:35kapag masyadong marami yung pamapasok na bigas sa ating bansa at mataas din ang lokal na produksyon,
04:41na nagdudulot ng sobrang pagbaba ng presyo, lalo na sa palay, sa bigas,
04:47ang ating Pangulo ay may kapangyarihan na pansamantalang itigil ang importasyon ng bigas for a limited time period.
04:55Ang suggestion dito ni Sekretary Kiko ng DA ay mga 45 to 60 days can start September.
05:02Yun nga, timing dahil harvest season.
05:04Kung titignan natin yung datos, buwan ng Abril at Mayo,
05:10Abril may pumasok na almost 500,000 metric tons.
05:13Ang Mayo may pumasok na more than 500,000 metric tons.
05:18Masyado mataas to kumpara doon sa regular na pumapasok sa ating bansa,
05:23ng mga 300 to 350,000 metric tons.
05:26At yung kabuan ng imported na bigas na pumasok from January to July ay nasa 2.5 million metric tons na.
05:35Sir, kung ihihinto po yung pag-import ng bigas,
05:38ano po ba yung guarantee po dati na magiging sapat naman po yung supply ng bigas mula sa local farmers natin?
05:44Ang maganda nga dito, Yusek March, dahil nagkaroon tayo ng record harvest sa ating local na magsasaka na 9.08 million metric tons.
05:57Plus, malaki rin yung ating importation.
06:02Plus, ang taas din ang stock ng NFA ngayon, nasa 16% yan.
06:07Ayon na rin sa huling datos ng PSA.
06:09So, makaka-expect tayo na kahit itigil yung importasyon habang nagaani,
06:16plus ina-expect nga natin mataas yung harvest natin,
06:19hindi ganun kalaki ang magiging epekto nito sa presyuhan,
06:25ang magiging epekto nito dito sa farm gate price ng ating mga magsasaka.
06:30Yun yung gusto natin na mangyari, Yusek March.
06:33Asik Arnel, may isang mamabatas po na nagmumungkahi na tuluyan at kumpletong ipatupad na lamang yung Sagip Saka Program.
06:44So, para sa kaalaman po ng ating mga kababayan, ano po yung Sagip Saka Program?
06:51Napakagandang batas nito, Asik Joey.
06:53Itong Sagip Saka Act ay naglalayon na yung ating mga national and local institution ay pwedeng bumili directly sa ating mga magsasaka ng kanilang mga pangangailangan,
07:05lalo na ng mga agricultural goods.
07:08Halimbawa, kailangan nila ng bigas, mga gulay, kung karne, kung ano paman, they can procure directly.
07:14At sinasaad din ng nasabing batas na pwede ito ng negotiated procurement or yung community participation para mas mabilis ang pag-procure at hindi dadaan pa doon sa napakahirap na magsasaka at mangisda.
07:38So, ito ay patuloy na minumungkahi at pinapalaganap ng kagawaran na talagang mas marami pang mga local at national institution ang gumamit nitong Sagip Saka Act.
07:53Okay, Asik Arnel, mensahe na lang po para sa ating mga kababayang magsasaka at pati yung mga consumers natin.
07:59Yes, Yusik Marks, muli natutuwa kami dahil yung huling datos ng PSA ang laki ng for the last 13 months ay patuloy yung pagbaba ng presyo ng bigas at negative 15.9.
08:14So, makakasa po kayo ng tuloy-tuloy na mga interventions galing po sa ating kalihim at sa paggabay po ng ating Pangulo
08:21para po sa kapakanan ng ating mga magsasaka, mangisda at ng consuming public in general.
08:28Muli po, magandang tanghali at maraming salamat po.
08:30At maraming salamat po sa inyong oras, Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.