00:00Bukod sa ibibigay na fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasakas sa Davao Region,
00:06inaasahang mayroon pang ibang tulong na ipamamahagi sa kanila ang Department of Agriculture Region 11.
00:13Inihanda na ng DA11 ang lahat ng mga kakailanganin para mapabilis ang pamamahagi ng nasabing mga ayuda.
00:21Sa ilalim ng fuel assistance, makatatanggap ang mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura ng tiglimang libong piso
00:30at mayroon pang mahigit dalawang libong piso na ibibigay sa pamamagitan ng farmers and fisher folks assistance.
00:38Ipamamahagi ang mga naturang tulong bilang suporta sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong
00:47petrolyo.
00:48Gayun pa man, patuloy pa rin umano ang pagsasagawa nila ng iba pang mga programa na makakatulong sa mga magsasaka
00:56sa bitna ng mataas na presyo ng langis,
00:59kabilang narito ang pagbibigay ng mga fertilizer inputs at hybrid seeds.
01:06Department of Agriculture is preparing now. In fact, just last Friday dito sa Secretary and we have a short talk
01:14personally.
01:14Sabi, tinanong ko si Sir, we have a program for the fuel assistance at saka yung farmers fisher folks assistance.
01:24Sabi niya, anytime, baka this week or the most May.
Comments