Skip to playerSkip to main content
  • 8 minutes ago
8 batch ng mga Pilipino sa Qatar, ligtas na na-repatriate ayon sa Phl Embassy; 24/7 na serbisyo sa mga Pilipinong nais humingi ng tulong, tiniyak | ulat ni Steph Vicente - Radyo Pilipinas World Service

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Puspusan din ang repatriation efforts ng Philippine Embassy sa Qatar.
00:04Pagtitiyak ng ating embahada, 24-7 ang kanilang servisyo para sa ating mga kababayan,
00:11mapa-OFW man o turista.
00:13Si Steph Vicente ng Radio Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:20Pumabot na sa 8 batch ng mga Pilipino ang napauwi ng Philippine Embassy at Migrant Workers Office sa Qatar
00:26patungong Pilipina sa gitna ng tensyon sa Middle East.
00:30Sa panayam ng Radio Pilipinas World Service,
00:33ibinahagin ni Philippine Ambassador to Qatar Mardo Melcelo Melikor
00:37na bandang alas 8.30 ng umaga nitong lunes ora sa Qatar
00:42ay nakaalis ng Doha ang nasa 23 overseas Filipino workers
00:47sa pamagitan ng emergency evacuation flight ng Qatar Airways.
00:52Sa naunang 7 batches, mayroon ng 270 Pilipino na nakasama
00:58sa repatriation effort sa Qatar kabilang na iyong mga tumawid pa tungong Saudi Arabia
01:04at nakauwi ng Pilipinas sa government chartered flights.
01:08Ang nangyayari ngayon because parang nagkakaroon na ng mga emergency evacuation flights
01:15ang Qatar Airways,
01:16every time na may flight to Manila, may sumasama doon na mga repatriates from Qatar.
01:23Yun po ay sagot ng DMW.
01:27Yun namang mga visiting visitors lang na hindi naman workers,
01:33ito sagot naman ng embassy.
01:34Bukod sa mga OFW,
01:36tinulungan din ang ating embahada ang mga Pilipinong turista
01:39na na-stranded noong nagsimula ang kaguluhan sa gitnang silangan.
01:44Samantala, inihayag din ni Ambassador Malikor
01:47na limitado ang mga upuan sa emergency evacuation flights
01:51na isinasagawan ng Qatar Airways
01:53kaya naman hindi ganoon kalalaki ang batches ng mga napapa-uwing Pilipino.
01:58Kinakailangan kasing paliparin sa kanikanilang destinasyon
02:01ang mga nagpa-repatriate na OFWs na papuntang Maynila
02:05maging ang mga na-stranded na non-OFWs
02:09na papunta naman ng Estados Unidos at Europa.
02:12Ang ginagawa ng Qatar Airways,
02:14parang we are given mga 20 or 40,
02:19depending on each flight.
02:21So kahit papano,
02:23nakakauwi po ang Pilipinos
02:25who are sponsored by the DMW
02:28through this evacuation,
02:31they call it emergency evacuation flights.
02:33Sa ngayon, 24-7 na bukas ang ating embahada sa Doha
02:37para sa mga Pilipinong na ishumingi ng tulong
02:40o nangangailangan ng agarang consular services
02:43kahit na may nagdaang holiday sa Qatar.
02:46Mayroon ding embassy personnel na nananatili sa kanilang tanggapan
02:50simula ng sumiklab ang tensyon sa Middle East.
02:53Pagbibigay din ni Ambassador Melikor,
02:56kahit hating gabi magpunta ang ating mga kababayan sa embahada,
03:00siguradong may sasagot upang tugunan ang kanilang pangangailangan.
03:05Para sa Integrated State Media,
03:08Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments

Recommended