00:00Ikinatuwa ng mga magsasaka sa Pangasinan ang nakatakdang pamamahagi ng fuel subsidy.
00:05Ito ay para maibsan ang kanilang gastusin sa produksyon.
00:08Yan ang ulit ni Ricky Kasipit ng Radyo Pilipinas, Dagupat.
00:14Krudo ang kailangan ng mga magsasaka rito sa Alaminos City para maghamit o mapatakbo ang mga makinarya nila sa pagsasaka.
00:22Kaya naman laking tuwa ni Kuya Renato ng malaman na may fuel subsidy na ibibigay ang pamahalaan para sa kanila
00:30dahil sa tumataas na presyo ng petrolyo.
00:33Laking tulong po na yung mga ibibigay nilang ganyan na tulong sa amin.
00:39Kasi talagang kung hindi po sila tutulong sa amin, mahirapan po talaga kaming mga magsasaka at mangingisda.
00:46Si Atil Yonesa naman naibsan ang iniisip na pangamba dahil sa inaasahang tulong ng pamahalaan na maaapektuhan din daw kasi
00:55ang mga mamimili ng pagtaas ng production costs ng mga produktong agrikultura.
01:02Napakalaking tulong po sa amin bilang mga magsasakasel ang ibibigay na tulong.
01:07Yun ang aming pinasasalamatan lalo sa ating Panginoong Diyos at higit sa lahat sa aming mga pinuno.
01:16Dahil kung wala po sila, hindi namin alam ang aming gagawin.
01:21Pagtitiyak naman ang City Agriculture Office sa karamihan sa mga magsasaka sa lungsod,
01:27ay nakarehistro na sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA
01:33na kinakailangan upang maging kwalifikado sa mga programa ng pamahalaan.
01:38Dagdag pa ng tanggapan, nakahanda ang lokal na pamahalaan na magbigay ng opisyal na talaan upang mapabilis
01:45ang implementasyon ng fuel subsidy sa mga binipisyaryo.
01:49Kamihan naman sa ating mga magsasaka ay registered RSBSA na sila.
01:55Registered na sila sa RSBSA at saka yung mga fisher folks natin may tinatawag nating fishery registration.
02:02Kaya wala naman tayong problema doon.
02:05Ready naman ang ating opisina sa mga ganyang bagay.
02:08Habang naghihintay sa tulong ng pamahalaan ang mga magsasaka na gaya ni na Kuya Renato at Ati Lionesa,
02:16magtitiyaga at magtitipid muna raw para may kitain pa rin sila.
02:21Mula rito sa Alaminos City para sa Integrated State Media,
02:25Ricky Kasipit ng Radyo Pilipinas, Radyo Público.
Comments