00:00Lubos ang pasasalamat ng ilan nating mga kababayang na repatriate mula sa Middle East.
00:06Bukod kasi sa ligtas nilang pagbabalik bansa, napakikinabangan nila ngayon ang natanggap na assistance mula sa pamahalaan.
00:14Si Steph Vicente ng Radio Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:21Positive pa rin ang pananaw sa buhay ng mga overseas Filipino worker mula sa Qatar ngayong nakabalik na sila sa
00:28Pilipinas.
00:29Pero kung ilan nating kababayan umuwi ng bansa ng dahil sa gulo, si Christopher mas piniling bumalik dito sa Pilipinas
00:36dahil sa hindi magandang karanasan sa dating employer sa Qatar.
00:41Sa panayam ng Radio Pilipinas World Service, ikinuwento ni Christopher na bago pa man ang tensyon sa Middle East ay
00:48wala na siyang trabaho.
00:49Dalawang buwan na rin siyang naghihintay ng end-service salary mula sa kanyang dating employer bilang salesman.
00:56Nagkasundo po doon sa OWA at yung company namin na sinausap kami nung HR manager namin doon sa office,
01:06o sige, bibigay ko yung sahod nyo pero makakauwi kayo pero yung end-service nyo ay hindi nyo makukuha.
01:14Before February 20, makakauwi kayo pero hindi na yung end-service.
01:20Hindi pinabayaan na po namin.
01:21Bukod sa hindi na kuhang final pay ay nagkaroon pa ng mga iniindang sakit si Christopher na maaaring nakuha niya.
01:27Mula sa stress sa kanyang pinagdaanan sa dating employer at ang pag-atake ng Iran sa ilang mga bansa sa
01:33gitnang silangan kabilang na ang Qatar.
01:36Sa kabila nito, tuloy lang daw ang laban ni Christopher para makapagsimulang muli sa buhay sa tulong na rin ng
01:43kanyang pamilya.
01:45Okay naman po, nandito po yung pamilya ko dito sa amin.
01:49Nanay ko, busy doon, nagditinda, nagbabantay doon sa palingki.
01:53Tapos yung anak ko po na yun dyan, palaro-laro lang.
01:55Kasi yung anak ko po nagbakasyon dito at nagpapasalamat din po ako at nakatid po ako ng graduation ng aking
02:02anak na nag-graduate siya noong grade 6.
02:05At nakatid ako po.
02:06Ang pamahalaan naman natin patuloy na nakaalalay sa mga repatriated OFW gaya ni Christopher.
02:13Sa katunayan, bukod sa $200 bago ang repatriation, nakatanggap din si Christopher ng 20,000 pesos na cash assistance pagdating
02:22niya rito sa Pilipinas.
02:24Libre rin siyang nakapagpatingin sa tulong naman ng Department of Health.
02:27Sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. natitiyak ang kapakanan ng ating mga kababayang OFW na tinaguriang mga bagong
02:37bayani.
02:38Para sa Integrated State Media, Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments