Skip to playerSkip to main content
  • 11 minutes ago
3 Pilipino sa UAE na inaresto dahil sa umano'y kanilang social media post na may kinalaman sa seguridad, binigyan ng legal assistance ayon sa PH Embassy | ulat ni Steph Vicente - Radyo Pilipinas World Service

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pamahalaan, masusing tinututukan ang lagay ng tatlong Pilipino na inaresto sa UAE dahil sa umano'y social media posts na
00:09may kinalaman sa pag-atake ng Iran.
00:12Legal assistance ipinagpaloob si Steph Vicente ng Radyo Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:20Umabot na sa tatlong Pilipino ang naaresto sa United Arab Emirates dahil umano'y sa pag-post sa social media
00:27ng video ng air defense interceptions sa mga missile na pinakawalan ng Iran.
00:33Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, ibinahagi ni Philippine Ambassador to the UAE Alfonso Ferdinand Ver na tinutulungan na
00:42ng ating embahada ang tatlong nating kababayan doon gaya ng pagbibigay ng abogado.
00:47Gumagawa na rin ang paraan ng embahada para sila'y madalaw para makamusta ang kanilang kalagayan.
00:55Meron na kaming pangatlo. So nakausap na rin namin pa yung pamilya. Yung dalawa sa kanila, yung isa may asawa
01:07nandito, yung isa yung asawa niya sa Pilipinas, yung isa naman mga pinsan na nandito, nasa ibang bansa rin yung
01:15magulang.
01:16Nakausap na namin silang lahat. Meron na tayong group chat with them.
01:20Bukod sa walang patid na paalala ng Philippine Embassy, nanawagan na rin ang Filipino vlogging community sa UAE na huwag
01:27magpakalat ng mga video na nagpapakita ng missile strikes sa naturang bansa.
01:32Bago pa man kasi ang tensyon sa Middle East, ay istrikto na ang UAE authorities pagdating sa pagpupost sa social
01:39media dahil na rin sa privacy-related concerns.
01:43Hindi naman basta-basta pwedeng magpokunan kita, ipopost ko, walang pa yung tulad ba. May mga batas na talagang gano
01:50'n. Kung vlogger ka, kailangan mo ng permit, kailangan mo ng lisensya.
01:54So, tapos napaiting pa ngayon kasi nga, hindi lang yung it's creating panic, yung pag-video. Tuloy sa Pilipinas, sakala
02:02nila kung ano na nangyayari dyan.
02:06Pero ano rin eh, may nagsabi rin kasi na kung pinopost nyo yan, nakikita ng kalaban. Kumbaga, oo, dito po
02:12dumaan yung missile, dito, na-intercept pala dito. So, nagagamit rin.
02:16Paliwanag pa ni Ambassador Ver, ang paghihigpit na ito ng UAE authorities ay para rin sa kaligtasan ng lahat ngayong
02:24may sigalot sa Middle East.
02:26Una nang naiulat na mahigit dalawampung banyaga ang naaresto sa UAE dahil sa mga paglabag tulad ng pagpapost ng video
02:35clips na nagpapakita ng missile interceptions at pagpapakalat ng fabricated visual content na nilikha sa pumagitan ng Artificial Intelligence o
02:45AI.
02:46Para sa Integrated State Media, Steph Vicente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments

Recommended