00:00Sa ibang balita, Embahada ng Pilipinas sa Israel, maring pinabulaanan ang ulat na nagsasabing
00:05hindi pinapasok ng bomb shelter ang nasawi nating kababayan na si Mary Ann De Vera.
00:12Operasyon naman na Embahada inaasahang bibilis pa ngayong nagbukas na itong muli.
00:17Si Bea Gassade Guzman ng Radyo Pilipinas, World Service sa sentro ng balita.
00:25Unti-unti nang nagbubukas ang mga establishmento sa Tel Aviv, Israel,
00:30matapos ang higit dalawang linggong lockdown.
00:32Ito ang iniulat ni Philippine Ambassador to Israel, Aileen Mendiola,
00:36sa programang global na tayo ng Radyo Pilipinas World Service.
00:40Sa ilalim ng limited activity status, nagbubukas na ang mga tanggapang mayroong mamad o security room.
00:46Kasabay nito, muli na rin nagbukas ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv sa limited capacity
00:51upang magpatuloy sa pagseserbisyo sa mga kababayang overseas Filipinos doon.
00:57Ngayon, inaalaw naman ng gobyerno hanggang 50 na katao na basta't meron mamad,
01:05pwede magbukas yung mga tanggapan.
01:07Nagbukas na rin tayo kahapon ng limited capacity at shortened hours po
01:12para magkaroon ng servisyo para sa, yung regular services para sa community.
01:20Samantala, pinabulaanan ng Philippine Embassy ang mga maling balita na nagsasabing
01:25kaya namatay ang OFW na si Mary Ann De Vera ay dahil hindi siya pinapasok sa bomb shelter.
01:31Gate ni Ambassador Mendiola, walang katotohanan ito.
01:34Dahil batay sa batas ng Israel, lahat ay dapat buksan ang kanilang mga pinto
01:39para papasukin ang sinuman basta't mayroong sirena.
01:43Paliwanag ni Ambassador Mendiola, karaniwang nagkakaroon ng casualty o mga injury
01:47kung hindi nakaabot sa lugar na mayroong bomb shelter.
01:51Yung mga foreign workers daw hindi inaalaw na pumasok sa mga shelter.
01:56Oo, meron, meron. Oo.
01:58Gusto ko sabihin, that's not the truth.
02:02Okay.
02:03Kasi by law, everybody needs to open their doors to allow people in kapag may sirena.
02:12Muli namang nagpaalala ang ating embahala sa mga Pilipino sa Israel
02:16na sumunod sa mga inilalabas na abiso sa naturang bansa.
02:20Para sa Integrated State Media, Bea Gaza de Guzman, Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments