Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Mga mamimili, may kanya-kanyang diskarte para makatipid | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kanya-kanyang discarding na mga mamimili para makatipid dahil sa pagtas ng bilihin sa merkado.
00:05Samantala, sisimulan na ng Agriculture Department ang pamamahagi ng Fuel Assistance para sa mga sektor ng agrikultura.
00:12Yan ang ulit ni Gav Villegas.
00:16Maagap na nagtungo si Edith sa Mega Q Mart para mamili ng mga sangkap na kanyang iluluto para sa kanyang
00:21kantin.
00:22Apat na klase ng putahe ang kanyang iluluto ngayong araw, kusa na abot sa 300 pesos ang kanyang budget para
00:28mamili ng isda.
00:30Ayon sa kanya, tumaas na rin ang presyo ng kanyang mga pinamimili.
00:33Para mapanatili ang presyo ng mga panindan niyang ulam, mayroong diskarte si Edith para rito.
00:39Bawasan yung takal para hindi ka masyadong magtaas.
00:42Ang security guard naman na si Brian, kalimitan na umaabot ng 50 hanggang 60 pesos kada kilo ang kanyang binibili
00:49na bigas.
00:50Kanina ay first time niya mamili ng murang imported rice mula sa Food Terminal Incorporated sa halagang 48 pesos kada
00:58kilo.
00:58Dahil tumataas na rin ang presyo ng mga bilihin, napapahigpit na lamang din si Brian para mapagka siya ang kanyang
01:05sweldo.
01:12Ang presyo kasi ngayon na well-milled rice na ibinibenta ng mga rice retailer sa Mega Q Mart mula sa
01:17mga dealer,
01:18naglalaro sa 50 hanggang 52 pesos kada kilo.
01:2258 pesos kada kilo naman ang presyo ng premium rice.
01:25Habang naglalaro sa 55 hanggang 60 pesos kada kilo ang special rice.
01:30Ang presyo naman ng tilapia, nasa 140 pesos ang presyo kada kilo.
01:34Ang galunggong naman ay naglalaro ang presyo mula 220 hanggang 240 pesos ang kada kilo,
01:40habang 245 pesos naman ang kada kilo ng bangus.
01:44Dahil sa patuloy na pagsipan ang presyo ng produktong petrolyo,
01:47dulot ng nagpapatuloy na kaguluhan sa gitna silangan,
01:51magsisimula ng mamahagi ang Department of Agriculture ng 5,000 pisong fuel assistance para sa halos 10,000 magsasaka.
01:58Layunin ang pamimigay ng fuel assistance na maibsan ang tumataas na gasto sa krudo
02:03na direktong nagpapataas sa production at transportation cost sa sektor ng agrikultura.
02:09May nakalaan na 50 milyong piso ang DA para sa programa.
02:12Gayunman, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tulaurel Jr.
02:17na nananatiling targeted ang makatatanggap ng tulong mula sa ahensya.
02:20Inilabas ang pondo matapos lumampas na ang bentahan ng kada bariles ng krudo sa halagang 80 US Dollars sa pandaigdigang
02:28merkado.
02:28Nakikita ng DA na panandali ang ginahawa lamang ang nasabing pondo dahil maliit lamang ito
02:34kumpara sa lawak ng epekto sa agriculture sector ng pabago-bagong presyo ng krudo.
02:39Ayon pa sa kagawaran, malaking bahagi ng ginagastos ng mga magsasaka para sa gastusin sa pagtatanim at pag-aani ay
02:46napupunta sa diesel.
02:47Samantala, patuloy na rin ipinamamahagi ang hiwalay na fuel subsidy para sa mga mangingisda.
02:52Kinilala rin ang kalihim ang mga limitasyon ng tulong pinansyal
02:56at sinabing patuloy na nagahanap ang pamahalaan ng karagtagang pondo.
03:00Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended