Skip to playerSkip to main content
Kahit pinalawig na ngayong holiday ang pamamahagi, bigo pa ring makuha ng ilang tricycle driver sa Metro Manila ang P5,000 ayuda.


Malaking bagay sana dahil posibleng sumampa na rin sa P100/L ang presyo ng gasolina sa ikatlong round ng mega oil price hike sa susunod na linggo.


Sa gitna niyan, may nabisto pang gasolinahan sa Albay na bagama't mura ang benta, ilegal pala ang operasyon.


Sa ngayon, kanya-kanya munang diskarte ang mga Pilipino para makamenos kahit paano.


Kabilang sa mga paraan ang pagko-commute muna sa halip na paggamit ng pribadong sasakyan. Ang problema, nababawasan na rin ang bilang ng mga bumibiyaheng bus tulad sa PITX.


Bahagya rin daw nabawasan ang mga namamasyal lalo sa City of Pines kahit long weekend at may Strawberry festival


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:06Kahit pinalawig na ngayong holiday ang pamamahagi,
00:10bigo pa rin makakuha ng ilang tricycle driver sa Metro Manila ang 5,000 pisong ayuda.
00:15May isang kinamatayan na lamang ang ayuda dahil nasa ospital at hindi personal na nakapunta para makuha ito.
00:22Ang paliwanag dyan ng DSWD sa pagtutok ni Ian Cruz.
00:30Sobrang bigat, sir. Lalo na ngayon na dyan si Papa.
00:35Hindi niya man lang naramdaman or nakuha yung...
00:40Ganoon na lang ang hinagpis ni Shekina sa pagpanaw ng amang si Jimmy Gariga kahapon.
00:45Hindi na niya nakuha ang inaasahang ayuda gayong tatlong dekada na siyang namamasada ng tricycle
00:51bilang kasapi ng Batasan Tricycle Operators and Drivers Association sa Quezon City
00:57at nasa listahan naman ng benepisyaryo.
01:00Ang anak na si Shekina ang pumila para sa kanya simula noong Martes.
01:05Dahil Marso ados pa siya labas-masok ng ospital at naka-nasogastric tube pa nga.
01:11Yung time po na yun sabi ko, Pa, may ayuda ka.
01:14Sabi ko, kaya mo? Kaya mo mag-sign?
01:18Nag-sign. Nag-sign po siya for authorization.
01:21Kahit hindi niya po kaya, hindi niya mag-alaw. Pinilit niya po.
01:24Sa kabila niyan at nang bit-bit niyang medical certificate ng ama mula sa ospital,
01:29hindi ayan niya maiabot sa kanyang ayuda para sa ama.
01:32Nag-turu-turu na po kung sino pong pwede kakausap sa akin.
01:35Dahil nga po, si Papa ang nasa master list pero ako po yung mag-sign.
01:40Bawal daw po yun.
01:41Okay lang naman po kahit di nakuha ni Papa yung payout.
01:46Pero sana po sa susunod, maging case-to-case basis.
01:52Nalulungkot kami sa pangyayari.
01:54Hindi ko alam tong particular case na to.
01:55But we'll look into it on how else we can improve the system.
01:59Gayon man, ayon sa Social Welfare Department,
02:03dapat maunawaang hindi talaga pinapayagang maiabot ang ayuda sa kinatawan lang
02:08para maiwasan na mapunta sa iba ang para sa totoong benepisyaryo.
02:13Kawawa rin naman yung tao namin dahil in the sense na pagka nagkamali siya,
02:18let's see, may tinanggap siyang authorization because pinakita ito.
02:22Pero in the end, nag-claim yung tao.
02:25Ang mananagot sa liability na yun, yung paymaster.
02:30Ang mga nagkasakit o may ibang makatwirang dahilan naman,
02:34maaari pa rin makakuha ng ayuda sa itatakdang panahon.
02:38Hindi naman ibig sabihin, hindi ibibigay sa kanya.
02:40Magsischedule kami ng multiple special payouts.
02:42Pinuntahan na ng DSWD ang burol ni Mang Jimmy
02:45para makuha ang mga requirement para sa burial assistance.
02:49Dagdag nito, nabigyan siya ng medical assistance noong nasa ospital pa.
02:53Hanggang kanina ay may mga tricycle driver pa rin hindi nakatanggap ng ayuda
02:58dahil wala sa listahan na inaayos pa ng City Hall.
03:01Ako po, wala pa po hanggang ngayon, apat na araw na po eh.
03:06Ang sabi nila, wala po kami sa master list.
03:09O ano makukuha namin?
03:10Nag-aantay kami ng sa wala, mukha na kaming kawawa.
03:13So magkakaroon, magsasabit ulit kami ng listahan sa DSWD.
03:18So inaayos na namin ito, yung mga listahan, mag-open ulit.
03:21Kukunin ulit namin sa mga presidente ng TODA kung sino pa sa mga miyembro nila ang hindi pa nakakatanggap.
03:28Sa payout center naman sa 8th Avenue, Kaloocan, hindi na ganoon karami ang kumukuha ng ayuda.
03:34Naging maayos naman ang distribisyon ng ayuda sa Marikina City.
03:39Nag-aantay pa rin naman po kami dito, lalo lalo si DSWD hanggang 5 o'clock para kung sino pa
03:45po yung pwedeng nakapunta para mag-claim.
03:47Meron pong master list kami pinopost bago po kami mag-start ng payout.
03:51Simula martes naman ang pamimigay ng ayuda sa mga driver ng jeepney, TNVS at service delivery.
03:59Sa March 28 naman ang payout sa mga motorcycle taxi driver.
04:04Ayon sa DSWD, pagdating sa mga city bus drivers at mga driver ng regular na mga taxi,
04:11ang DOTR na raw ang bahala sa kanilang ayuda dahil manageable naman daw ang kanilang bilang.
04:17Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
04:22Sa Ginobatan, Albay, nabistong iligal pala ang operasyon ng gasolinahan na nag-aalok ng murang produktong petrolyo.
04:30Bukod sa walang permit mula sa Energy Department, hinihinalang sangkot din ito sa paihi.
04:36Nakatutok si June Veneration.
04:41Kumpara sa ibang gasolinahan, di hamak na mas murang magpakarga ng langis sa gas station na ito sa Ginobatan, Albay.
04:50Yun pala, iligal ang operasyon ito dahil walang permit mula sa Department of Energy.
04:56Sinalakay ito ng mga polis at apat ang arestado, kabilang amay-ari.
05:00Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng regular gasoline at diesel ang nakumpiska.
05:04Pag ganito, dahil iligal ito, medyo mas mababa siya.
05:08Pero our verification with DOE ay talagang wala siyang license to operate.
05:14So in short, ay bawal siyang magbenta ng petrolyong products.
05:18Duda palang Criminal Investigation and Detection Group.
05:21Galing sa iligal ang mga produktong ibinibenta sa gasolinahan na isang taon nang nag-ooperate.
05:27May nagsumbong umano sa CIDG, kaya isinagawa ang operasyon.
05:30Based on our information, itong gasoline station na ito ay involved sa paihi.
05:37Yung pag nanakaw sa mga, lalo na sa mga tracking, ninanakawan yung mga tracks.
05:44Sa apat na naaresto, ang may-ari na lang ang nakakulo ngayon.
05:48Sabi ng CIDG, dinismiss ang reklamo laban sa tatlo.
05:52Dahil mga tauhan lang sila at hindi alam na walang lisensya ang gasolinahan.
05:58Ngayong may krisis sa langis, mas pinalakas daw ng pulisya ang kanilang pambabantay laban sa iligal na bentahan.
06:05Actually, mayroon pa nga tayong mga namomonitor nito.
06:09At tuloy lang naman yung aming operation.
06:10In other provinces, mayroon pa din kaming mga operation.
06:14Para sa GMA Integrated News, June Van Rasyon Nakatutok, 24 Horas.
06:20Doble na ang ipinoprotesta ng ilang transport group sa day 2 na kanilang tigil pasada.
06:25Bukod sa walang prenong oil price hike, kinonde na rin nila ang pagpreno naman ng Pangulo sa dapat ay taas
06:32pamasake kahapon.
06:33Nakatutok live si Chino Gaston.
06:35Chino!
06:40Emil, pagbasura sa Oil Deregulation Law, pagbawi sa excise at value-added taxes sa mga produktong petrolyo.
06:46Ang sigaw ng grupong sumugod dito sa Mendiola Bridge kanina para iprotesta ang anilay kawalan ng aksyon ng gobyerno
06:53sa walang patid na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.
07:00Sa ikalawang araw ng Kilos protesta, nagmarcha ang grupong piston at iba pang rallyista mula Welcome Rotonda sa Quezon City
07:08tungong Mendiola Bridge sa Maynila.
07:10Paraan nila ito para iparating ang kanilang pagkadismaya sa pagsipa ng presyo ng krudo at gasolina sa bansa.
07:17Itong Wilga ay tuloy-tuloy na ilulunsan natin hanggat hindi binabasura ni BBM yung Old Regulation Law,
07:25hanggat hindi tinatanggal yung isa-isaka at saka yung bat, hanggat hindi iniro-rollback sa halagang 55 pesos per liter,
07:33ang presyo ng petrolyo ay tuloy-tuloy itong ating mga pagkilos.
07:36Hindi lang matatapos sa day 1, day 2, day 3, hanggat hindi nagbibigay ng klaro, malinaw at konkretong plano ang
07:45ating pamahalaan
07:46hinggil sa ating economic crisis na naranasan ngayon, magpapatuloy ang ating laban, magpapatuloy ang ating pagkilos.
07:55Pumuesto at nagprograma ang mga ralista sa gitna ng panulukan ng Legarda, Recto at Mendiola, kaya hindi na makadaan ang
08:02mga sasakyan.
08:03Binatikos din ang grupo ang disisyon ng Pangulong Marcos na ipaliban muna ang pagtaas ng presyo ng pamasahe sa pampasaherong
08:10jeep at mga bus.
08:11Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Claire Castro, binabalansin ang gobyerno ang pagtulong sa commuters at sa sektor ng transportasyon
08:19sa gitna ng lumalalang krisis, bunsod ng gera sa gitnang silangat.
08:27Emil Pasado, alas 4 ng hapon ay tinapos na ng grupo ang kanilang programa dito sa May Mendiola Bridge,
08:33pero sabay iwan ang babala sa gobyerno na hindi ito ang kanilang huling kilos protesta
08:38para singilin ang anilay kawalan ng aksyon ng gobyerno sa gitna ng krisis.
08:44Emil.
08:44Maraming salamat, Chino Gaston.
08:47Pinangangambahan ng mga otoridad ang posibleng overloading sa mga bus pagsapit po ng Semana Santa.
08:53Ang ilan kasing may sariling sasakyan, nagbubus na lamang pa probinsya.
08:57Pero ang mga bus, nabawasan pa.
09:00Mula po sa PITX, nakatutok live si Oscar Hoy na Oscar.
09:08Yes, Emil. Dumarami nga yung mga pasahero pero umuunti naman yung mga bumabuyahing mga bus.
09:16Yan ang trend na nakikita ngayon sa ilang terminal tulad dito sa may PITX
09:21kung saan nakikitang dumarami yung mga motorista na nagkocommute na lamang
09:28kesa magdala pa ng sariling sasakyan.
09:35Sa alit na magmaneho at gumastos ng panggasolina,
09:39pinili ng ilang iparada na lang ang kanilang sasakyan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
09:45at sumasakay na lang ng bus at ibang public transport papunta sa kanilang destinasyon.
09:51Tipid na, less stress pa.
09:54Maraming medical expenses.
09:55E kung gagagastos ko pa sa gasolina, huwag na.
09:58Diba, pag ganyan na lang, ano pa, na-relax ka pa sa bus.
10:03Tapos pag baba mo, di andyan na kaagad.
10:06Mas okay kasi pagka nagmamotor ako minsan,
10:10yung 100 pesos ko na pinanggagas ko usually,
10:15eh parang hindi na kumakasya sa dalawang araw.
10:18Pero kahit ilang bus, ayaw na rin pumasada dahil sa mahal ng langis.
10:22Kaya habang dumadami ang pasayero, bagyang umuunti ang bus sa PITX.
10:29Yung biyahe natin sa Batangas City, magmula sa the usual na 23 ay bumaba na sa 19.
10:35And yung biyahe natin patungon sa Noce Nueva Ecija,
10:38ay bagyang bumaba na rin, magmula sa 12 hanggang sa 10.
10:42Nahihirapan na silang itawid yung presyo ng gasolina sa kinikita nila.
10:46Mahirap kasi pag nabawasan ng ano, matatagal lang po ang transport ng iba.
10:50Kaya yung buhay yung maralayo ng tulad nun ng Ibi Ecija.
10:53Kaya yung malaking epekto po sa mga commuters yun.
10:56Magagawaan, tapos isimpre kulang ng magbibiyahe kasi lalo na pag mataas ng pamasahin,
11:04magsangkasalinan, medyo yung iba, hindi na uuwi pag mga holy week na yun.
11:10Pangamba tuloy ng mga kinaukulan, lalo't mapalapit na ang holy week.
11:14Baka mag-overload yung mga bus na hindi lang basta pahirap sa mga pasayero,
11:19no, delikado pa.
11:21But also, siyempre, danger dahil alam natin piligroso pag-overloaded ang isang pang publikong sasakyan.
11:27Tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng pamunuan ng PITX sa mga bus operators
11:32para matiyak na sapat ang masasakyan ng mga bakasyonista sa Semana Santa.
11:46Ang mga nasa tourism sector, sinabing marami pa rin naman ang mga bumabiyahe ngayong mag-holy week.
11:52Bagaman aminadong nangangamba rin sila sa epekto ng tensyon sa Middle East.
11:57Nasa level 8 na kasi ang fuel surcharge sa mga flight na ibubuk sa April 1 hanggang 15.
12:04Marami na po tayong naging cancellation sa mga mga babiyahe papuntang Europe
12:09kasi po halos lahat po ng papuntang Europe ay dumadaan sa Middle East.
12:14But on a good note naman, lumilipat lang naman sila.
12:18Let's say yung mga ibang babiyahe, pupunta lang sila sa ibang countries na hindi apektado ng crisis sa Middle East.
12:24Patuloyan nila mga akbang para hikayatin ang turismo sa bansa pero limitado lang ang magagawa.
12:31Sinusubukan pa namin makuna ng pahayag ang Department of Tourism.
13:02Dahil po nagmamahal ang mga bilihin pero hindi naman daw tumataas ang sweldo,
13:08binago na lang ng ilan ang paraan ng kanilang pagkonsumo para makamenos kahit paano.
13:13Kabilang dyan, ang ilang nakapribadong sasakyan noon na mas pinipili na lang muna na maglakad
13:19o di kaya'y mag-commute sa ngayon. Nakatutok si Darlene Kai.
13:26Pansin ang MMDA, hanggang 30,000 pribadong sasakyan na ang nabawas sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong linggo
13:34kumpara sa mga nauna.
13:36Nakita natin na merong 8% reduction ang volume na compared sa mga previous weeks.
13:44So parang mas matindi pa sa pandemic eh.
13:47Pero ang hugot dyan ni Vanessa ay dahil sa mahal ng langis at mga bilihin
13:51at epekto nito sa kabuhayan ng asawang TNVS driver.
13:54Hindi ako makabiyahe kasi nga sobrang taas ng gas. Parang naglilibro rin sa kayo na lang kami.
14:00Ngayon, ultimo personal na lakad ng asawa, literal na lakad na.
14:04Pag malapit, nilalakad ko na lang para makasave sa gas.
14:08Out na rin sa kanilang budget ang pamamasyal, bagay na diskarte ng marami kong nakausap.
14:14Hindi na kami kumakain talaga sa labas.
14:17Dati nakapag-mall pa tayo, ngayon hindi na po eh.
14:21Hindi, lalakad ko na lang. May lang po.
14:24Nilalakad ko na lang hibis na sumakay. Bakit?
14:28Ano eh, apat na rides ako eh.
14:32Ang maraming sumasakay noon sa mga pribadong sasakyan na nabawa sa kalsada,
14:36ipinapalagay na lumipat sa pagkukomute gamit ang tren, bus at iba pang public transportation.
14:41Kung hindi sapat yan, pinag-uusapan na rin ngayon ng MMDA ang carpooling
14:46o pagsabay na lang sa sasakyan ng iba imbes na sa kanya-kanya.
14:49Baka po pwede na rin yung mga private vehicle nila sa carpooling siguro.
14:53Tingnan natin kung mas mapaganda, kung mapaganda natin na diskline.
14:56Isang sabay na hindi naman sila tatamahan ng kolorong lo.
15:00Inaasahan ding daramiang nagbibisikleta o kahit mga magagaang e-scooter.
15:04Hindi bali ng manggitata sa daan.
15:06Kaya sabi ng MMDA,
15:08Pini-improve ang mga bike lanes at pinapalakas ang mga policies na nagpo-protect ng mga bikers.
15:13On Tuesday, nag-open kami ng isang end-of-free facility,
15:17yung shower room at toilet facility dyan sa MMDA Motorcycle Riding Academy sa kakanto ng Ulya Vargas.
15:24Ibang usapan pa siyempre ang epekto ng oil price hike sa pagkonsumo ng ibang produktong pinamahal nito.
15:29May mga naghahanap ng mas murang suki at may mga nagbabawas ng pinamimili.
15:34Mga murahing bigas na lang, Tagba 20 na lang.
15:36Dati-dati, kung bibili nga lang ng baboy,
15:39misan dalawang kilo, gano'n.
15:41Ngayon, syempre, kung ano lang yung pwede mong kainin for the whole day,
15:46kung pa pwede, dagdaga mo na sa baw.
15:48Tuyo na lang maulam sa sardinas o di kaya noodles.
15:51Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
15:57Mga kapuso, posibleng sumampa na rin sa isandaang piso kada litro ang presyo ng gasolina
16:02sa ikatlong round ng mega oil price hike sa susunod na linggo.
16:07Nakatutok si Bernadette Reyes.
16:12Dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,
16:16nangalahati na raw ang kita ng ibang driver.
16:20Dati, nakaka-uwi pa ng 1,000, maigit.
16:23May barred na lang.
16:25Minsan pa, wala.
16:27Ang jeepney driver na si Benedict,
16:29uuwi na lang daw muna sa probinsya kung masusundan pa ang mga pagtaas.
16:34Kasi andun yung pamilya ko po eh.
16:36Kung ano yung, kasi anihan naman doon,
16:39tutulong muna sa pag-aali ng mga produkto namin sa probinsya.
16:42Base sa taya ng oil industry sources,
16:45hindi patapos ang malakihang dagdag presyo sa produktong petrolyo
16:49dahil patuloy pa rin ang gera sa Middle East.
16:53Posibleng nasa 14-14 pesos and 50 centavos
16:57ang dagdag sa kada litro ng diesel
16:59at 7-7 pesos and 50 centavos sa gasolina.
17:03Sa susunod na linggo, maaaring lumagpas na sa 100 pesos
17:08ang kada litro ng gasolina.
17:10Maaaring namang umabot hanggang 130 pesos
17:13ang kada litro ng diesel.
17:15Kaya naman, hindi na malaman na mga motorista
17:18kung paano pa mapagkakasya
17:19ang lalong humihigpit na budget.
17:22Dati po sa iba kami nagpapagas.
17:23Ngayon, sinusuyo na po namin
17:25kung saan po murang disila
17:27para po makatipid ng konti.
17:29Ayon sa Philippine Institute for Development Studies,
17:32may epekto rin ng pagbaba ng piso konta dolyar
17:35sa presyo ng mga imported na produkto
17:38tulad ng petrolyo.
17:39Pero habang hindi pa humuhupa
17:41ang gera sa Middle East,
17:43paano nga ba may iibsa ng epekto
17:45ng mataas na presyo ng langis
17:47bukod sa posibleng pagsuspindi
17:49sa excise tax sa langis
17:50at pagbibigay ng fuel subsidy?
17:53Pwede rin kasi tayo magkaroon
17:54ng tinatawag na strategic fuel reserves
17:57o ito yung mga buffer release.
17:59Ito yung pag-release ng gobyerno
18:01ng fuel reserves kung meron.
18:03Dahil ito ay dagdag supply
18:05sa maikling panahon lamang
18:07para lang mapigil yung price spikes.
18:10Kailangan natin bantayan
18:11ng overpricing at hoarding
18:13at masiguraduhin,
18:15siguraduhin na tama lang
18:17ang pagtaas
18:19at hindi ito sinasamantala.
18:21Nauno na rin nagbabala
18:23ang Department of Energy
18:24laban sa hoarding.
18:25Para sa isang ekonomista,
18:27ang pangmatagalang solusyon
18:29ay magkaroon ng dagdag na reserbo
18:31ng langis
18:31para sa mga hindi inaasang pakakataon
18:35tulad ng gera sa Middle East.
18:37Wala tayong langis.
18:39At dapat,
18:40ang ating mindset,
18:42langis,
18:42is a scarce resource.
18:46Dapat hindi natin gamitin
18:47na parang meron lagi yan.
18:49So,
18:50yung mga demand natin
18:52na hindi dapat gumagalawang presyo nun,
18:53hindi po yung maaring mangyari
18:55sapagkat wala tayo nun.
18:56Kaya dapat,
18:57long term ang strategy natin,
18:59magkaroon tayong strategic reserves
19:00ng langis.
19:01Para sa GMA Integrated News,
19:04Bernadette Reyes,
19:05nakatutok 24 oras.
19:07Long weekend mga kapuso,
19:09kaya kahit mahalang langis,
19:11may mga dumayo pa rin
19:12sa Baguio
19:13at sa katabing Lat,
19:14Trinidad Benguet,
19:15kung saan ipinagdiriwang
19:17ang Strawberry Festival nito.
19:19Pero kumonti raw ngayon
19:20ang mga dumayo.
19:21Nakatutok live
19:22si James Agustin.
19:24James!
19:28Vicky,
19:29inabot na ng mataas na presyo
19:31ng gasolina
19:31ang pagdiriwang ng tao
19:33ng Strawberry Festival
19:34sa La Trinidad Benguet.
19:35Pero sa kabila niyan,
19:36may mga bumiyahi pa rin
19:37para masaksihan
19:39at makisaya
19:39sa float parade bukas.
19:45Tulong-tulong ang mga kawani
19:47ng Barangay Alapang
19:47sa pagdidesenyo
19:48ng kanilang float
19:49para sa parada bukas
19:51na bahagi ng Strawberry Festival
19:52sa La Trinidad Benguet.
19:54Gumamit sila
19:55ng mga recycled materials
19:56para maipakita
19:57ang mga pinagmamalaking produkto.
19:58We are pro-environment
20:00so it's one way of
20:06maintaining clean and green.
20:08Ang Barangay Pico
20:09pinalamutian naman
20:10na makukulay
20:11na sariwang bulaklak
20:12ang kanilang float.
20:13Nilagyan din
20:13ang mga strawberries
20:14at mga gulay.
20:16Labing-anim na float
20:17ang kasali sa parada
20:18at mayroon ding
20:19street dancing
20:19at drum and lark competition
20:21na karaniwang
20:22dinaragsa ng mga turista.
20:24Yun nga lang
20:25ayon sa lokal na pamahalaan
20:26halos dalawang linggo
20:27nang matumalang dating
20:28ng mga turista.
20:29Napansin at nakita nga po natin
20:31na talagang bumaba po
20:32yung ating tourist arrival
20:33dito po sa ating bayan
20:34particularly po
20:35dito po sa pagtaas
20:36ng krudo
20:37na talagang nakikita natin
20:39na talagang drastic
20:41yung pagbaba
20:41ng mga bisita natin.
20:43Ramdam yan
20:43ang mga magsasaka
20:44sa Strawberry Farm
20:45kung saan pwedeng
20:46mag-Strawberry Peaking
20:47ang mga turista.
20:48Sa ngayon expected po namin
20:50kasi holiday
20:50at saka long weekend
20:51dapat po medyo
20:52dagsasana yung tao
20:54pero medyo kumonti po talaga siya.
20:56Gayun pa man
20:57meron pa rin mga turistang
20:58galing pa sa malalayong lugar
20:59na bumiyahe dito
21:00para sulitin na raw
21:02ang long holiday weekend.
21:03Amazing!
21:04Worth it yung experience po.
21:06Napakaganda ng Baguio.
21:08Gusto pa rin namin
21:08gusto pa nga namin
21:10mag-extend
21:10pero ano yung
21:12hindi na maaari
21:13kasi may pasok na sa lunes.
21:15Kanya-kanya na lang
21:16ng diskarte
21:17para makatipid.
21:18Nagrenta ng van
21:19si Mark
21:20at kanya mga katrabaho
21:21na galing pang Kabuyaw, Laguna.
21:22Nag-ambaga kami
21:23sa gasolina
21:24tapos and then
21:24yung mga pagkain
21:25na pwede naming dalihin
21:26dinala na namin
21:27sa transits namin
21:28para makatipid kami
21:30at doon na lang
21:30kami nagluto.
21:32Nitong Martes
21:32muling binuksan sa publiko
21:34ang tourist attraction
21:34kung saan tampok
21:36ang mahigit
21:3620,000 nakatanim na rosas.
21:38Perfect para sa picture taking.
21:40Kabilang itong Katalina
21:42doon sa mahigit
21:43isang daang variety
21:44ng mga rosas
21:45na makikita dito
21:45sa kanilang garden
21:46at hindi lamang yan
21:47yung may enjoy
21:47ng mga turista
21:48maging itong
21:49overlooking view
21:50ng La Trinidad Benguet
21:52kung saan makikita
21:53yung iba't ibang taniman
21:54ng mga bulaklak.
21:55Ilan sa naabutan namin
21:56ang magkakaanak na ito
21:58na galing pang
21:59Iloilo at Metro Manila.
22:00Very good
22:01very colorful
22:03yung mga flowers
22:04Susulitin nyo na
22:05yung long holiday weekend?
22:07Medyo
22:09para makapunta din
22:10sa ibang lugar
22:11Isa na ito
22:12Sa Baguio City
22:14ramdam din daw
22:15na nabawasan
22:15ang bilang ng turista
22:17pero kahit mahalang gasolina
22:18may mga hindi nagpapigil
22:20para malanghap
22:20ang malamig na hangin
22:21na lungso
22:22Malamig
22:23saka mukhang
22:24walang masyadong tao
22:25kasi nga
22:25sa tobas yung gasolina
22:26e nabok na namin
22:28ito na matagal na
22:29kaya mas okay
22:29Hindi pa po kami
22:30nakapunta dito
22:31first time lang namin
22:32so gusto namin
22:33ma-experience
22:33yung mga napapanood lang namin
22:40Vicky ngayong gabi
22:41ay nasa 19 degrees Celsius
22:43yung temperatura
22:44dito sa Baguio City
22:45Kanina nakaranas tayo
22:46dito ng pag-ambon
22:47kaya mas kumonte
22:49yung mga turista
22:49dito sa Burnham Park
22:50Pinakamababa po yung temperatura
22:52kaninang umaga
22:52na umabot sa 16 degrees Celsius
22:55Yamuna Elites
22:55malapot dito sa City of Pines
22:57Balik sa iyo Vicky
22:58Maraming salamat sa iyo
23:00James Agustin
23:01latin
23:02akurita ma
23:03akurita ma
23:06inga
Comments

Recommended