Skip to playerSkip to main content
Nakalulula ang bigtime oil price hike simula bukas. Uutay-utayin 'yan kaya araw-araw na tataas ang presyo hanggang sa susunod na lunes para sa isang brand.


Pero may mga gasolinahang nauna na sa taas-presyo kaya pinagpapaliwanag.


Mayroon ding naubusan na ng suplay ng diesel sa kabila ng pagsiguro ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng langis hanggang sa katapusan ng Abril.


Mala-domino ang epekto na abot hanggang sa pamasahe at biyahe ng mga barko, pati na rin sa presyo ng gulay at isda.


Pormal nang hihilingin sa Kongreso ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng emergency powers para pansamantalang bawasan ang excise tax.


Pero magkano naman kaya ang mababawas?


Alamin sa kabuuang report.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Simula na bukas ang isang linggong araw-araw na malaki hang dagdag singil sa mga produktong petroyo.
00:08Big time talaga mga kapuso dahil double digit ang utay-utay na kabuang pagmamahal.
00:14Hanggang 13 pesos sa gasolina, higit 24 pesos sa diesel at sobra sa 38 pesos sa kerosene.
00:22Bukas pa nga dapat ang oil price hike pero may 55 gasolinahan ang nauna.
00:27Kaya ngayon, pinagpapaliwanag sila. Nakatutok live si Ian Cruz.
00:35Mel, Emil, Vicky, voluntaryong ang mag-uutay-utay ng pagtataas ng mga produktong petroyo ang mga oil companies simula bukas.
00:44Kaya naman dalawa hanggang pitong araw na sunod-sunod na magtataas sila ng mga produktong petroyo.
00:53Naghabol ang marami sa pagpapakarga ng langis bago ang big time oil price hike simula bukas na dulot ng gulo
01:00sa Middle East.
01:01Hanggang mahigit 24 pesos kada litro ang kabuang imamahal ng diesel depende sa brand.
01:07Hanggang 13 pesos ang imamahal ng gasolina at hanggang 38.50 pesos ang gaas.
01:13Hindi yan isang bagsa kundi voluntaryong uutayin ngayong buong linggo ng mga oil companies.
01:20Ang Total at Sea Oil may taas presyo bukas at sa Merkoles.
01:24Araw-araw hanggang Webes ang taas presyo ng Shell at Petron.
01:29Hanggang linggo naman ang araw-araw na price hike ng Jetty.
01:33Habang hanggang sa susunod na lunes ang daily price hike ng Caltex.
01:38Para pa konti-konti lang para maplano natin na maayos kung kailan tayo magpapagas.
01:43The rest, I'm inviting them all to also participate in this staggering of prices.
01:52Kanina, pinuntahan ng DOE ang isang gasolinahan sa Pasig na Sabado pa lang ay itinaas na sa 79 pesos ang
01:59litro ng diesel mula sa halos 52 pesos.
02:02In-issuehan nito ng Shocos Order o SCO dahil ang presyo nito ay taliwas sa fuel pricing na inilabas ang
02:09kagawaran mula March 6 hanggang March 9.
02:13Ito maging magbigay ng pahayag ang manager ng gasolinahan.
02:16Sinilbihan din ng SCO ang gasolinahan ito sa Fairview, Quezon City dahil umakya sa 71 pesos ang litro ng krudo
02:23noong Sabado.
02:23Bali, nung araw po ngayon, mataas po yung kuha ng amo namin po eh. Pero yung pagtas po niyan, hindi
02:29po namin alam, inuutosan lang po kami ng amo namin.
02:34Gayun din ang gasolinahan ito sa North Fairview, Quezon City na Sabado pa pumalo sa 72 pesos ang litro ng
02:41diesel.
02:42Tumagin magbigay ng pahayag ang manager nito.
02:4455 gasolinahan ang inisuehan ng parehong order para ipaliwana kung bakit di dapat kansilahin ang kanilang Certificate of Compliance.
02:53Kapag hindi po sila o hindi na kontento ang Department of Energy, sa kanilang mga reasons, magbibigay po tayo ng
03:01administrative na mga kaso kasama o hiwalay pa po diyan yung pwedeng ibigay na criminal case.
03:08Sinagot din ang Energy Department kung bakit nagmamahal na ang presyo kung ang mga ito ay imbak pang langis na
03:14binili sa dating halaga at tatagal pa hanggang Abril.
03:18It's the replacement cost. It's not when nila kinuha, when nila binili or when nila na-receive, kuni kung anong
03:26magkano na yung replacement.
03:27Imagine now if we still stay with the price two weeks ago, wala siyang pera pang bilhin ng bagong stock.
03:35Iba ba! Iba ba!
03:37Samantala, nagprotesta kanina ang transport group na piston. Panawagan nila, tanggalin ang excise tax sa langis at ibasura ang oil
03:46deregulation law.
03:51Vicky, narito tayo ngayon sa isang gasolinahan dito sa Commonwealth Avenue malapit sa Pilkoa at hanggang sa ngayon marami pa
03:58talagang humahapol sa pagpapakarga ng gasolina bago nga yung pagkataas bukas.
04:04Ang sabi sa atin, nung mga nakamotorcyclo, yung mga rider, ay umaabot daw ng 30 minutes bago sila makargahan ng
04:12gasolina.
04:13At Vicky, ang DOE naman ay sinabi sa publiko na meron silang platform doon sa egov.ph na maaari nilang
04:19iulat ang anumang concern ukol sa gasolina,
04:23kagaya nga ng hindi maayos na presyo at yung tinatawag na hoarding o yung pagtatago ng mga supply nito. Balik
04:30sa iyo, Vicky.
04:30Iyan, nasabi mo kanina na simula bukas hanggang sa March 16 ang pautay-utay na implementasyon ng round na ito
04:38ng oil price hike.
04:40Pero meron na bang impormasyon kung magkakaroon ulit ng panibagong round ng taas presyo sa susunod naman na linggo?
04:50Vicky, na itanong din talaga yan sa DOE kung magkakaroon pa ba ng panibagong taas presyo ang mga produktong petrolyo.
04:58Pero sabi nila kanina, sa ngayon ay hindi pa nila masasabi yan dahil yung panibagong round, Vicky, ay kinukumpyuta.
05:05Pagkatapos nung round na ito, doon pa lamang nila makukumpyuta yung magiging presyuhan sa international market nitong presyo ng langis,
05:15Vicky.
05:15Iyan, doon naman sa datos ng GMA Integrated News Research, umabot sa hanggang mahigit P98 pesos per liter yung presyo
05:23ng gasolina
05:24at hanggang mahigit P95 pesos per liter naman yung diesel noong 2022 bunsudyan ng Russia-Ukraine war.
05:32Yan daw yung pinakamahal na presyo sa National Capital Region simula noong 1990.
05:37Ano naman ang sabi kaya ng DOE? May chance bang umabot sa ganyang level muli yung presyo ng diesel at
05:43gasolina?
05:47Alam mo, Vicky, talagang umaasa sa best itong DOE. Talagang ayaw nilang mangyari yan.
05:54Pero kung tutuusin, Vicky, pag natapos itong sunod-sunod na mga utay-utay na pagtataas ang gasolina,
06:01may variant ito na naaabot na sa halos sa P74 pesos at yung diesel naman may variant na aabot ng
06:08P86 pesos.
06:09Talagang medyo malapit na yung sinasabi mo na mahigit P90 pesos pero umaasa pa rin ang DOE na ayos ang
06:16sitwasyon doon sa Middle East
06:17at syempre yung Strait of Kormuz doon sa Persian Gulf ay magdaanan na ng mga tanker na naglalabas ng mga
06:26produktong petrolyo
06:27mula nga doon sa Middle East para kahit papaano ay umayos na at unti-unting magkaroon ng mas magandang presyuhan
06:34ang ating mga presyo ng langis, Vicky.
06:37Sana nga, maraming salamat sa iyo, Ayan Cruz.
06:42Nagkaubusan naman ang supply ng diesel sa ilang gasolinahan.
06:46Sa kapila yan, nang paniniyak ng Department of Energy na sapat ang supply ng langis sa bansa hanggang sa katapusan
06:54ng Abril.
06:55Nakatutok si Salima Refran.
07:01Namomroblema raw ang gasolinahan na ito sa Sambuanga City.
07:05Paubos na raw kasi ang stock nila ng diesel.
07:07Pero wala raw bagong delivery na dumarating sa gitna ng nakaambang mega oil price hike simula bukas.
07:13As of now, wala kami deliver na diesel. Puro mga gasolina.
07:18Consistent yung dating ng gasolina pero sa diesel wala po kami.
07:22I do not know. Sabi, wala daw stock or basta gano'n na lang.
07:27So kung yung naibibenta namin, yung mga previous na ano pa namin, order, halos paubos na pureso, pataas yung diesel
07:36natin.
07:37Ang gasolinahan naman na ito sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, kahapon pa raw naubos ang supply ng regular diesel.
07:45Ang meron silang supply, premium diesel na 73 pesos per liter.
07:50Nung nakarang araw pa, marami na pong nagkarga kasi yung stock namin naubos na po.
07:55May premium diesel pa naman kami. Yung nga lang, medyo paubos na rin.
07:58Kasi yung iba, no choice naman, kinakarga na rin.
08:02Opo. Kailan daw kung magkakaroon ng stock?
08:04Wala pang abiso, sir, kung kailan yung stock na darating.
08:09Sa isang gasolinahan sa Fairview, zero ang nakalagay sa signage ng presyo ng diesel.
08:15Kahapon pa raw ng tanghali na wala ng supply.
08:18Marami pong nagpapakarga po, mga trucks, mga PUV, mga jeep.
08:24Sinasabihan na lang po namin sila na wala po. Wala na pong supply, wala ng diesel.
08:29Kailan daw po magkakaroon ng stock?
08:31Hindi ko po masabi, sir, kung kailan po, sir.
08:34Sa gitna ng mga ulat na may mga gasolinahan lang nawala ng supply ng gasolina.
08:40Pagtitiyak ni Energy Secretary Sharon Garin, may supply ang bansa ng langis hanggang sa katapusan ng Abril.
08:47We have enough supply until the end of April.
08:52Ang usual kasi na deliveries, ang capacity lang ng ating mga oil companies is around mga 15 days or more.
09:02Yung yung storage nila kasi hindi naman ganun kalaki na they can store up to 200 days.
09:10So may required sila na 15 days pero ang capacity nila siguro 40.
09:17So they have to replenish every 40 days, let's say.
09:22So we have more than enough time to order the next batch.
09:28Dagdag ni Garin, madaragdagan pa ang supply na ito.
09:32Fortunately, the companies now have secured enough for about 50 days, I think.
09:39Well, since last week, so that's 40 days more.
09:43So ngayon, nako-order na sila ng panibago para po sa end of April or after April.
09:49Pero para sa isang ekonomista, mainam kung madaragdagan pa ito, lalo't hindi alam kung hanggang kailan ang kaguluhan sa Middle
09:58East.
09:58Well, that's good but ang safe talaga sana is 90 days as a rule, general rule sana.
10:06A country must have at least 90 days worth of oil reserves sana.
10:10There's a lot of uncertainty here and yung uncertainty na yan has to do with how long mangyayari itong kaguluhan
10:20to.
10:21Nagbabala rin si Prof. Peña Reyes na hindi lang ang presyo ng gasolina ang tataas
10:25dahil meron din itong epekto sa presyo ng mga bilihin, gaya ng transportasyon, pagkain at iba pa.
10:32Sana daw wag itong mauwi sa stagflation o pinaghalong epekto ng stagnation at inflation
10:38o yung pagbagal ng paglago ng ekonomiya na sinabayan pa ng mabilis na pagtaas ang presyo ng mga bilihin at
10:45mga servisyo.
10:46Kaya kailangan rao balansihin ang gobyerno ang pag-agapay sa krisis sa petrolyo
10:51habang tinitiyak na hindi nalulugmok ang mga nangangailangan.
10:55Tulad ng hindi muna pagtataas ng interest rates at pagbibigay ayuda sa mga sektor na lubos sa nangangailangan nito.
11:03Temporary targeted relief for the affected sectors, so transport vouchers, sa mga PUV drivers,
11:11targeted cash transfers for the poorest households.
11:14Ayaw natin mangyari na mag-ease up pa tayo, pwedeng maging inflationaryan.
11:20But if we tighten too much, that could also choke economic growth.
11:26So it's a delicate balancing act.
11:29Para sa GMA Integrated News, Sany Marafra, Nakatutok, 24 Oras.
11:34Inag-usapan na sa kamera ang panukalang bigyan ang Pangulo ng kapangyarihang suspindihin ang excise tax sa langis.
11:43Ang mababawa sa presyo, kung tanggalin yan, alamin sa pagtutok ni Darling Kai.
11:516 hanggang 10 piso agad ang tapiya sa kada litro ng diesel at gasolina kung sususpindihin ang excise tax ayon
11:59sa Department of Energy o DOE.
12:01Pero kailangan pa ng batas para dyan.
12:03Kaya tinalakay na sa kamera kanina ang panukalang bigyan ang Pangulo ng emergency powers para suspindihin ang excise tax sa
12:11langis.
12:11It can be suspended one month, two months, six months, depends on the wisdom of the committee.
12:19But it could be a limited authority on the president.
12:22What is up for consideration is not the abolition but rather just the empowerment of the president
12:28so that the president can validly make a decision whether to suspend, to reduce itong ating mga excise tax on
12:38fuel.
12:38Suspension sa excise tax na ang pinakakayang galawin ng gobyerno.
12:42Ang mismong presyo, hindi pwedeng takialaman dahil sa oil deregulation law.
12:47We do not have the powers to regulate the price.
12:50We monitor, they report, they justify.
12:53But DOE does not have teeth in that sense because of the law, Mr. Chair.
12:58So they report to us on what their plan is.
13:00Mahalagang makontrol ang taas presyo sa langis na nagpapamahal ng presyo ng bilihin, halimbawa sa presyo ng kuryente.
13:07It can cause 16% increase in the price of electricity.
13:12So that's significant if this keeps on going and going.
13:14So ang nagbabayad ng isan libong piso, ang babayaran niya ay 1,106, tama ba? O 16.
13:24Nag panukala rin ang economic manager sa Pangulo ng iba pang paraan para maibsan ang epekto ng krisis sa Middle
13:30East.
13:30Kasama na dyan yung fuel conservation and then of course yung mga subsidies for the most vulnerable,
13:37especially those producers of food transport sector in general.
13:42Sa Merkoles, nakadakdag magkaroon ng pagdinigang House Ways and Means Committee tungkol sa panukalang batas na nagbibigay ng emergency power
13:50sa Pangulo
13:50na suspendihin ang XI stock sa mga produktong petrolyo.
13:54Kung sakali na is-certify as urgent ng Pangulo ang panukalang batas na iyan,
13:59sa susunod na linggo ay maari na raw itong maaprobahan ng Kamara.
14:02We recognize that this is a challenge we must face head on,
14:07which is why the House of Representatives will work with the executive,
14:12to focus on the measures that will help cushion the effects of rising oil prices on the various sectors of
14:18our economy,
14:19especially our workers, commuters, farmers, and small businesses.
14:26Pag-aaralan na rin ng Senado ang paghahain ng parehong panukala.
14:29We'll discuss it and hopefully we'll be able to come up with something that would be able to address
14:34the would-be problems that we will be encountering.
14:39Pero bukod sa pagpapasa ng batas tungkol sa emergency powers,
14:42napapanahon na rin para sa ibang mambabatas na pag-aaralan kung dapat baguhin ang oil deregulation law.
14:48Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
14:54Mga kapuso, parang domino ng naka-apekto sa presyo sa palengke ang pagmahal ng lagis.
14:59Dahil sa tensyon sa Middle East, pati pamasay at biyake ng mga barko sa Cebu,
15:04apektado at may hirit ng dagdag singil ang ilang transport group.
15:09Nakatutok live si Maris Ubali.
15:12Maris!
15:16Emile, bukas pa nga nakatakda, malawak ang taas singil sa produktong petrolyo.
15:20Pero mukhang marami na ang naon na magpatupad nito.
15:23Kaya naman isa-isa na rin nagsitaasan ang presyo ng mga servisyo, transportasyon,
15:28at maging ng ilang mga pangunahing bilihin.
15:34Sa Bulungan Seafood Market na siyang bagsakan ang isda sa Paranaque,
15:39nagsusumigaw na ang epekto ng taas presyo ng produktong petrolyo.
15:42Hindi bababa sa isang daang piso kada kilo ang iminahal ng ilang klase ng isda tulad ng lapu-lapu.
15:48Yung pera na panalagalin sa amin sa ibang bansa, na-epektohan din.
15:54Tapos nagtaasan pa ang bilihin.
15:56Nahirap budgetin.
15:57Tumaas din ang bintahan namin.
15:59Pag tumas kasi tumutumal din eh.
16:02Kaya parang ipiktado lahat.
16:04500 piso kada banyera naman ang iminahal ng isda sa Balintawak Market sa Quezon City.
16:09Hindi na rin kada kilo ang benta ng iba para kayanin pa rin ng budget na masuki.
16:14O, binabawasan namin sa timbang.
16:16Kami na lang bahala dumiskarte, nga mano yung isda namin.
16:19Kahit sira na yung isda, matas pa rin yung presyo nila.
16:22Nabibili naman ma'am kahit ganyan siya, kaso tinutumpok.
16:25Tatago lang namin yung butas.
16:28Nagmahal na rin ang gulay sa Balintawak tulad ng Talong at Kalabasa.
16:32Gayun din ang Kalamansi.
16:34Kasi malalayang lugar ang pinanggalingan.
16:36Ilocos.
16:36Nag-a-adjust ng konti na kumita sa pang-araw-araw.
16:39Pambayad ng mga bayarin.
16:41Pwesto.
16:42Kailang kumita, marami kaming pinapasahod.
16:45Domino effect talaga ang dulot ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.
16:50At dahil hindi masabi kung hanggang kailan mananatiling mataas ang presyo nito,
16:54kanya-kanya discarte na lang.
16:55Hindi lang ang mga nagtitinda, kundi pati ang mga mamimili.
16:59Ako, talagang budget po talaga ngayon.
17:02Pag isang kilo, kalahati na lang.
17:05Mahal na kasi ang gasto sa delivery dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
17:09Magmahal na yung diesel namin eh.
17:10Sigurado pong magmamahal din po kami.
17:12Ang product po namin.
17:14Para po mabawi namin yung ano, yung diesel na itinaas nila.
17:18Kapitalo na rin.
17:20Dahil?
17:20Kasi araw-araw kami bumabiyahi.
17:24Hindi na rin daw may iwasan kundi magtaas ang presyo ng shipping fee
17:28ayon sa Alliance of Concerned Truck Owners and Organization,
17:31lalo't hanggang 50% ng kanilang operasyon ay gumagamit ng diesel.
17:36Sisimula na kaming mag-advise sa aming mga clients.
17:39Inevitably also, increase sa aming services.
17:45Yes.
17:45And this could account for at least 20 up to 30% of increase in transportation service.
17:54Ilang transport group na ang humiling na payagan sila magdagdag pasahe sa jeepney,
17:58mga city bus at TNBS.
18:00Pati ilang shipping companies sa Cebu,
18:03nag-anunsyo na ng pansamantalang fare increase
18:05at suspensyon ng ilang biyahe bilang pagtitipid sa krudo.
18:12Emil, dito sa kinaroroonan ko sa isang terminal ng jeep,
18:15nangangamba na ang mga driver dahil nga sa malawak ang pagtataas ng presyo ng diesel
18:20pero anila sa ngayon ay hindi pa raw sila maaaring makapag-taas ng singil sa pamasahe.
18:24Pinapayuhan naman ng LTFRB ang lahat ng mga transport groups,
18:28pati na rin yung mga operators at drivers,
18:29lalo na yung mga kwalifikado, beneficaryo ng fuel subsidy program
18:33na makipag-ugnayan na agad sa land bank,
18:36lalo na yung mga may card na expired,
18:40nawawala o di kaya ay hindi aktibo para ito'y mapalitan at ma-validate na.
18:44Emil?
18:44Maraming salamat, Mariz Umali.
18:48Formal ng hihilingin sa Kongreso ni Pangulong Bongbong Marcos
18:52na magkaroon ng emergency powers para pansamantalang bawasa ng excise tax ayon sa palasyo.
18:59Nasa Amerika siya ngayon para sa working visit.
19:02At nakatutok noon live si Joseph Mori.
19:05Joseph!
19:08Vicky dalawang araw ang working visit ni Pangulong Bongbong Marcos dito sa New York, sa Amerika
19:13at kabilang sa kanyang mga gagawin ay manawagan sa harap ng United Nations
19:16na resolvahin ang krisis sa gitnang silangan.
19:22Mag-aalas 3 ng hapon, dumating dito sa New York, sa Amerika,
19:26si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos.
19:29Pangunahin sa kanyang misyon ang ikampanya ang Pilipinas sa United Nations
19:33para makuha nito ang non-permanent seats sa UN Security Council.
19:38Ang UN Security Council ang nagpapasa ng mga resolusyon
19:41na binding o dapat sinusunod ng mga bansang kasapi ng UN.
19:44Halimbawa, ang pagwapataw ng mga sanksyon
19:46o kaya naman ay pag-uauthorize ng paggamit ng puwersa.
19:50Sabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Babes Romualdez,
19:54may bigat at timing kung makukuha ito ng Pilipinas
19:57para sa taon 2027 hanggang 2028.
20:00Lalo pang at may gera sa gitnang silangan
20:02at may sarili tayong isyo sa West Philippine Sea.
20:05To us, especially for the world, having a seat at the Security Council,
20:10even if it's a temporary seat, meaning to say it's not a permanent seat,
20:13it still makes an impact for us,
20:15precisely because of the conflicts or rather the challenges that we face.
20:19Dagdag pa ni Romualdez sa parehong talumpati,
20:22kukuni na rin ang Pangulo ang pagkakataon na magpahayag ng posisyon ng Pilipinas
20:26tungkol sa gera sa gitnang silangan.
20:29At the same time, because of what's happening all over the world,
20:31I think especially in the Middle East,
20:34I think the President would like to take the opportunity
20:36to be able to speak at the General Assembly of the United Nations
20:40and be able to at least push for what he has said,
20:47a peaceful settlement of the conflict that's going on.
20:51Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo na mananawagan siya
20:54para sa restraint o pagtitimpi,
20:57dayalogo at paggalang sa international law.
20:59Malayo man sa Pilipinas ang gera sa gitnang silangan,
21:03malapit naman sa bituka ng mga Pilipino,
21:05ang epekto nito, katulad na lamang sa tumataas na presyo
21:08ng mga produktong petrolyo.
21:10Kaya nga sa gagawing talumpati ng Pangulo sa United Nations
21:13dito sa Amerika,
21:14ipaparinig niya ang boses ng mga Pilipino at ng Pilipinas.
21:18Nagbabala naman ang Malacanang
21:19sa mga nananamantalang magtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
21:23Kasi kapag po napakita rito na sila po ay may mga fraudulent acts,
21:28maaari po silang makancelan ng permit sa kanilang mga transaksyon.
21:33Magsusimente na rin daw ang Pangulo ng formal na sulat sa Kongreso
21:36para hingin ang emergency powers para pansamantalang bawasan
21:40ang excise tax sa mga inaangkat na produktong petrolyo.
21:43May mga nakahay na rin panukalang batas sa Kongreso
21:46para bigyan siya ng emergency powers.
21:54Vicky, mamayang tanghali dito sa New York
21:56ay magsasalita na ang Pangulo sa harap ng 7-year session
21:59ng Commission on the Status of Women
22:01at bukas, bukod din sa kanyang talumpati sa UN,
22:04ay makakapulong din niya siya ang Secretary General Antonio Gutierrez.
22:07Live mula rito sa New York, Joseph Morong, nakatutok 24 horas.
22:11Maraming salamat sa iyo, Joseph Morong.
22:19Outro
Comments

Recommended