00:00Mahigpit rin na nakatutok ang mamamayang Pilipino sa pagsisimula ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
00:07Ilan sa ating mga kababayan na nanawagan ng transparency at dapat managot ang mga sangkot.
00:14Ang POV ni Juan, alamin sa report ni Elijah Canlas.
00:20Habang binibilang ng mga ordinaryong mamamayan,
00:23ang bawat bariya para mapagkasya ang pang-araw-araw na budget sa gitna ng mataas na bilihin,
00:28maririnig sa lansangan ang ugong ng bilyong-bilyong pisong usapin sa impeachment trial ng pangalawang Pangulo.
00:34Sa pagsisimula ng paglilitis sa Senado,
00:36nahaharap si Vice President Sara Duterte sa patong-patong na reklamong nahahati sa apat na articles of impeachment.
00:42Ang umano'y maling paggamit ng milyon-milyong confidential funds sa OVP at DepEd,
00:49aligasyon ng unexplained wealth at hindi tugmang salen,
00:52katiwalian at panunuhol sa mga opisyal ng edukasyon
00:55at ang kontrobersyal na pagbabanta sa buhay ng first couple at ni dating house speaker Martin Romualdez.
01:01Para kay Leticia Gabayni, isang fishbowl vendor na labing dalawang taon nang nagbabanat ng buto sa kalsada,
01:08lubhang nakagagalit na marinig ang ganito kalaking halaga,
01:11habang ang maliit na negosyante gaya niya ay naghihirap.
01:14Kaya ang panawagan niya,
01:30Ikinadismaya rin ang 15-anyos na estudyante si Princess ang mga kontrobersyang ito.
01:34Bilang bahagi ng kabataan na naghahangad ng transparency,
01:38pangarap niya ang isang tapat na pinuno mula sa Department of Education
01:42na magtataguyod ng ikauunlad ng kanilang sektor
01:45sa halip na madadawit sa isyo ng irregularidad sa procurement at bribery.
01:49As a Pilipino, dapat tayong aware kung ano yung mga maling nagawa ni BP Sarah.
01:55Alam natin na yung katiwala na nagawa niya bilang isang BP Presidente
02:01at kung karapat dapat ba siya sa position niya.
02:04Ano po, matanggap ng mga estudyante yung karapat dapat po na dapat namin,
02:08yung deserve namin.
02:09As a student, kailangan namin na maayos na lumumuno sa Department ng Education.
02:15Sa kabilang banda, inamin naman ang residenteng si Paulina Galang
02:20mula sa barangay Holy Spirit, Quezon City na talamak ang fake news.
02:24Kaya nakalilito ng kilalanin kung ano ang katotohanan
02:27sa mga mabibigat na akusasyong ay binabato sa BISE.
02:30Kung ano lang din lang itakabubuti ng ano natin,
02:33yun lang din po kasi siyempre bilang isang Pilipino,
02:37mahalaga din sa atin yung peace,
02:40peace order, yung itakaunlad ng bayan.
02:44Parang ang dami-dami na hindi nalulutas.
02:49Kaya siguro yun ang talagang maganda sana ang mamumuno.
02:54Ipinapakita lamang ng sitwasyon ang malaking agwat ng marangyang kapangyarihan
02:58at seryosong mga paratang sa pamahalaan
03:00kumpara sa simpleng hiling ng mga mamamayan para sa mabuting pamamahala.
03:05Habang abala ang mga mambabatas sa paghimay
03:07ng mga ebedensya at forensics ng bank records,
03:10ang mga ordinaryong Pilipino ay patuloy na nagmamasid kung paano masasagot
03:15ang araw-araw nilang pasanin na bungan ng katiwalian.
03:18Kaya naman, hamo ni Paulina at Leticia sa mga kapwa-botante
03:22na maging matalino at pumili ng leader na may malinis na track record
03:26at handang lumingap sa mga kapuspalad.
03:29Mapagmatya, maging matalino sa lahat ng desisyon,
03:33suriin kung sino talagang karapat dapat.
03:35Ang misahe ko ay pumili ng magandang leader.
03:39Yung walang kurakot, yung tumulong sa mahihirap, yun lang.
03:44Sa pag-usad ng makasaysayang paglilitis sa pangalawang pinakmataas na posisyon sa gobyerno,
03:50nakaabang ang buong bansa kung paano lalabas ang katotohanan,
03:54pananagutan at katarungan.
03:57Elijah Canlas, para sa bayan!
Comments