Skip to playerSkip to main content
Ipinreno muna ni Pangulong Bongbong Marcos ang taas-pamasahe sa mga pampublikong sasakyan na dapat ay simula na bukas.


Dismayado ang transport groups sa dagdag-bawi sa gitna ng mega oil price hike.


Sa day 2 naman ng pagbibigay ng ayuda, may mga tricycle driver pa ring 'di nakakuha ng P5,000 dahil wala sa listahan.


Samantala, in-adopt na ng Kamara ang Senate version ng panukalang bigyan ang pangulo ng emergency power para suspindehin o bawasan ang excise tax sa langis.


Pero ang pangulo, hindi pa aniya nagpapasya kung gagamitin ito.


Sa gitna ng nagpapatuloy na gulo sa Middle East na nakakaapekto sa presyo ng produktong petrolyo, kani-kaniya munang diskarte ang mga Pilipino para makatipid sa konsumo ng krudo.


Pero ang ilan sa mga tipid hack, legit ba?


Panuorin ang buong report ng 24 Oras.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At trasado ang taas pasahe sa mga pampublikong sasakyan na dapat sana ay simula na bukas.
00:06Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagpreno sa pagpapatupad niyan.
00:11Dismayado naman ang transport groups sa Dagdag Bawi sa gitna ng Mega Oil Price Hike.
00:17At nakatutok si Ivan Mayrina.
00:22Inanunso ko hapon ng LTFRB ang taas pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
00:27Pero bago pa ito mag-epektibo bukas, pinigil ito ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:32Sa aking palagay, dahil nga may problema pa rin tayo dahil sa gera sa Middle East,
00:40ay sabi ko siguro hindi ito ang panahon para magtaas ng pamasahe para sa ating mga pababayan.
00:46Kaya't inotos ko sa DOTR na suspindihin muna ang fair hike.
00:51Sa tingin ng Pangulo, sa kasalukuyang sitwasyon, ang kailangan daw ng mga commuter na mga manggagawa at estudyante
00:57ay ang pag-alalay ng gobyerno.
01:00Pero ang dagdagbawi, ikinadismaya ng mga transport group na iniindang halos dumoblin ang presyo ng produktong petrolyo.
01:07Sabi nila, bariya na nga lang daw, ipinagkakait pa.
01:11Pinaasa tayo, hindi pa na i-implement, binawi na.
01:15Ito po yung masakit sa atin.
01:17Hindi pa na i-implement, binawi na, purong sulong, laban-bawi itong ating pamahalaan sa gitna ng krisis.
01:24Kung tutusin, alikabok lang yun, yung pisong yun, kumpara sa diesel na kinikonsumo namin sa araw-araw na pamamasada.
01:33Titigil na lang po kami yan.
01:35O, kasi yan naman magpagod kami na wala kami may uuwi kahit pang bigas-bigas man lang sa pamilya namin.
01:43Ang Pangulo, may pangako sa sektor ng transportasyon.
01:45Huwag po mag-alala ang ating mga transport workers dahil mamadaliin po namin, nadagdagan po namin ang suporto sa inyo
01:54para naman ay hindi kayo masyadong mahirapan.
01:58Kailan may dadagdag ng Pangulo at magkano ang kanilang idadagdag?
02:02Kagaya po nang nabanggit ko, ang assistance to individual in price situation ng 5,000 ay kulang po iyan sa
02:09itinaas po ng presyo.
02:11Sinimula na kahapon ng DSWDF ay amigay ng tingliman libong pisong ayuda sa mga tricycle drivers sa Metro Manila.
02:17Sa susunod na linggo naman ang iba, pagkatapos naman ang Semana Santa, sisimula ng distribusyon sa mga nasa probinsya.
02:24Sa isang pahayag, sinabi rin ang Department of Transportation na minamadali na nila ang paglalabas ng fuel subsidy para sa
02:30mga kwalipikadong driver at operator.
02:33Ipinag-utos din ang Pangulo ang libring sakay sa buong bansa at para naman sa MRT at LRT magpapatupad ng
02:40mga diskwento.
02:41Mayaasahan din daw na diskwento sa toll para makabawas din sa gastusin sa transportasyon.
02:46Kahit na may malaking gulo na nangyayari, ang aming hangarin ay basta kaunti lang ang mararamdaman o sana man kung
02:56kaya namin gawin, sana walang mararamdaman ng ating taong bayan sa kanilang araw-araw na pagtrabaho sa ating mga estudyante
03:06na araw-araw pumapasok.
03:08Para sa GM Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
03:13Daan-daang tricycle driver ang hindi pa rin nakatanggap ng ayuda ngayong ikalawang araw ng pamamahagi nito dahil wala o
03:20mano sila sa listahan.
03:21May ilang nangangambaring baka kulangin ang 5,000 piso kung magtutuloy-tuloy ang krisis.
03:28Bagay na, ikokonsulta na raw ng DSWD.
03:31Nakatutok si Ian Cruz.
03:36Mabilis na nakakuha ng 5,000 piso ng ayuda ng DSWD para sa transport sector, ang 47 taong gulang na
03:43taga-pasig na si Oyoboy.
03:45Dalawang dekada na anya siyang tricycle driver, bagaman sira ngayon ng sasakyan.
03:50Malaking tulong anya ang ayuda ngayong maliitang kita nila, bunsod ng mahal na gasolina.
03:55Sa tricycle ko rin po kasi medyo may sira po. Sobrang napakahalaga po kasi tulad ko, may pinagdadaanan din kahit
04:06na. Nalaking tulong po.
04:08Dahil tuloy-tuloy ang pamamahagi rito sa Barangay Pineda, pati mga nakaschedule mabigyan ng hapon ay pinapunta na ng umaga.
04:16Pero may ilang wala sa listahan ng 1,500 target bigyan ng ayuda roon.
04:21Kinuha ng Pasig City Hall ang kanilang mga detalye.
04:24Malaking bagay po yan sa akin sir.
04:26Bakit po?
04:27Lalo ng isa sa sobrang taas ng gasolina. Halos ang kinikitaan doon naman mapunta sa gasolina.
04:32Sa payout center naman sa Katipunan Park sa District 1, Quezon City, halos at lundaan ang wala sa listahan ng
04:41mahigit 2,000 benepisyaryo.
04:43Nagpapasa naman kami ng requirements pero lumabas itong mga listang master list, wala yung pangalan namin.
04:50Kaya hindi ko namin alam kung saan nagkaroon ng problema.
04:55Ipinasumiti na sa kanilang TODA ang kopya ng kanilang driver's license.
05:00Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kinausap na rin niya ang mga pinuno ng TODA para ayusin at isumiti ang
05:08mga wala sa listahan.
05:09Meron pa tayong bukas. So ang sabi namin sa kanilang, una hindi kailangan mangamba, hindi kailangan mag-worry na hindi
05:16kayo makakatanggap.
05:17Pero kahit may nakatanggap, may pangamba, baka anila kulangin ng ayuda kung lumawig pa ang krisis sa gitnang silangan.
05:25Sa mga susunod na araw, pag ganito pa rin yung sitwasyon natin, baka pwede pong madagragan pa po sana ito.
05:32Iko-konsulta ito ng DSWD at ipakukwenta sa economic team ng gobyerno.
05:37Pero sa ngayon, bibigyan muna ang iba pang nasa transport sector at nasa labas ng Metro Manila
05:43bago silipin kung pwedeng umulit ang mga nabigyan na.
05:47Unahin muna namin, sundan na namin ito ng MC Taxi, yung TNVS, mga Jeep at Service Delivery.
05:56Sina naman pagtutuon na natin ang pansin at lalabas na rin tayo ng Metro Manila.
06:00Samantala, handa na para sa Nationwide Transport Strike bukas ang Grupong Piston
06:06para ipanawagan ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law
06:10at pag-alis ng excise tax at VAT sa produktong petrolyo.
06:16Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.
06:21Aprobado na ng Kongreso ang panukalang bigyan ng emergency powers ang Pangulo
06:26para bawasan o suspindihin ang excise tax sa produktong petrolyo.
06:32Pero ang Pangulo, hindi paa niya nagpapasya kung gagamitin ito.
06:36At nakatutok si Ivan Mayrina.
06:41Ngayon lumampas na sa 100 piso ang presyo ng diesel sa mga gas station.
06:46Hinihintay na kung kailan maaaring suspindihin o bawasan ni Pangulong Bongbong Marcos
06:50ang sinisingil na excise tax sa mga produktong petrolyo
06:53para mabawasan o kaya'y maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito.
06:59Aprobado na ng Senado at Kamara ang mga panukalang magbibigay kapangyarihan
07:02kay Pangulong Bongbong Marcos na iba ba
07:04o suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
07:08Pero ang Pangulo, hindi pa rao nagpapasya kung gagamitin ang kapangyarihan ito.
07:13It's a very complicated calculation. We will see.
07:16Depends on the trends. We have to watch the trends on all prices.
07:24We just have to look. It's very hard to say because it's all speculation.
07:28We don't know how long this will last for. We don't know what the effects are.
07:32Isa raw sa tinitignan ng Pangulo ang sitwasyon sa State of Hormuz
07:36kung saan dumaraan ang tinatayang one-fourth ng supply ng langis.
07:40Hinaharangan ito ngayon ng Iran.
07:42We don't know what will happen in the States of Hormuz.
07:45So, you know, right now we are just adjusting to the situation.
07:51And when the situation calls for it, then we will see.
07:55But when to exercise that power and how much by how much.
08:00Kapag sinuspindi ang excise tax, mapapababa ng 6 na piso kada litron diesel,
08:0510 piso sa gasolina, 5 piso sa kerosene, at 3 piso naman kada kilo ng LPG.
08:11Pero kailangan daw balansihin dahil mababawasan ang koleksyon ng gobyerno.
08:15Batay sa datos ng Department of Finance, tinatayang 15 billion pesos ito kada buwan.
08:21Tinitignan din ang Pangulo ngayon ang lagay ng supply ng pagkain sa bansa
08:24na maaaring may epekto naman sa presyo nito.
08:27Pagmamalaki ng Pangulo, wala sila nakitang biglaan pagtaas ang presyo ng mga bilihin.
08:32Kasama ng Pangulo sa paginspeksyon,
08:34ang mga tauhan ng Agriculture, Trade and Industry Department sa Agoramarket sa San Juan.
08:39Hindi lamang ang food supply, kundi ang presyo ng pagkain ay at the very least na ibang kikita natin
08:44na ma-maintain lang natin sa dating level.
08:49Kaya tayong ating mga kababayan, sinasabi natin,
08:52hindi naman kailangan mag-horning at hindi tayo nagkupulang sa food supply.
08:58Pero ang paggalaw ng presyo, ramdam na ng mga mamimili.
09:01Si Aling Susan maana ng malengke bago pa dumating ang Pangulo.
09:04Kahit pamaryang-maryang taas, ramdam daw niya, lalot nakaasa lang siya sa pensyon ng asawa.
09:11Ang ganitong sitwasyon, ramdam din ng mga nagtitinda.
09:14Budget ko lang sa isang araw, 500, di lang kami.
09:18O paano yung pagtumaas, paano kakasya?
09:22500, para sa ilang tao po yun?
09:24Lima.
09:26Pag inipon niyo, syempre, magkana rin mo yun.
09:29Ano naman ho, apekto sa benta ninyo?
09:31Matumal ho, sobrang tumal.
09:33Kaya, tsaga-tsaga lang talaga kami ho.
09:36Pag wala rin kami suki, wala, hindi kami makakabenta.
09:39Pero dahil tumataas nga ang presyo ng gasolina,
09:42tumataas din ang gastos sa paghahatid ng bilihin sa merkado.
09:45We expect na tataas ng dalawang piso per kilo, at least lahat ng bagay,
09:51dahil sa logistics cost ng fuel pa rin, no?
09:56Para maparating nga yung ating mga produce to the market,
10:00at least yun, minimum 2 pesos per kilo yun.
10:03Ang Department of Trade and Industry, pinangakuan daw ng mga manufacturer
10:06na mga pangonahing bilihin na walang taas presyo sa kanala mga produkto
10:10sa susunod na 30 araw.
10:12Pero pagkatapos nun,
10:13Of course, we can't guarantee because of the worldwide crisis that's happening now
10:19that's beyond our control.
10:20Mag-iang price control, isa sa mga posibleng ipatupad
10:23kapag masyado ng tubaas ang bilihin.
10:26Everything is on the table now, technically.
10:28Dahil nga sa situation ngayon, we don't know where it's going.
10:32Kung masyado mataas at mahirapan ng consumer,
10:36we might need to do something with the prices.
10:40Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
10:46Inadapt na ng kamera ang versyon ng Senado
10:48kaglandi sa panukalang bigyan ng Pangulo ng Emergency Power
10:51para suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis.
10:55Nakatutok live si Mark Salazar.
10:58Mark.
11:01Kimil at nasa kamay na ng Pangulo
11:03kung gagamitin niya iyang emergency power
11:06na binigay at napagkasundo ang ibigay
11:09ng Senado at ng kamera sa kanya.
11:16Sa huling session day ng kamera bago mag-holy week break
11:20nasa first order of business ng plenaryo
11:22na i-adapt ang versyon ng Senado sa batas
11:25na magbibigay ng emergency power sa Pangulo
11:28na isuspindit o bawasan ang excise tax
11:31ng mga produktong petrolyo.
11:33Yan ay kung isang buwan ang nasa $80 per barrel
11:36ang average na presyo ng Dubai crude.
11:38There is a motion to adopt Senate Bill No. 1982
11:42as an amendment to House Bill No. 48418.
11:46Is there any objection?
11:49The chair hears none. The motion is approved.
11:52The Senate Bill No. 1982 is adopted
11:55as an amendment to House Bill No. 8418.
12:01In-adapt o tinanggap ng kamera
12:03ang ilang pagbabago ng Senado
12:05sa panukalang nanggaling sa kanila
12:07para mapabilis ang proseso.
12:09Kabilang dyan, ang kagustuhan ng Senado
12:11na maging tatlong buwan ang efectivity period
12:13ng emergency powers ng Pangulo
12:16imbis na sa nauna nilang panukala na anim na buwan.
12:20Maliba na lang kung patuloy ang pagtaas
12:22ng presyo ng Dubai crude oil per barrel.
12:24Pumayag na rin ang kamera sa gusto ng Senado
12:27na automatic na babawiin ang emergency power
12:29kung mas mababa na sa $80 per barrel ang crude oil
12:33imbis na ang orihinal na gusto ng kamera
12:36na magkaroon pa ng joint resolution
12:38ng parehong kapulungan.
12:40Ibig sabihin yan, babalik na rin
12:42sa dating rate ang excise tax.
12:44Susundin na rin ang panukala ng Senado
12:47na Department of Energy at Development Budget
12:49Coordination Committee
12:50ang magre-report ng estado at epekto
12:53ng problema sa langis
12:54imbis na Secretary of Finance
12:56tulad ng orihinal na gusto ng kamera.
12:59Kung sususpindihin ng Pangulo
13:01ang buong excise tax sa produktong petrolyo
13:04inaasahang matatapyasan ng halos
13:0610 pesos per liter ang gasolina
13:08parehong anleded at premium.
13:116 pesos per liter ang tapyas sa diesel
13:145 pesos sa kerosene
13:16at 3 pesos sa LPG.
13:24Kapag napirmahan na yan
13:25pareho ng Senate President
13:26at ng Speaker of the House
13:28yung panukala
13:29at idiretso sa Malacanang
13:31dalawa na lang
13:31ang pwedeng kahinatnan
13:33ng panukala na yan
13:35una kung pipirmahan agad ng Pangulo
13:37di kagyat magiging batas.
13:38Kung hindi naman niya aksyonan
13:40ng within 30 days
13:42magiging batas pa rin
13:43or i-vito niya
13:45ibig sabihin
13:45inaayawan ng Pangulo
13:47at ibabalik
13:47sa Kongreso
13:48ang panukala
13:50ng emergency power.
13:51Emil.
13:52Maraming salamat,
13:53Mark Salazar.
13:55Mahinit na pinag-uusapan ngayon
13:57yung mga diskarte
13:59para makatipid sa langis.
14:01Halimbawa,
14:01mga kapuso,
14:02totoo bang
14:03may oras
14:04ng pagpapakarga
14:05ng langis
14:06kung kailan mas
14:07makakatipid?
14:08Talaga?
14:09Ito yung paunti-unting
14:11pagpapagas.
14:12Elegit bang tip yan?
14:13Yan.
14:14At marami pang tipid.
14:15Hacks.
14:16Pag-uusapan po natin
14:17sa ating pat-talk
14:18of the town
14:18na hatid
14:19ni Oscar Oida.
14:23Aray ko!
14:25Ang presyo ng gasolina
14:26parang ex-mo lang daw.
14:29Paulit-ulit
14:30kung manakit.
14:31Kaya ang mga motorista
14:32hindi lang
14:33basta dumidiskarte.
14:35Ang ginagawa kong diskarte
14:36matulog
14:37at matulog sa MRT
14:38o kaya sa mga mall
14:40para makakuha ng pasira.
14:41Kung tatakbo ka ng tatakbo,
14:43pati
14:44baho ng anak mo,
14:45hindi mo mapo-provide.
14:46Dati,
14:47nagpipick-up kami
14:48ng 1.8 to 2 kilometers.
14:50Mahigit.
14:50Kinukuha namin yan.
14:51Pero ngayon,
14:52hindi na
14:53kaya.
14:54Nagiging DIY fuel
14:55expert na rin.
14:57Sa pilahan nga
14:58ng mga taksi,
14:59hindi lang nakabukas
15:00ang bintana
15:01ng mga abangers
15:02ng mga pasiro.
15:03Ito ngayon,
15:04patay ng mga kain ako.
15:05Ngayon,
15:05pag may sumakay lang,
15:06tsaka
15:07papa-istart
15:08para
15:08tibid sa gasolina.
15:10Gano'n ang ginagawa namin.
15:11Pag mayroon bang isa lang,
15:12patay mo pag traffic
15:13para makatibid ka.
15:14Ang mga triskel ngang ito,
15:16kung kinakailangang
15:17umabante sa pila,
15:19itinutulak na lang nila
15:20imbis na buksan
15:22ang makina.
15:23At kung dati
15:24uso ang harurot,
15:26ngayon,
15:26chill riding na lang.
15:28Dating takbo ko na
15:29medyo 40,
15:31binabagalan ko na po
15:32para medyo mababal.
15:33Pero ano nga ba
15:34ang mga legit
15:35na tipid hacks?
15:37Ayon sa automobile expert,
15:39ultimo oras
15:40ng pagpapagasolina,
15:42factor.
15:43Magpagas anya
15:44sa umaga
15:45kung kailan
15:46mas solid ang fuel,
15:47hindi puro fumes.
15:49Di rin anya
15:50totoong tipid
15:51ang pautay-utay
15:52na pagpapagasolina.
15:54Dapat daw,
15:55i-full tank ninyo na yan.
15:56As much as possible,
15:58full,
15:58yung zero mo,
15:59one half.
16:00Kasi yung space na yun,
16:02nag-evaporate ang gasolina.
16:03Sa paggamaneo naman,
16:05hinay-hinay lang
16:06sa silinyador.
16:08Parang love life,
16:10huwag biglaan.
16:12Iwasan din yung mga bigla
16:13ang preno
16:14at arangkada.
16:15Smooth driving
16:16equals
16:17happy wallet.
16:19Kasi
16:19over-acceleration
16:21and then
16:22over-breaking
16:23consumes fuel.
16:25Yun yung
16:25issue doon.
16:26So dapat yan,
16:27yung acceleration mo
16:28banayan.
16:29Did you know that you
16:30save 30%?
16:31Pagkaganong ka magbanay,
16:32yun lang.
16:32At kung akala nyo
16:33ay nakatitipid kayo
16:34sa pag-freewheeling,
16:36think again.
16:37Alam mo ba
16:38ang pagka-freewheeling mo
16:39lagi yung sasakyan mo,
16:40sinisira mo yung transmission mo.
16:42Iba nalagay nila sa neutral,
16:43hindi po tama yan.
16:45Masama po sa transmission nyo,
16:46huwag nyo na alisin sa D.
16:48Kung talaga matagal yung
16:49itatagal ninyo,
16:50ilagay nyo sa park.
16:51Sa airco naman,
16:52hindi kailangang
16:53laging Antarctica mode.
16:5522 to 25 degrees lang,
16:58may tipid ka na,
16:59safe pa ang compressor.
17:02Mahalaga rin
17:02laging nasa kondisyon
17:04ang sasakyan.
17:05Mula sa tamang tire pressure
17:07at regulan
17:08na pagpapachunap
17:09at change oil.
17:10Lalo na yung chunap,
17:11iniiwasan natin yung chunap,
17:13kaya pa yan.
17:14Hindi pa naman
17:15mukhang putik yung langis,
17:16huwag nyo pong gagawin yun.
17:17Dalawa sinisira nyo ron.
17:19Kumukunat yung pag-ikot
17:21ng makina.
17:21Mechanical yan eh.
17:22Lumalakas ang konsumo.
17:24Official guide talaga
17:25coming from the experts
17:27on how to reduce
17:28fuel consumption.
17:30Never compromise safety
17:31in any situation.
17:33Para sa GMA Integrated News,
17:35Oscar Oida,
17:37Nakatutok 24 Oras.
Comments

Recommended