Skip to playerSkip to main content
Idinetalye sa senado kanina kung paano nakakakuha ng kickback sa mga flood control project. Kabilang diyan ang overdesign o 'yung sobrang gastos na disenyo kumpara sa kailangan para sobra rin ang pondo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01I-dinetalye sa Senado kanina kung paano nakakakuha ng kickback sa mga flood control project
00:07at kabilang dyan ang over-design o yung sobrang gastos na disenyo
00:11kumpara sa kailangan para sobra rin ang pondo.
00:15Nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
00:21Vicky, inilahad nga po ni Curly Descaya dito sa Senate Blue Ribbon Committee
00:26na hindi pa managaganap ang bidding, e meron na umanong may-ari ng proyekto.
00:31Ganon din ay dinetalye po ng mga dating tauha ng Bulacan First Engineering District
00:36kung paano po nakukuha yung kickback kahit pa maging substandard na yung proyekto.
00:45Kwento ni na dating District Engineer Bryce Hernandez at Engineer JP Mendoza
00:50na mula raw nang pumasok sa Bulacan First Engineering District
00:54kung hindi substandard, ay over-designed o under-designed ang lahat ng kanilang mga proyekto.
01:00Ito raw ang naging paraan para mag-atasa nila ang pondo.
01:04Wala pong tumama kung ano po yung nakaspecify sa plano.
01:07Hindi po na-meet lahat yun.
01:08At lahat yan may porsyentuhan?
01:10Lahat po, your honor.
01:12Alam mo ito habang nangyayari at the time?
01:17Opo, may instruction po lahat to.
01:19Lahat ng proyekto, pati classroom, pati hospital, pati tulay, pati kalsada, lahat substandard.
01:26That's what you're saying, Bryce, no?
01:29Yes po, your honor.
01:31Ma-isama ko lang po, yung mga streetlights po namin, over-priced po lahat yun.
01:37Gumamit daw sila ng mas mababang quality ng materyales.
01:40Minsan, binabawasan din daw nila ang haba ng proyekto.
01:43Ayon kay Hernandez, pinapalobo nila ang presyo ng proyekto para magkaroon ng perang panglagay sa mga proponent.
01:51Ito raw yung over-design.
01:53For example po, kung 100 pieces na bakal lang dapat ang gagamitin,
02:00ang ilalagay po sa program is 200 pieces po na bakal.
02:04Yung sheet pile po, hindi po totoo ang nagiging canvas dyan.
02:10Meaning?
02:10For example po, ang presyo lang talaga niya is 30 pesos per kilo.
02:18May mga ibang bagay po na pinapakarga sa amin dyan.
02:22For example, lalagyan po natin yan ng, yung hauling fee.
02:28So, yung 30 pesos po magiging 40 pesos per kilo.
02:32Napakalaking adjustment po yun sa presyo ng materiales or honor.
02:38In-over-design po natin yung plano, then ang susundin lang po natin is yung safe na design lang.
02:46So, as per design po, under-design po siya.
02:49Actually, mali po yung term ko na substandard kanina.
02:53Kung sa flood control projects, 30% talaga natitira dahil sa kickbacks.
02:58Iba naman daw sa construction ng mga gusali.
03:02Sa mga buildings po, ang natitira po dyan, mga 50% po.
03:06So, kalahati lang po talaga ng budget ang ginagamit for construction.
03:10Okay.
03:11Wala yung 10%, palagay mo.
03:14Hindi 10%.
03:15Walang 10% na bibigay sa proponent.
03:17Magiging substandard pa rin ba?
03:19Marami pa pong kinoconsider na expenses, Your Honor.
03:23Hindi lang po yung sa proponent.
03:25Kaya nga, sa DPWH.
03:26Yes po.
03:27So, magiging substandard pa rin po.
03:29Sabi ni dating DPWH, Secretary Manny Bunuan, wala siyang alam dito.
03:34I don't know what to say, Your Honor.
03:37This is the first time that I have heard about all these synonyms.
03:41Sa isang punto, tanong ni Sen. Rodante Marcoleta kay Hernandez, bukod kay Congressman Zaldico,
03:49meron daw bang ibang mga congressman na sangkot?
03:52Nagbangkit ka kasi ng dalawang kasama namin dito.
03:55Ibig mo sabihin, walang mga congressman na involved?
04:00Meron po, Your Honor.
04:01Si Kong Tina Pancho po, si Kong Boy Cruz po, saka si Kong Dani Domingo po.
04:09Sila po.
04:10Sila lang po ang congressman po namin.
04:14Nang 1st Engineering District.
04:16Yes po, Your Honor.
04:17So sila, 15 to 20, kung ano yun?
04:21Opo, parang ganun po, nasa 15 percent po, to 20 percent.
04:25Si Congressman Dani Domingo ay kasalakuyang kinatawa ng Bulacan 1st District,
04:30habang Bulacan 2nd District Representative naman, si Congresswoman Tina Pancho.
04:35Dati namang kinatawa ng Bulacan 5th District, si Ambrosio Boy Cruz,
04:39na kasalakuyang mayor, nangiging to Bulacan.
04:42Sinusubukan pa namin silang makuna ng pahayag.
04:46Tinanong din ng ilang senador si Bunuan kung bakit may insertion na umano
04:49ang ilang mambabata sa National Expenditure Program o NEP pa lang na isinumite ng Malakanyang sa Kamara.
04:56Paliwanag ni Bunuan, meron tinatawag na leadership fund na antimano nakapasok na sa NEP.
05:03Sabi ni Lakson at Senate President Tito Soto, hindi ito dapat pagbigyan.
05:07Or we call it consolidation for the time being because this is actually the,
05:12when we put it into the NEP, this is actually the President's Program.
05:17This is the President's Program.
05:18President's Budget.
05:19President's Budget.
05:21President's Budget.
05:22So this is consolidating all the requests from all sectors like in the Senate, Congress.
05:27Fast forward, paano kung natin i-reconcile sa mga costing nila?
05:32NEP pa lang, very premature, hindi pa ito gaah.
05:35That's what I don't understand, Your Honor.
05:37I cannot also understand.
05:39Humarap din sa pagdinig ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya.
05:43Si Curly inilahad kung paano dinadaya ang bidding para mapunta ang proyekto sa partikular na kontratista.
05:49Sa madaling salita, bidding-biddingan daw ang nangyayari.
05:54Kung mapapansin ng mga mababatas, makikita na halos dikit-dikit lamang ang presyo ng mga bid amount
05:59ng mga sumasali sa rig bidding at peking bidding na ito.
06:04Bago pa man magsimula ang dropping ng bids at opening na madalas ay naka-livestream sa YouTube
06:11at ay alam na ng mga contractors kung sino ang nakatagdang manalo.
06:17Maaring nabili na nila ang proyekto mula sa congressman at iniintay na lang na lumabas ang resulta ng bidding na isinasagawa.
06:24Kung meron daw biglang magbaba ng bid para manalo bilang lowest calculated bid,
06:30ginagawan daw ng paraan ng Bids and Awards Committee o BAC para matalo ito gaya ng pagdadeklarang hindi ito nakasunod sa requirement.
06:39Isa sa mga proseso ay ang pagpupunit sa dokumento o pagsulat sa mga pahina ng bidding documents upang madeklara itong non-compliant
06:46at tuloyan ng hindi makonsidera sa proyekto.
06:49Binibigyan naman daw ng kontratista ng parte na tinatawag na obligasyon ang mga sangkot na kawanin ng gobyerno at iba pang tao na nakibahagi.
06:58Basa sa aking mga naging obserbasyon, nakadepende sa nakaupong presidente ang porsyento.
07:07Noong panahon po ni...
07:08Okay lang po, Your Honor.
07:10Noong panahon po ni former President Pinoy ay umaabot po ng 10%.
07:16At sa panahon po naman po ni President Duterte po ay umaabot naman po ng 12% to 15%.
07:22Subalit nga yung panahon po ni mahal na Presidente ay umaabot na sa 25% to 30% ang total ng porsyento ng proyekto
07:30ang hinihingi ng mga congressman gamit ang kanikali ng mga tao o tinatawag na badman.
07:36At ito ang pinakamataas na hinihingi sa lahat ng mga contractor.
07:40Kung hindi naman umano sila makikisama sa sistema ito,
07:44ay hindi sila mabibigyan ng proyekto o kaya ay magkakaproblema ang proyekto at mabablocklist.
07:50Humarap din sa pagdinig si Loren Cruz ang umanay bagman
07:54ng sinibak na si Bolacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
07:58Mariniang itinanggi na bagman siya o taga-kolekta ng pera ni Alcantara.
08:03Pero aminado siya sa pangyayaring dinala ang limpak-limpak na salapi sa bahay niya na binansagang tambayan.
08:10Yung tambayan, bahay mo yun, property mo yun, ano?
08:15Yes, Mr. Chair.
08:16Okay, thank you.
08:18Okay.
08:19Yung tambayan, yung dalahan ng pera, diba?
08:21Isang beses ko lang po sila nakitang nagdala sa sinasabi pong bahay ko po.
08:25Magkano yung isang beses lang, kuno, sabi mo?
08:28Na binagsaka ng pera yung tambayan?
08:31Your Honor, sa...
08:32Hindi ko po alam kung anong total noong kasi hindi naman po ako kasali sa opisina nila.
08:37But yun eh, Bryce, magkano yung mga pera dinala sa tambayan tuwing magbabagsak ng pera?
08:44Sa pagkaalala ko po, billion po.
08:46Billion?
08:46Opo.
08:47Kada bagsak?
08:50Opo, basta marami po siyang pera, hindi po bababa sa isang daang milyon, Your Honor.
08:57Sa susunod po na pagdinig ay inaasahan na darating naman po si former
09:02DPWH Undersecretary Robert Bernardo
09:05at siya po ay ilabes na pangalanan dito,
09:08kaugnay pa rin po sa kickback ng ilang politiko.
09:11Vicky?
09:12Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended