00:00Samantala, inaayos na ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board
00:05ang pamamahagi ng 2.5 billion pesos na fuel subsidy.
00:10Ito ay sa oras na pumalo na sa 80 US dollars per barrel ang presyo ng krudo sa world market.
00:16Ayon sa Transportation Department, pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:21ang tulong sa mga maapektuhang PUV operator at driver sa oras na tumaas ang presyo ng petrolyo
00:27dahil sa kaguluhan sa Middle East.
00:30Ayon kay DOTR Acting Secretary Giovanni Lopez, inaayos na ang documentation para dito
00:35upang agad na masimulan ang pamamahagi sa oras na maabot ang itinakdang threshold.
00:40Bukod dito, dinidinig na rin anya ng LTFRB ang mga petisyon para sa hirit na dagdag pasahe ng mga PUV.
Comments