00:00Una po sa ating mga balita,
00:02protektahan ang publiko sa efekto ng tumataas na presyo ng langis.
00:07Ito ang mahigpit na direktiba ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
00:11Kaya naman pinulong ng Malacanang ang oil firm executives para matiyak
00:15hindi lamang ang sapat na supply kundi maging ang hakbang kontrapangaabuso sa sitwasyon.
00:22Si Kenneth Pasyente sa Setro ng Balita.
00:27Panatilihing tuloy-tuloy ang supply ng produktong petrolyo
00:31habang pinuprotektahan ang mga mamimili laban sa labis na pagtaas ng presyo ng ilang retailer.
00:36Yan ang pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinaukulang ahensya ng gobyerno.
00:42Kaya Rian Sumentro ang pulong ng Ehekutibo, Department of Energy,
00:46kasama ang mga oil executives sa Malacanang kahapon.
00:49Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, natalakay ang supply at presyo
00:53at kung paano mapapanatiling matatag ang mga ito sa gitna ng sitwasyon sa Middle East.
00:59Alinsunod na rin ito sa Direktiba ng Pangulo na protektahan ang publiko
01:02sa epekto ng tumataas na presyo ng langis.
01:05Binigyang diin din na tinutugunan ang mga hamon sa iba't ibang paraan
01:09mula sa kampanya ng pamahalaan para sa pagtitipid ng enerhiya
01:12hanggang sa pagbibigay ng lifeline subsidies sa mga transport group.
01:16Isaan niya sa binabantayan ang pagkaantala ng supply.
01:19Tiniyak naman ang mga kumpanya nakakayanin ang operational challenges
01:23sa pagdadala ng mga produkto sa bansa.
01:25Pinag-aaralan na mga alternatibong hakbang sakaling tumagal pa ang gera sa gitnang silangan
01:30at patuloy na maapektuhan ang supply ng langis.
01:33Inatasan naman ni DOE Secretary Sharon Garin ang mga kumpanya ng langis
01:37na tiyaking maayos na inaangkop ng mga gasolinahan ang kanilang presyo
01:41at naaayon ito sa tunay na kalagayan ng merkado.
01:45Nilinaw niya na ang anumang maaga, labis o hindi makatwirang pagtaas ng presyo ng langis
01:50ay hindi papayagan at mahigpit na tutugunan.
01:54At para makontrol ang presyo ng produktong petrolyo,
01:57sinertipikahan na ni Pangulong Marcos Jr. bilang urgent ang House Bill 8418
02:02na magbibigay sa kanya ng emergency powers na tanggalin o bawasan ng excise tax
02:07sa presyo ng langis. Dahil dito, mas mapapabilis ang pag-aproba sa naturang panukala.
02:13Nais ng Pangulo na agad na maipasa sa kanya ang panukalang batas upang mapirmahan ito.
02:18Nitong miyerkules nang lumusot sa second reading ng Kongreso ang House Bill No. 8418.
02:23Tiniyak din ang pamahalaan ng whole of government approach sa pag-agapay sa mga apektadong sektor,
02:29kabilang na ang pamamahagi ng 5,000 fuel subsidy simula sa susunod na linggo,
02:33kung saan nasa mahigit 300,000 transport workers,
02:37ang makatatanggap.
02:38Magpapamahagi rin ang 20 pesos na kada kilo ng bigas sa mga pamilyang apektado ng pagtaas ng krudo.
02:44Kukunin ang pondo rito mula sa local government support fund
02:47at ipamamahagi simula Abril na tatagal sa loob ng 6 na buwan.
02:52Magpapatupad din ang discount sa toll fee para sa class 3 na mga bus at truck
02:56na may sakay na essential products.
02:58Pinag-aaralan na rin ang taas singil sa pasahe.
03:02Gayun din ang pagpapababa ng landing at take-off fees sa mga paliparan.
03:05Wala rin patid ang tulong sa pagpapauwi sa mga apektadong OFW,
03:10kung saan higit apat na raan na ang na-repatriate at nabigyan ng reintegration at livelihood support.
03:16Lagi rin bukas ang e-gov at e-report app para sa mga hinaing ng mga OFW.
03:21Mahigpit namang binabantayan ng DOE at DTI ang presyo ng langis at basic commodities sa merkado.
03:27Makikipag-unayan na rin ang DSWD sa Agriculture Department para sa augmentation
03:32ng Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk and Families.
03:36Ipinatutupad din ang iba pang hakbang para sa middle class at iba pang sektor.
03:40Tiniyak naman ng Malacanang na sapat ang pondo ng pamahalaan para tumugon sa krisis
03:44na dulot ng sigalot sa Middle East, lalo na sa usapin ang presyo ng langis.
03:49Kaya wala rao sa plano ng gobyerno ngayon ang mangutang.
03:52Sa ngayon po ay wala pong napabanggit patungkol po dyan.
03:57Kinausap po natin at tinanong po natin ito mismo kay Secretary Goh ng Department of Finance.
04:03Ngayon po ay walang balak.
04:05Sa ngayon po ay hindi pa po napag-iisipan kung uutang po.
04:08Hinimok din nito ang mga Pilipinong naninirahan sa California
04:11na manatiling alerto kasunod ng babala ng FBI na posibleng retaliation ng Iran sa Estado.
04:17Hindi po ito pwedeng isa walang bahala o tulugan.
04:22Kailangan po na maging alerto rin po tayo kung ano man na mangyayari sa ating mga kababayan sa California.
04:27Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bago, Pilipinas.