00:00Samantala, umaasa ang nasa sektor ng transportasyon na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
00:08Yan ang ulat ni J.M. Thompson.
00:12Sa dalawang dekadang pamamasada ni Rodolfo Badilla Jr.,
00:15naging malalim na ang kanyang malasakit sa mga commuter,
00:18kaya sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng diesel, tuloy pa rin ang kanyang biyahe.
00:23Kaya ngayong may big-time rollback, umaasa siya na magtutuloy-tuloy ito para bumalik na sa dati ang kanilang kinikita.
00:46Tila bahagyang mabubunutan ng tinik ang mga motorista,
00:50lalo na ang mga tsuper sa inaasahang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo,
00:55matapos i-anunsyo kahapon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:59Aabot sa 20 pesos kada litro ang ibababa ng diesel simula ngayong Martes,
01:04habang 4.43 pesos naman ang ibababa ng gasolina,
01:08habang ang kerosene ay bababa rin ng 8.50 pesos.
01:12Malaki ang may tutulong nito para sa mga namamasada,
01:15commuter at motorista na ilang linggo nang naggaabang para sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
01:22Isa si Kervin Ravelo sa mga TNVS rider na pumapasada sa kabila ng mataas na presyo ng gasolina.
01:29Dahil may apat na anak,
01:31kailangan niyang ituloy ang pasada kahit mataas ang presyo ng gasolina.
01:35Kaya ganun na lang ang kanyang pasasalamat sa rollback bukas.
01:39Opo sir, sobrang laking tulong po sa aming mga rider niyan.
01:42Kasi halos nung mga nakaraang araw, wala na kami naku-uwi para sa pamilya namin.
01:48Ngayon, pag sobrang laking ng rollback, sobrang laking tulong po. Sobrang saya po.
01:54Kaugnay rito, ngayong darating na April 14, 15 at 22,
01:59magsisimula na ang special payout ng cash lift assistance
02:02para sa mga tricycle at jeepney drivers na hindi nakakuha noong unang payout.
02:07Bisitahin lamang ang official Facebook page ng DSWD para sa karagdagang detalye ng payout.
02:15Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabantay ng pamahalaan sa mga gasolinahan
02:19para sa tamang presyo ng produktong petrolyo,
02:22katuwang ang Department of Energy sa pagsisiguro na sapat ang supply ng langis sa bansa.
02:29J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments