00:00Samantana tiniyak ng Department of Energy na sapat ang supply ng produktong petrolyo sa bansa
00:04sa kabila ng krisis sa pandaigdigang merkado.
00:07May report si Elijah Canlas.
00:12Kampante ang pamahalaan na hindi mauubusan ng supply ng langis ang Pilipinas
00:17hanggang sa katapusan ng Abril o posibleng umabot pa ng Mayo.
00:22Ito ang pagtitiyak ng Department of Energy kasunod ng patuloy na tensyon sa gitnang silangan.
00:27I-pinaliwanag ni DOE Secretary Sharon Garin na bagamat may banta sa seguridad sa Strait of Hormuz
00:34kung saan dumadaan ng 21% ng supply ng gasolina sa mundo, nakahanda ang ating bansa sa sitwasyong ito.
00:41Ayon kay Secretary Garin, hindi dapat magpanik ang publiko dahil kontrolado ng gobyerno ang imbentaryo ng bansa.
00:57They're calling each oil company every day to monitor their supply.
01:02Gayunpaman, kinumpirma ng kagawaran ang malaking oil price surge
01:07kung saan maaaring tumaas ng 13 hanggang 17 pesos ang gasolina
01:11at 20 hanggang 24 pesos naman sa bawat litro ng diesel.
01:16Binigyang diin ng DOE na ito ay isang global reality at hindi lamang problema ng Pilipinas
01:22dahil sa tensyon sa Middle East na nagpapamahal sa transportasyon ng mga krudo.
01:29This is a global reality. Many countries are starting to close for exports.
01:36So DOE together with DFA are working hard to make sure that the current contracts of our oil companies are
01:46followed
01:47kasi meron niya sa mga kontratan yan sa ibang companies, sa ibang countries.
01:51Sa kabila ng pagtaas nito, tiniyak naman ni Director Patrick Aquino na halos 90% ng mga ahensya
01:59ang sumusunod sa direktiba at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang kagawaran
02:04para sa diskwento sa mga PUV drivers at mga kaugnay na sektor.
02:10Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga bansang pinagkukunan ng langis
02:15gaya ng South Korea, China, Thailand at Singapore
02:19para masiguro na may alternatibong mapagkukunan ng supply kung maghigpit man ang ibang bansa.
02:26Aktibo rin ginagamit ang e-gov portal sa ilalim ni Yusek Wimfi Puentabella
02:31upang masubaybayan ang anumang ilegal na aktividad sa mga gasolinahan at matiyak
02:36na rasonable ang galaw ng presyo.
02:39Rasonable ba yung pagtaas o yung pagbaba ng kanilang mga presyo
02:44kasi at the end of the day, we want them to remain open.
02:49Again, we have to make sure na continuous yung flow ng supply all over the country.
02:55Nanawagan ng DOE sa publiko na magtipid ng 10 hanggang 20% sa pagkonsumo ng enerhiya
03:02sa pamamagitan ng carpooling, paggamit ng electric vehicles at pagset ng thermostat sa 24 degree Celsius.
03:10Iginiit ni Secretary Garin na bagamat naka-aalarma ang tensyon sa Middle East,
03:15handa ang gobyerno sa worst case scenario para hindi maparalisa ang ekonomiya.
03:21We do have supply.
03:28Ang DOE lang, what concerns me most is the war in Middle East.
03:35Because the longer it takes, di mo alam kung ano mangyayari.
03:39Kung sa presyo, aakyat siya.
03:42Pero yung supply natin, kailangan palaging meron.
03:46Bilang huling paalala, mahigpit na binabantayan ng DOE ang anumang insidente ng hoarding
03:52at handang magpataw ng parusa sa mga mapatutunayang nagtatago ng supply.
03:57Siniguro rin ang pamahalaan na nakahanda na ang mga subsidies para sa mga apektadong sektor
04:03gaya ng mga magsasaka, mangingisda at mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
04:09Elijah Canlas mula sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments