00:00Kanya-kanya munang diskarte ang ilang motorista upang makatipid sa gastusin kasunod ng big-time oil price hike dahil sa
00:08tensyon sa Middle East.
00:10Kasabay nito, iminungkahi ng isang ekonomista ang pagpapaigting ng digitalization sa mga servisyo ng pamahalaan upang mabawasan ang trafiko at
00:19konsumo sa petrolyo ng publiko.
00:22Si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita.
00:27Doble kayod ngayon ang jeepney driver na si Lemuel.
00:30Kasunod ito ng pagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
00:36Maaga siyang nagpaharga ng diesel sa isang gasolinahan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:41Nagkarga na ako rito kanyang 300. Eh, nakadalawa akong biyahe. Wala na naman. Gaganyan na lang ang diesel ko, kaunting
00:51-kaunting na.
00:52Ayon kay Lemuel, naghanap pa siya ng ibang gasolinahan na may mas murang presyo ng diesel.
00:57Ngunit ilang sa mga kanyang pinuntahan ay sarado pa.
01:00Umaasa naman siya sa sandaling magbigay ng fuel subsidy ang pamahalaan, ay mabigyan din sila at hindi lamang ang kanilang
01:06mga operator.
01:08Pagkakasahin muna ni John Paul ang kanyang budget sa ipakakarga niyang gasolina.
01:13Baleng budget ko lang talaga sa totoosin, 120 lang parate.
01:16Oo, ay ngayon.
01:17Eh, ewan ko kung abutin pa ng dalawang litro to.
01:21Dahil dito, magtitipid muna siya.
01:24Kwento ni John Paul kung dati ay nagkakapipa siya, ngayon ay ipandaragdag na lamang niya ito sa kanyang pampakasolina.
01:31Sa Commonwealth Avenue, umaabot nasa 69 pesos and 50 centavos ang presyo ng diesel.
01:37Nasa 60 pesos and 90 centavos naman ang regular gasoline.
01:41Habang 67 pesos and 18 centavos ang premium gasoline.
01:45Nanawagan ng transport group na piston na ilisin ang VAT at access tax sa langis upang mabawasan ang pasani ng
01:51mga driver at operator ng pampublikong transportasyon.
01:55Kung matugunan ang hinihiling ng piston, posibleng hindi na nila ituloy ang paghahain ng petisyon para sa dagdag pasahe.
02:01Ayon sa isang ekonomista, hindi lamang ang pamahalaan na may tungkulin.
02:05Kailangan din ang kooperasyon ng pribadong sektor upang matugunan ang epekto ng tensyon sa Middle East, lalo na sa pagtaas
02:11ng presyo ng produktong petrolyo.
02:13Government should guide the private sector. Encourage them to do their contingency planning.
02:21One of which is kung pwedeng hybrid ng work, mag-hybrid sa private sector.
02:27Instead na mag-meeting sa isang opisina, baka naman pwedeng video teleconferences na.
02:33Iminungkahi rin ito na paigtingin ang digitalization sa mga servisyon ng pamahalaan para mabawasan ng trapiko at konsumo sa petrolyo
02:41ng publiko.
02:41Kasabihan noon kung maikli ang kumot, matutong mamaloktot.
02:45Ngayon, sa mataas sa presyo ng produktong petrolyo, hindi lang pagtitipid ang kailangan, kundi diskarte at pagiging masinop.
02:53Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments