Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa isa pang disgrasya sa Cebu City, inatake sa puso habang nagmamaneho ang isang lalaki.
00:06At dahil po diyan, nakabondol siya ng motosiklo at pumailalim pa ang rider.
00:11Saksi, si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
00:17Sa kuha ng dashcam ng isang sasakyan, makikita na binabagtas ng kotse at motosiklo
00:23ang kalsada sa bahagi ng Enbacalso Avenue sa Cebu City noong Sabado.
00:27Maya-maya, biglang binundol ng kotse ang motor na nooy paliko papunta sa isang university.
00:34Magkasintahan ang mga sakay ng motor.
00:36Kwento ng uploader, natumba ang motosiklo sa lakas ng pagbangga.
00:41Nasagasaan ang paanang angkas habang nakaladkad at pumailalim sa kotse ang rider.
00:46Ang nibreak sa iyang sakyanan, ang lawas na sa iyang naligsan.
00:51O nga nagbara sa ilawang kay pag naugnaku, nag-revolution man siya.
00:54So meaning, dili i-brake ang iyang last na natamakan, ang accelerator diyon.
00:59Pinagtulungan nilang buhatin ang kotse, palayo sa rider na nasa ilalim.
01:04Nang lapitan nila ang babaeng kasama ng driver, humihingi na pala siya ng tulong.
01:09Inatake sa puso ang kanyang asawang driver.
01:12Nadala pa sa ospital ang 42-anyos na driver ng kotse na napag-alamang isa palang engineer.
01:18Pero sa isang text message, kinumpirma ng Traffic Enforcement Unit na binawian din siya ng buhay.
01:25Agad din namang na-discharge mula sa ospital ang rider na nagtamo ng galos at pasa sa katawan.
01:31Para sa GMA Integrated News, Nico Sereno ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
01:50Outro
Comments

Recommended