00:00Mahaharap sa reklamang reckless driving ang isang tricycle driver dahil sa paggawa ng stunt habang nagmamaneho sa Taytay Rizal.
00:07Ay po sa LTO posibling bawiin ang kanyang lisensya.
00:11Saksi, Sivona Quino.
00:16Kuha ito sa Manila East Road malapit sa isang mall sa Taytay Rizal gabi ng Martes.
00:22Mabilis na nga, nakatagilid pa ang tricycle habang umaandar.
00:26Pag-gewang pa ito habang nag-o-overtake sa ibang sasakyan.
00:30Humarap na sa Taytay Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Office o TMTFRO ang driver ng tricycle.
00:38Umamin ang driver sa kanyang ginawa.
00:41Maluwag daw kasi ang kalsada noong pabalik siya sa pila ng kanilang toda.
00:45Tinanggal na rin ang driver sa kanilang toda.
00:48Pinag-aaralan namang alisin ang prangkisa ng tricycle.
00:51Ang LTO, padadalhan ng show-cost order ang driver na mahaharap sa reklamong reckless driving.
00:57Kasi napakadelikado po yung ginagawa niya, reckless yan.
01:01Maaari siyang matisgrasya o makadisgrasya.
01:03Kung halimbawang bigla siyang tumaog tapos may sasakyan sa likod,
01:07mandadamay pa siya ng ibang tao.
01:10Pusible rin mabawi ang lisensya ng driver.
01:13Depende po sa grounds, sa lalim ng grounds ng kanyang kakaharapin during the hearing.
01:18Kasi yung show-cost order, suspended mo na yung lisensya niya,
01:22tapos paharapin siya sa hearing para ipaibigay yung panik niya.
01:29Pinahigpit din ng LTO ang kampanya nito laban sa mga kolorom na sasakyan.
01:33Mahigit tatlong daan ang kanilang na-impound sa nakaraang tatlong araw sa iba't ibang bahagi ng bansa.
01:39200,000 piso ang multa para sa mga kolorom na van.
01:43Nasa 1,000,000 piso naman para sa mga bus.
01:46Tatargetin din daw ng LTO ang mga nag-aalok ng biyahe sa mga social media page.
01:51Walang pananagutan yung may van eh.
01:55Hindi sila matutulungan o wala man lang insurance.
02:00Maghihigpit din daw ang LTO ng pagbabantay laban sa mga peking ambulansya.
02:05Kahapon, nahuli ng DOTR Special Action and Intelligence Committee for Transportation sa EDSA Busway
02:11ang isang sasakyang may markings ng ambulansya.
02:14Pero pagbukas ng sasakyan, walang pasyente at pampasahero ang mga upuan.
02:20Kahapon lang ako nakakita ng isang ambulance na wala man lang stretcher, wala man lang oxygen tank,
02:26kahit nga yung medical kit wala kaming nakita.
02:29Ayon sa driver, ginamit nila ang sasakyan bilang service vehicle ng mga pasaherong nagpapacheck up mula Cavite.
02:35Ang kanyang pupuntahan mga ospital from Tanza ay PGH, PGH, San Lazaro at saka Fabella.
02:46Pero ang tanong ko dun sa driver, lahat ng ospital na naka-indicate dun sa trip ticket niya ay nasa
02:52Manila.
02:52Pero paano siya napunta at bakit siya napunta ng EDSA Santolan?
02:58Parang alayo naman ng dinaanan niya, meron daw siyang susunduin sa medical city.
03:04Biglaan daw yung susunduin niya sa medical city.
03:07Inahanapan namin ng proof, kahit man lang text message, wala namang makipakita.
03:11Color room. Once na may sakay siya na pasahero at nagbabayad, color room yun.
03:18Kasi ambulansa tapos may mga upuan.
03:22Pinasamantala nila dahil ambulansang marking nila.
03:26Dagdag ng saik, di porket ambulansya ay pwedeng dumaan sa EDSA busway.
03:31Hinaharang nila ito at hinahanapan ng mga trip ticket kung ambulansya ng gobyerno
03:35at request ng transfer kung pribadong ambulansya.
03:38Napapansin din daw ng saik na napaparami ang mga ambulansya sa busway
03:42tuwing rush hour sa umag at hapon.
03:44Kanya-kanyang pamamaraan yung ginagawa ng iba.
03:47Pero hindi naman natin sinasabing lahat ay gano'n ang ginagawa.
03:49Pero malamang na merong dumidiskarte para lamang makalusot.
03:54Para sa GMA Integrated News, ako si Vona Quino, ang inyong Saksi.
04:08halen