00:00Prioridad din ngayon sa Senado na talakay ng panukala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05na suspindihin ang excise tax sa langis.
00:08Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:12Pinag-aaralan na ng Senado ang plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:16na humingi ng emergency powers para suspindihin ang excise tax ng langis.
00:22Ayon kay Senate President Vicente Soto III,
00:25prioridad nilang mapag-usapan ang panukala.
00:27Katunayan, nakikipag-usap na si Soto kay Executive Secretary Ralph Recto
00:32para sa pagpasa ng batas hinggil dito.
01:04Ayon naman kay Soto, sa oras na makuha nila ang proposal mula sa Pangulo,
01:09tulad ng ibang panukalang batas,
01:11dadaan din ito sa third reading sa plenaryo.
01:13At may tatlong araw bago ito mapasa.
01:16Maliba na lang kung gagawin itong urgent ng Pangulo.
01:19Gayon pa man, pipilitin umano ng Senado na mapasa ang panukala
01:23bago mag-adjourn ng Kongreso ngayong Marso.
01:26It will have to go to the three readings unless it is declared an emergency.
01:36Therefore, we'll do away with the three-day rule.
01:39But again, depende sa mga pag-uusapan namin yan.
01:42But given there are just two weeks before the break, sir,
01:45S.P. kaya pa ba yun?
01:46Ay, alam naman yan.
01:48Huwag talagang emergency eh.
01:50Kaya yan.
01:51Pero may request.
01:52Si Senate President Pro Temporay Pan Filolakso naman,
01:55pabor din na maipasa ang emergency power sa Pangulo.
01:59Anya, ang tututol dito, malinaw na ayaw lang ibsan
02:02ang paghihirap ng mga Pilipino dahil sa presyo ng krudo.
02:06Kahit naman si Sen. Risa Hontiveros,
02:09nakikitang reasonable ang nais na ito ng Pangulo.
02:12Pero para sa kanya, maaaring hindi ito sapat.
02:15Dapat raw, magpasa na rin ang Kongreso ng emergency supplemental budget.
02:21Pinag-aaralan pa namin yung request na yan for emergency powers.
02:24Pero reasonable siya kahit sa ilang ibang mga sitwasyon.
02:28Halimbawa, yung una nang ipinanawaga na tungkol sa tariff-setting powers
02:35na ilipat or ibalik across branches of government.
02:40Pero kahit pa, aksyonan yan ang paborable ng Senado.
02:44Yung emergency powers para sa kasalukuyang sitwasyon,
02:47hindi pa po yun sapat.
02:4952.8 billion pesos raw ang kailangang pondo para sa emergency supplemental budget.
02:5512 billion dito mapupunta sa transport sector.
02:592.8 billion para sa agricultural subsidy.
03:02At 38 billion naman para sa pagpapauwi ng mga OFW.
03:06Sapat na raw ito para punan ang posibleng krisis dahil sa langis sa loob ng isang taon.
03:12At kung magtutuloy-tuloy ang disruption sa global oil supply dahil sa gera,
03:19kailangan nang saluhin ang gobyerno ang napipintong economic shock mula sa tumitinding oil crisis.
03:26Ang panawagan natin ngayon ay simple at hindi tingi-tingi.
03:32Kailangan ng pag-usapan, ihanda at ipasa ang isang emergency supplemental budget package
03:40na sa estima ng aking opisina ay aabot ng 52.8 billion pesos.
03:47Naniniwala naman ng Senadora, may sapat na mapagkukunan ang pondo para sa supplemental budget.
03:53May pwede bang pagkuna ng pondo para sa supplemental budget?
03:58Oo.
03:59Nandyan ang tinatayang 70 billion pesos mula sa discontinued flood control projects noong 2025.
04:08Mayroon ding 2.5 billion pesos na pondo for farm machinery.
04:14Pwede tayong kumuha sa 17.5 billion pesos na pondo para sa pag-host at pag-chair ng Pilipinas sa
04:23ASEAN 2026 Summit.
04:25Kung sakali naman anya, pipilitin din nila itong maipasa bago matapos ang Marso.
04:30Samantala, pinasisilip din naman ang mga Senadorang umanay na nanamantala sa pagtaas ng presyo ng langis.
04:37Si SP Soto, ang tanong, may reserve pa. Bakit agarang nagtataas ng presyo?
04:43The authorities should look into these players who are abusing or using it already.
04:52Sabi na ko si Dedy, if I recall it right, there was, I think, or there is, there is at
05:00least 2 to 3 months na reserve.
05:03So, bakit sasamantalahin ang iba?
05:05Si SP Pro Temporay Lakso naman, hinimok ang publiko na magsumbong sa Philippine National Police at LGU sa mga gasolinahan
05:14o operators na nananamantala.
05:16Anya, pwedeng kasuhan ang mga ito ng hoarding and profiteering at hindi patas o deceptive sales practice.
05:23Si Sen. Sherwin Gatchelia naman, kinukon din na ang umanay gara palang taas presyo tulad ng kamakailang napabalita na umabot
05:31sa 105 pesos kada litro sa diesel at 90 pesos naman sa kada litro ng gasolina.
05:38Malinaw, pinapahirapan lang nito ang mga tsuper, manggagawa at ordinaryong Pilipino.
05:43Pinaiimbestigahan niya ito sa Department of Energy upang masampahan ng karampatang kaso.
05:49Luisa Erispe, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments