00:00Inaproobahan na sa plenaryo ng Senado ang magigit 1 trilyong pisong panukalang pondo ng Department of Education para sa susunod na taon.
00:08Ayon sa DepEd, kabilang sa mga tutugunan, ang problema sa kakulangan ng mga classroom.
00:14Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:18Pumasa na sa plenaryo ng Senado ang panukalang budget ng Department of Education para sa 2026.
00:24Higit 1.44 trillion pesos ang lumusok na halaga ng pondo para sa DepEd.
00:29Ito na ang may pinakamalaking alokasyon para sa 2026 General Appropriations Bill at pinakamataas na pondo na nakuha ng DepEd sa kasaysayan.
00:39Mula sa versyon ng Kamara, nadagdagan ng 77.66 billion pesos ang pondo sa Senado.
00:45Malaking bahagi nito mapupunta sa konstruksyon ng mga classrooms.
00:49Ang target sa 2026, makabuo ng higit 25,000 na classroom.
00:54Not so good news, 22 now to 54 classrooms.
00:58Yung classrooms completed natin out of the, if I'm not mistaken, for this year's 1,700 yung target.
01:066,000 ang target.
01:09So out of the 6,000 target, 54 na ho ang nakoconstruct.
01:13In order for us to reach this 24,500, which I don't know if talagang it's a leap of faith to come up with such a figure, Mr. President,
01:24considering that right now we only finished 54 classrooms.
01:28And they are so proud of it, Mr. President.
01:30Kailangan natin ng radical na solusyon dito.
01:34Bukod sa classrooms, nadagdagan din ang pondo sa pambili ng textbooks at learning materials.
01:40Mula 11.26 billion sa NEP, ginawa itong 29.29 billion sa Senado.
01:46Dumoble rin ang budget para sa feeding program.
01:49At malaki din ang nilundag ng budget para sa disaster preparedness at school safety system na mula 665 billion,
01:56naging 3.67 billion pesos.
01:59Nagasama din sa pondo ang benepisyo para sa mga guro at school personnel.
02:04At hindi naman natapyasan ang budget para sa aral program.
02:08Nagpapasalamat naman ang DepEd sa suporta ng Kongreso sa budget ng kagawaran
02:12at nangako na gagawin nila ang responsibilidad na ipatupad ang budget na may transparency, urgency at integridad.
02:20Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments