00:00Mahigpit ang babala ng ilang senador kung hindi may sasayos ang budget ng Department of Public Works and Highways para sa susunod na taon, particular sa flood control projects.
00:11Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:14Sa harap ng kontrobersiya na bumabalot sa budget ng DPWH para sa susunod na taon at kontrobersiya sa flood control projects at mga umano'y duplication sa budget,
00:24may babala ngayon ng chairperson ng Senate Committee on Finance na si Sen. Sherwin Gatchelian kung hindi may sasayos ang kanilang pondo.
00:32Kung ganito yung magiging utsura ng budget, sigurado ako yung P270 billion ng DPWH sa flood control, tatanggalin namin yan.
00:43Ilalagay namin yan sa education para mabuo na yung 4% GDP sa education.
00:48Pero kahit daw maisaayos o mareview ang budget ng DPWH, tiniyak ni Gatchelian daraan pa rin ito sa mahigpit nilang pagbubusisi.
00:57At dapat daw may managot matapos mapabalita na daang bilyong piso ang nawala sa ating ekonomiya nang dahil naman sa ghost projects.
01:05Number one, si Wow Wow Builders at of course si Alcantara dahil siya yung district engineer doon.
01:11Pero isang lugar lang yan. I'm sure mayroon pa mga ibang ganyan na instances sa ibang lugar.
01:17Maganda rin yung ginawa ng ating Pangulo na isumbong.
01:20Para yung taong bayan na magsabi na, oh ghost project yan, nakasulat complete, pero wala naman.
01:26Sa ngayon may bubuwing independent commission na mag-iimbestiga sa anomalya sa flood control.
01:32Sabi ni Senador Kiko Pangilinan, kung bubuo ang Pangulo ng independent body,
01:36handa siyang mag-akda ng batas na magbibigay kapangirihan sa komisyon na mag-aroon ng kapangirihan mag-sub-pina.
01:43Dapat din anyang mauwi ang flood control scam sa plunder cases na ihain sa ombudsman.
01:50Sa isang panayam, sabi naman ni Senador Erwin Tulfo, inaabangan na niya na mabuo ang independent commission na mag-iimbestiga.
01:57Nang tanongin naman si Tulfo kung paano maiimbestigahan ang ilang kongresista na natadawit,
02:02sabi ng Senador, isa ito sa pag-uusapan nila bago magsimula ang pagdinig sa susunod na linggo.
02:08Daniel Manalastas para sa Pampansang TV sa Bagong Pilipinas.