00:00Deadlocked na sa ngayon para sa Senado ang pagtalakay ng Bicameral Conference Committee sa budget ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:08Pero tiniyak naman nila na ginagawa na ng solusyon para maaprobahan pa rin ang panukalang pondo ng ahensya.
00:15Ang detali niya mula kay Luisa Erispe.
00:20Naun siyami kahapon, ang dapat sanay ikatlong araw ng Bicameral Conference Committee meeting,
00:25ito'y dahil para sa Senado, suspendido muna ang BICA.
00:30Deadlocked na kasi ang diskusyon sa budget ng DPWH.
00:34Gusto nila mapag-aralan muna ito.
00:37We can call it deadlock on that aspect kasi ang Senado very firm na ayaw namin ng overpriced items.
00:46Postpone muna yung Bicam today para ma-resolve ba itong issue with the House and also with DPWH?
00:52Ang issue, gusto ng DPWH maibalik ang tinapihas ng Senado na 45 billion pesos na budget pambili ng materyales sa ilang proyekto ng ahensya.
01:03Katwira nila, may mga proyekto kasing underfunded o kulang na sa pondo dahil sa budget cut.
01:10Supportado ng Kamara ang DPWH, pero ang Senado, nagtataka.
01:16DPWH naman mismo ang unang pumayag na babaan ang presyo ng mga materyales.
01:22Base sa isinumitin nilang Construction Materials Price Data o CMPD.
01:26Hindi kami nagkamali dahil naggaling ho sa kanila yung computation.
01:31Inapply lang ho namin.
01:33Kampante ka pe na yung application namin ay naayon sa dokumento na ibinigay sa amin ang DPWH.
01:41Kaya naman, aaralin muna ng Senado ang inilatag ng DPWH.
01:46Kausap na nga raw ni Sen. Sherwin Gatchalian si Sekretary Vince Tizon para plansyahin ito.
01:52Pero naghahanap tayo ng solusyon. Ako, committed ako maghanap ng solusyon.
01:57Sabi ko nga, makikipagtrabaho ako with DPWH para makita natin kung ano yung solusyon dito.
02:05Kailangan ko maintindihan talaga kung ano ba yung kanilang sinasabi na hindi ma-implement yung project.
02:11Pero ayon kay Sen. President Vicente Soto III, dapat umamin si Dizon na siya ang nagkamali kaya nagkaroon ng budget cut.
02:19Hindi pala pwede ang CMPD na pagbasihan sa lahat ng proyekto sa buong bansa.
02:25Pero sa Senado, si Dizon na mismo ang pumayag na gamitin ito across the board.
02:31Kaya hanggat hindi maayos, deadlock ang buy cams sa budget ng DPWH.
02:36Pero positibo pa rin naman si Gatchalian, mapaplansya pa ang gusot sa DPWH budget.
02:42At mapapasa pa rin ang panukalang pondo para sa 2026 bago matapos ang taon.
02:48Of course, lumiliit, but I'm optimistic kaya naman matapos.
02:52But yung, siyempre nakakain na ngayon namin yung mga buffer days, pero kaya naman.
02:58Sa kabila naman na naging usapin at suspensyon ng buy cam kahapon sa parte ng Senado,
03:03naniniwala silang maganda pa rin ang pagtutulungan ng Kamara at Senado para mapasa ang panukalang batas.
03:10Anya, natural lang ang diskusyon at debate.
03:13Sadyang, bago lang ang proseso ng buy cam, kaya kailangang masinsinan itong gawin.
03:20Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments