00:00Patuloy ang pagtugon ng pamahalaan sa mga biktima ng Bagyong Tino
00:04habang inaaprobahan naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08ang rekomendasyon ng NDRRMC na magdeklara ng State of National Calamity.
00:13Ang detalya sa report ni Kenneth Pasyente.
00:18Kasunod ng matinding pananalasan ng Bagyong Tino,
00:21inaaprobahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:24ang rekomendasyon ng NDRRMC na magdeklara ng State of National Calamity.
00:30Binigyang bigat ng Pangulo ang matinding epekto ng bagyo na sinuyod ang maraming lalawigan sa bansa.
00:36Dagdag paanya riyan ang posibleng epekto ng inaasahang pagtama ng Bagyong Uwan sa Northern Luzon.
00:42Because of the scope of, shall we say, problem areas that will be hit,
00:51that has been hit by Tino and will be hit by Uwan,
00:56there was a proposal from the NDRRMC which I approved that we will declare a national calamity.
01:07Because ilang regions na yan, there will be almost 10 regions, 10-12 regions that will be affected.
01:14So pagkaganong karami, ganun ang scope,
01:18then we will really have to, then it is a national calamity.
01:22Dahil dito, sabi ng Pangulo, hindi nadadaan pa sa mahabang proseso ang mga apektadong lugar
01:27para i-access ang emergency funds.
01:30That gives us quicker access to some of the emergency funds, number one.
01:36Secondly, mapapabilis ang ating procurement so that we don't have to go to the usual bureaucratic procedures
01:44and we can immediately provide assistance to the victims of the storms.
01:49I-kinalongkot din niya ang malaking numero ng mga nasawi kasunod ng pananalasan ng bagyo.
01:54Kasabay ang muling pagtiyak na hindi mapapatid ang pagresponde ng pamahalaan.
01:58We are doing our usual relief and support activities para lahat ng mga na-displaced, lahat ng naging biktima
02:08ay matutulungan at ng pamahalaan together with national government, together with the first responders, of course the LGUs, maayos naman.
02:20Dahil sa inaasahang pagtaman ng bagyong uwan, sinabi rin ng Pangulo na aalamin nila kung sinong mga personnel ang maaari ng kumalas sa Visayas
02:28at maipadadala sa Northern Luzon kung saan ay sinasabing mananalasa ang paparating na bagyo.
02:34Pero paglilinaw ng Pangulo, hindi iiwan ang Cebu.
02:37Kailangan na natin pag-isipan kung ilan doon, kung sino doon ang pwede nang dalhin para paghandaan na yung uwan.
02:47Siyempre hindi namin iiwanan ng Cebu hanggat lahat na ay in place na.
02:53Kasunod nito, nagpaabot na rin ng P760M na tulong pinansyal ang Pangulo sa mga apektadong lugar.
03:00Tig P50M ang matatanggap ng Cebu, Capiz, Surigao del Norte, Iloilo, Bohol at Negros Occidental.
03:08Tig P40M naman ang Eastern Samar, Surigao del Sur, Southern Leyte, Antique at Aklan.
03:15Tig P30M ang Leyte at Masbate.
03:17Tig P20M ang Gimaras, Agusan del Norte at Dinagad Islands.
03:21Habang tig P10M sa Biliran, Camarines Sur, Sursogon, Misamis Oriental, Negros Oriental at Palawan.
03:30Tig 5 milyong piso rin ang matatanggap ng 16 pang mga lugar, kabilang na ang Metro Manila.
03:35Sa ganito mga pagkakataon, sinisiguro ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.
03:42na lahat ay maaabot ng tulong at kalinga sa anumang panig ng bansa.
03:46Sinabi naman ang Malacanang na hindi lang ang flood control sa mga apektadong lugar ang iimbestigahan,
03:52kundi pati na ang pagkakaroon-umanon ng deforestation at quarrying na itinuturong dahilan kaya lumala ang baha.
03:58Dapat lamang po din tingnan ito ng pamunuan ng DNR, kung ano ang nagaganap at kung ito ba ay hindi lamang dal sa kalamidad,
04:06hindi lamang ito act of God, kundi may kinalaman ang mga pagpapabaya ng mga tao at ang pang-aabuso sa ating natural resources o sa ating kalikasan.
04:16Hindi na po kailangang iutos ito ng Pangulo dahil alam po nila kung ano ang nais ng Pangulo at ano ang mga direktiba ng Pangulo sa mga klaseng kalamidad.
04:24Nilinaw pa ng palasyo na hindi kailangang humingi ng bansa ng foreign assistance dahil sapat pa ang pondo ng bansa sa pagtugon ng kalamidad.
04:32Wala pa rin daw mga LGU sa ngayon ang humihingi ng replenishment ng kanilang quick response fund at handa naman daw na magbigay ng karagdagang pondo ang pamahalaan kung kinakailangan.
04:42At dahil sa pag-aproba ng Pangulo sa pagdideklara ng State of National Calamity, gate ng Malacanang na ipatutupad sa buong bansa ang price freeze.
04:52Maaari ring mag-apply para sa calamity loan ang mga kwalipikadong individual.
04:56Tugon naman ang palasyo sa mga puna sa Pangulo kung bakit ngayon lang siya nagkaroon ng situation briefing sa NDRRMC.
05:02Kahit hindi naman po nagkaroon ng briefing ang Pangulo, everyday naman po siya nakikipag-usap dito at nagbomonitor.
05:08So ngayon lang po siya pumunta po doon pero hindi po ibig sabihin po noon hindi po siya nagmamonitor ng sitwasyon sa ating bansa.
05:16Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.