Skip to playerSkip to main content
-Pagtukoy kung sufficient in substance ang 2 impeachment complaints vs. PBBM, nakatakdang pagbotohan ngayong araw


-9, sugatan matapos araruhin ng bus ang hindi bababa sa 8 sasakyan sa Ermita


-Ilang panig ng Visayas at Mindanao, nakaranas ng malakas na ulan


-PAGASA: Trough ng Bagyong Basyang, nagpapaulan na sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao


-Ilang klase, suspendido dahil sa Bagyong Basyang




-Rules on impeachment: Sufficient in substance ang reklamo kung may recital of facts at mapatunayang impeachable offense ang alegasyon


-Lalaki, patay sa pamamaril sa Brgy. Datu Esmael; suspek, arestado


-Nanloob sa isang bahay sa Brgy. Cabugao, nakapagnakaw pa rin kahit sinalubong ng mga aso


-Pre-trial sa kasong graft at malversation ng mga Discaya at iba pa sa Lapu-Lapu RTC, ipinagpaliban


-DOJ: Walang epekto ang pagbasura ng 3 tax complaints laban sa mga Discaya sa kanilang mga reklamo at kaso kaugnay sa flood control issue


-Presyo ng mga bulaklak, doble o higit pa raw ang inaasahang taas-presyo habang papalapit ang Valentine's Day


-Rider at kanyang angkas, sugatan matapos sumalpok sa isang UV Express sa Commonwealth Avenue


-Senate Pres. Sotto: Hindi interesado si Sen. Loren Legarda na maging Senate President


-Rep. Barzaga, no show sa pagdinig ng House Committee on Ethics; sasagot daw pagbalik niya sa susunod na linggo


-Reklamong qualified theft laban sa dating driver ni Rhian Ramos na si alyas Totoy, ni-refile ni Michelle Dee


-Kabayo, itinali sa umaandar na pickup; pagtrato sa kabayo, kinondena ng animal rights group


-2 sakay ng motorsiklo, patay nang bumangga sa nakahintong truck; 1, nagpapagaling pa sa ospital


-Sanggol, na-suffocate matapos isilid sa bag ng kanyang 20-anyos na ama; suspek, natakot umanong ipaalam sa mga magulang na nakabuntis siya


-PCG: 44 ang kumpirmadong ansawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3


-DILG: 3 anak ng mag-asawang suspek, isinama sa biyahe nang itapon ang mga bangkay ng mag-inang Mollenido


-Mahigit 50,000 residente, lumikas dahil sa malawakang pagbaha


-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA


-Dating Sen. Manny Villar, itinangging pumasok siya sa mga ilegal na gawain para manloko ng mga customer at investor


#AnsabeMo kung "No Work, No Pay" ang mga mambabatas?

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you for joining us.
00:30Mayinit na balita, gumugulong na muli ang deliberasyon ng House Justice Committee kung sufficient in substance ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:40Pinatalakay ngayon ang reklamong inihain ni dating Gabriela Women's Parties Representative Lisa Massa at iba pa na inendorso naman ng mga kongresista mula sa Makabayan Block.
00:50Ang kanilang ground for impeachment, betrayal of public trust.
00:53Kabilang sa mga pinagbatayan ng anilay kickback scheme mula sa budget at pag-abuso umano ni Pangulong Marcos sa pagpapatupad ng unprogrammed appropriations.
01:03Kapag natapos ang deliberasyon sa naturang reklamo, tsaka pagbabotohan ng komite kung sufficient in substance ang dalawang impeachment complaints.
01:10Samantala ng araro ng hindi bababa sa walong sasakyan ng isang pampasayarong bus sa Maynila, siyam ang sugatan.
01:19Ang nahulikam na insidente sa balitang hatid ni Jomer Apresto.
01:22Nakatawid pa ang mga tao at mga sasakyan na yan na galing ng Pedro Hill sa Hermita, Maynila, mag-aalas 10 kagabi.
01:32Maya-maya,
01:35inararo na ng isang pampasayarong bus sa mga sasakyan sa Taft Avenue.
01:40Sa isa pangangulo ng CCTV, may kita pa ang pagtumba ng mga motorcycle rider na nadamay sa aksidente.
01:45Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi bababa sa walong sasakyan ang inararo ng bus.
01:52Ayon sa isang saksi, may kabilisan ng takbo ng bus na biyaheng alabang.
01:57Bumanga pa nga siya dun sa isang poste ng LRT.
02:04Tapos nakita ko na lang, yun na inararo niya yung mga ibang kotse, pati yung mga motor.
02:11Marami talaga siyang nabangga, sir.
02:13Ayon pa sa MDRRMO, umabot sa siyam na tao ang nasugatan na nabigyan ng paunang lunas.
02:19Ayon sa company driver ng puting MPV, galing sila ng binondo ng kanyang pasahero at papunta sana ng pasay para magsundo pa.
02:26Nagulat na lang daw siya nang matumbuk sila ng bus.
02:29Hindi ko na naisip, sir. Paglingon ko kasi, sir. Ando na yung uso ng bus doon sa tapat ko, sir.
02:36Napasigaw na lang ako, sir. Lerd, eh.
02:38Iniinda niya ngayon ang bukol sa ulo matapos tumama sa pinto ng sasakyan.
02:42Ang kasama niya, nasugatan sa braso dahil sa mga basag na salamin.
02:47Ito yung bus na sinasabing ng araro ng hindi bababa sa walong sasakyan.
02:51Sabi ng mga otoridad, maswerte at hindi ganun karami ang mga pasahero na sakay ng bus noong oras na maganapang aksidente.
02:58Lumalabas sa inisyal na investigasyon ng mga otoridad na nagkaroon ng problema sa preno ang bus.
03:02Lagi naman dahilan na, tawag dito na wala ng preno.
03:06Sa mga bus driver, sana, lalo na sa area na yun, sana pag sapit sa area na yun, medyo mag-slow break na lang para makaiwas sa anumang aksidente.
03:17Nasa kostudiya na ng Manila District Traffic Enforcement Unit ng MPD ang driver ng bus habang isinasagawang investigasyon.
03:24Hindi pa kami pinahihintulutan ng MDTU na makausap ang driver ng bus.
03:28Posible siyang maharap sa reklamong reckless driving resulting in multiple physical injuries and multiple damage to property.
03:36Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:45Malayo pa man sa bansang Bagyong Basyang, inulan na ng husto ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
03:51Malakas ang ulan sa pagtanguhol kahapon dahil yan sa shear line ayon sa pag-asa.
03:56Local thunderstorm naman ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Cotabato.
04:00Bumaha sa ilang barangay, lalo na sa mabababang lugar sa Midsaya.
04:05Buling nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga residente na maging alerto lalo't papalapit na ang bagyo.
04:12Asahan pa rin na pag-ulan ngayong Merkoles dahil sa trough o extension ng bagyo ang ilang bahagi ng bansa.
04:21Ayon sa pag-asa, kabilang dyan ang Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Cotabato, South Cotabato at Sarangani.
04:31Kaninang alas 8 ng umaga, namataan ang Bagyong Basyang, mahigit 700 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
04:38Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 km per hour.
04:43Nakataas na kanina ang wind signal number 1 sa southern portion ng Surigao del Sur.
04:47Sa pinakahuling forecast track ng pag-asa, posibleng mag-landfall ang Bagyong Basyang sa Eastern Mindanao bukas ng gabi o umaga ng Merko o ng Biyernes.
04:57Tumutok lang po dito sa Balitang Hali para sa 11 a.m. Bulletin Kaugnay ng Bagyo.
05:05Bilang paghahanda at pag-iingat sa Bagyong Basyang, walang pasok ngayon sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
05:11Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Santa Maria, Davao Occidental at Carmen, Cebu.
05:19Shift to alternative delivery mode naman ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Danao, Cebu, Manhuyod at Amlan, Negros Oriental.
05:31Bago naman ang nakataktang butohan ngayong araw ng House Justice Committee kung sufficient in substance ba ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Bongbong Marcos,
05:39tinalakay na kahapon ng kumite ang mga pinagbatayan ng reklamong inihain ni Atty. Andre De Jesus.
05:46Balitang atin ni Tina Pangaliman-Perez.
05:50Paano nga ba dapat sukatin kung ang impeachment complaint ay sufficient in substance?
05:55Sa ilalim ng Section 5 ng Rules on Impeachment, sufficient in substance ang isang impeachment complaint kung may recital of facts
06:04o malinaw na salaysay na mga pangyayari at aligasyon na hindi paratang lang, kundi pasok at tugma sa mga ground for impeachment.
06:12Sufficiency in substance is not about whether allegations are loudly made, repeatedly asserted, passionately believed, or politically resonant.
06:28It is about whether the complaints allege ultimate facts, not mere conclusions.
06:38Whether they show a personal, culpable act or omission by the impeachable official.
06:45And whether those acts as pleaded amount to culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust as the Constitution strictly enumerates.
07:07Pinaigting din ang komite ang sukatan, matapos manalo sa botohan na dapat authentic ang mga dokumentong kalakip ng complaint,
07:16tatlo ang grounds for impeachment ng de Jesus complaint, betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, at graft and corruption.
07:26Isa sa mga puna, puro news article daw ang basehan sa aligasyong kinidnap at binigay sa ibang bansa si dating Pangulong Duterte.
07:35The first offense, most of the annexes are news articles.
07:42It might be insufficient for evidence to be based on mere news articles only.
07:53Honorable Nisai, the question is very specific.
07:57Whether or not you are aware of a case of kidnapping filed against the impeachable official.
08:03I'm aware of a case of kidnapping filed against the impeachable official.
08:15No, no, no. That there is no, ma'am.
08:18Sinita rin ang basehan ng aligasyon na drug addict daw ang Pangulo, kaya epektado ang kapasidad na mamuno.
08:25This ground presupposes that because PBBM is an addict or an alleged addict, he is unfit to be president.
08:35However, unfitness per se is not a ground for impeachment.
08:41Ganon din ang aligasyong hindi binito ng Pangulo ang unprogrammed appropriation sa budget noong 2023 hanggang 2026.
08:51At kumikbak din daw sa mga budget insertion at ghost flood control project na ang basehan ay mga video na pino sa Facebook ni dating congressman Zaldico.
09:01The video exposes abroad wherein we in the later part will have to hear this particular person has to be present.
09:12Otherwise, it's a piece of paper and a piece of video that is not allowed to be introduced in any proceeding.
09:20Inusisa rin ang basehan ng aligasyong binoo ng Pangulo ang Independent Commission for Infrastructure para protektahan ang mga kaalyado niya.
09:29Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:35Ito ang GMA Regional TV News.
09:41Mainit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
09:45Patay sa pamamarilang isang lalaki sa Dasmariñas, Cavite.
09:49Chris, nahuli ba yung suspect?
09:53Raffi naaresto ang suspect sa hot pursuit operasyon.
09:56Ay sa pulisa, naglalakal pa uwi ang biktima sa barangay Dato Ismael ng sundan at barili ng sospek.
10:03Sa ulo tinamaan ng bala ng barilang biktima.
10:06Base sa investigasyon, dating alitan ng biktima at sospek ang motibo sa krimen.
10:11Maharap sa reklamong murder ang sospek.
10:13Wala siyang pahayag.
10:14Sinugod at tinahula ng dalawang aso ang lalaking niyan na kawatan pala.
10:25Sa kabila ng ingay ni Nabantay, napasok ng sospek ang bahay matapos sirain ang isang bintana.
10:31Hindi na nakuna ng mga pangyayari sa loob.
10:33Nakita naman ang pagtakas ng sospek tangay ang ilang gamit.
10:36Ayon sa biktimang nasa lesihan, kabilang sa mga nakuha ng lalaki ang kamera, cellphone at wallet na may lamang pera at ATM cards.
10:45Ayon sa kapitan ng barangay Kabugao, Davao, sa lugarang Odayo, sa lugarang sospek.
10:50Hawak na ng pulisya ang CCTV footage at tuloy ang kanilang pagtugis sa sospek.
10:54Pwede pa rin daw magpatuloy ang pagbawi sa mga ari-ariyan ng mga sangkot sa isyo ng flood control projects kahit mawala pa ang Independent Commission for Infrastructure ayon sa Department of Justice.
11:08Puspund naman ang pretrial ng mga akusado sa kasong GRAF at malversation kaugnay sa mahigit P96 PNF flood control projects sa Davao Occidental.
11:17Balita hati ni Joseph Moro.
11:18Ipinagpaliban ang pretrial sa RTC Branch 27 sa Labo Labo City ng mga kaso labang kina Sara Diskaya,
11:30Executive Officer ng St. Timothy Construction na si Maria Roma Rimando at walong opisyal ng DPWH,
11:36kaugnay yan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at malversation of Public Funds
11:41dahil sa maanumalya ang mga 96.5 milyon pesos na flood control projects sa Davao Occidental.
11:47Sa pagdinig pa samantalang pinagbigyan ng korte ang hiling ng kampo ng mga akusado na via videoconferencing na lamang
11:55ang kanilang pagdalo sa mga susunod na pagdinig dahil daw sa kanilang siguridad.
12:00Inutusan din ang korte ang prosekusyon na tapusin ang paglalagay ng markings sa mga dokumento magsisilbing ebedensya.
12:07Sinubukan ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng kampo ng mga akusado pero tumanggi sila.
12:13Hindi ni nagbigay ng karagdagang detalye ang Visayas Ombudsman.
12:17Di rin ginaman ang petition for bail na inihain ng mga akusado pagkatapos ng pre-trial.
12:46Ang walong luxury vehicle sinasara Diskaya at asawang si Pasifiko ipasusubasta ng Bureau of Customs sa February 11.
12:53Isa rito ang Rolls Royce na sumikat dahil sa payong nito.
12:57Inaalok na ito ngayon sa 29 milyon pesos.
13:00Pinili ng BOC na isubasta pa rin ito kahit pwede na itong i-direct offer.
13:04Mas less questions. We are trying to avoid actions that would cast doubt.
13:10Ang mga sasakyan ng mga Diskaya bahagi ng apat na bilyong pisong halaga ng mga ari-arian na hinahabol ng Technical Working Group na binuo ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
13:21Bahagi yan ang 24.7 milyon pesos na ases o ari-arian ng 140 individual at 300 korporasyon na sangkot sa flood control scandal.
13:34Kaya hiniling na ng Anti-Money Laundering Council o AMLC na i-freeze.
13:38Pinag-usapan na ng TWG kung anong mangyayari sa paghahabol kung sakaling buwagin ang ICI.
13:45Pero sa ngayon tuloyan niya ang trabaho.
13:47Each individual agencies na mag-disengage or for example naman halimbawa mag-sisist to exist that the TWG's work would still continue
14:00because we discussed amongst ourselves na what we do here would also be valuable for other agencies like the Sandigan Bayan, the Ombudsman.
14:11I think it was designed to exist outside the ICI.
14:14Sabi ng Justice Department, maaari pa rin ituloy ang forfeiture o pagbawi sa mga ari-arian kahit wala na ang ICI.
14:22What was agreed upon is that the work never ends despite the ICI being dissolved if that even happens.
14:28Sabi dati ni ICI Special Advisor, Retired General Rodolfo Azurin, nasa Pangulo na kung ipatutuloy pa niya ang trabaho ng ICI.
14:37Pero sabi ngayon ng Malacanang, depende na raw yan sa ICI.
14:41Kasi independent commission sila. So ang magiging desisyon nila, dun lang po ang Pangulo.
14:45Sa mga orihinal na commissioner ng ICI ay tanging si ICI Chairman Retired Justice Andres Reyes Jr. na lamang ang natitira.
14:54Wala pang pumalit sa mga nagbidiyo na commissioner.
14:57Sabi ng Malacanang, nasa ICI kung gusto pa nila ng mga bagong commissioner.
15:02Independent body po kasi ang ICI. So ayaw po makialam ng Pangulo kung ano po ang magiging desisyon nila.
15:08Kung ang desisyon po nila ay gusto nila na makaroon ng palibagong miyembro, sabihin naman po nila sa Pangulo.
15:12Hindi rin makakaapekto ang pagbasura sa tatlong tax complaints laban sa mag-asawang diskaya
15:27sa iba pa nilang kinakaharap na reklamo at kaso kaugnay sa flood control issue.
15:32Sabi ni DOJ spokesman at Tony Paulo Martinez,
15:35walang kinalaman sa isyo ng flood control ang mga reklamong ibinasura ng Department of Justice.
15:39Kaugnay kasi anya yun sa hindi tamang nabayarang buis sa mga mamahali nilang sasakyan.
15:45Ayon sa DOJ, hindi obligado ang mga diskaya sa excise tax dahil pananagutan daw ito ng importer.
15:52Bukod sa tatlong ibinasurang reklamo,
15:54may dalawa pang tax complaints kaugnay naman sa mga questionableing flood control project
15:58laban sa mga diskaya na iniimbestigahan ng DOJ.
16:02Isasamparo ito ng DOJ sa Court of Tax Appeals.
16:05Mga kapuso, sampung araw na lang bago ang araw ng mga puso sa mga nagbabalak po
16:17na magbigay ng flowers sa kanilang loved ones,
16:20magkano na ba ang presyo sa dangwa sa Maynila?
16:23Ang bundle ng rosas na may limang piraso,
16:26nasa P250 hanggang P300.
16:29Yun lang halos wala ng mabiling red and white roses dahil sa dami raw ng pre-orders.
16:36May ibinibenta naman na P150 per bundle gaya ng stargazer, eucalyptus leaves, sunlight mums at mums.
16:44Meron ding 100 kada bundle tulad ng status, misty at camomile.
16:50Sa mga hanap ay bouquet, P500 ang presyo ngayon.
16:53Sabi ng ilang nagtitinda sa dangwa, asahan na ang taas presyo sa mga susunod na araw.
17:00Posible raw dumoble o higit pa, kaya sa mga gustong makatipid,
17:05mas maganda raw na mag-pre-order na.
17:10Aksidente sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
17:12Sugata na isang motorcycle rider at kanyang angkas,
17:15matapos silang sumalpok sa isang UV Express.
17:19Balita ng atin ni James Agustin.
17:20Tumila po na mag-angkas ang motorsiklo matapos makabanggaan ng UV Express
17:27sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City,
17:30bandang alauna-imedya ng madaling araw kanina.
17:33Nakadapa ang lalaking rider sa kalsada.
17:35Mayigit 20 metro ang layo sa kanya ng angkas na babae.
17:39Ayon sa isa sa mga tumulong na motorcycle rider,
17:42pauwi na siya ng madana ng aksidente.
17:44Nakapikit na yung babae, sir, na marami talagang iniinday.
17:47Tapos pagkabuhat sa kanya, sir, doon na siya, doon na siya maraming iniindang sakit.
17:54Para sa tingin ko, may maraming bali sa katawan niyo, sir, yung babae.
17:58Tapos may ano pa yung sapah, sir, may sugat pa sa paa.
18:00Yung lalaki, sir, ano talaga, sir, wala talagang malay, sir.
18:05Pero umihinga siya.
18:06Wasak ang harapang bahagi ng motorsiklo,
18:09habang nabasag ang taillight ng UV Express.
18:12Ayon sa driver ng UV Express, may sakay siyang tatlong pasahero ng mga oras na iyon.
18:16Patungo raw sila sa Fairview.
18:18Nagulat na lang ako, bigla na lang may kumalabok sa likuran ko eh.
18:22Eh, pagtingin ko dyan sa harap, yung nakabulagta na dyan yung dalawa eh.
18:27Hindi na na ako na nampahayag ang dalawang sugatang sakay ng motorsiklo na isinugod sa ospital.
18:32Di na na naman sa Traffic Sector 5 ang driver ng UV Express.
18:36James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:39Lumutang ang pangalan ng Sen. Lori Legarda sa gitna ng usap-usapang magkakaroon muli ng Rigudon sa liderato ng Senado.
18:51May sinasabi po na kayo daw yung magiging next na SMP.
18:53Ayon niyan kay Sen. President Tito Soto.
18:55May kumakausap daw sa inyo ma'am? Sinasenalan ba?
18:58Andami kumakausap sa akin araw-araw.
19:01Pag-isip mo po yung tiraro ko kasi nabasok yung news.
19:04Ayon niyan kay Sen. President Tito Soto.
19:09Hindi raw interesado si Legarda na pumalit sa kanyang pwesto bilang leader ng Senado.
19:13Sabi pa ni Soto, matatag ang Senate Majority.
19:16Para naman kay Sen. President Pro Temporary Ping Lakson,
19:19malisyoso ang pag-uugnay kay Legarda sa umunoy tangkang pagpapalit ng liderato sa Senado.
19:26No show si Cavite 4 District Representative Kiko Barzaga
19:29sa pagdinig ng House Ethics Committee kahapon kaugnay sa inihahing reklamo laban sa kanya.
19:35Natapos na nitong January 30 ang 60-day suspension kay Barzaga.
19:38Pero hiniling ni Manila 2 District Representative Rolando Valeriano na palawigin pa ang suspension.
19:44Anya, tila alam at kalkulado ni Barzaga ang kanyang mga aksyon,
19:48kabilang ang mga kontrobersyal na social media posts.
19:51Sabi pa ni Valeriano, tila enjoy ang batang kongresista sa pagpapasikat sa social media.
19:59Ano ba kayo nagsaya sa kanya bilang senior kumbaga, nakakasenior sa kanya?
20:05Miyaw-miaw.
20:11Nakatakdang isubitin ang Ethics Committee sa plenaryo mamaya ang kanilang report tungkol kay Barzaga.
20:16Malalaman dyan kung mapapatawan ulit siya ng suspension o tuluyang aalisin bilang membro ng House of Representatives.
20:22Sa isang text message, sinabi ni Barzaga na sasagot siya pagbalik niya sa trabaho sa susunod na linggo.
20:29Huli ka, magpagandar ng pickup na yan habang nakatali isa sa sakya ng isang kabayo sa hingog Misamis Oriental.
20:42Ayon sa uploader, tumigil kalauna ng pickup at napahiga ang kabayo.
20:46Paglilinaw naman ang driver, hindi namatay ang kabayo.
20:49Paraan daw niya yun para ma-exercise ang kabayo.
20:53Kinundinan ang Philippine Animal Welfare Society ang pagtrato sa kabayo.
20:56Nananawagan sila sa mga nakasaksi sa insidente na mag-report sa mga otoridad para maasampahan ng reklamo ang driver.
21:04Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang driver ng pickup.
21:07Ito ang GMA Regional TV News.
21:16Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
21:21Patay ang dalawang magkaangka sa isang motorsiklo nang madisgrasya sila sa Manhuyod Negros Oriental.
21:29Cecil, paano sila madisgrasya?
21:30Raffi bumanga ang sinasakyan nilang motor sa isang nakahintong truck sa barangay Alingalanan.
21:38Base sa investigasyon, patlo ang sakay ng motor.
21:41May iiwasan sana ang rider na early warning device ng nakahintong truck sa National Highway.
21:47Nawalan siya ng kontrol sa motor at bumanga sa truck.
21:50Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang isa pang angkas ng motor.
21:55Ayon sa pulisya, walang suot na helmet ang tatlo at nakainom-umano.
21:59Sinusubukan pang kunan ang pahayag ang driver ng truck na nasa kustudiyan na ng pulisya.
22:06Isang sanggol ang natagpo ang patay sa loob ng isang bag sa Cagayan de Oroz City.
22:12Nadiskutiyan sa loob ng boarding house na inuupahan ng kanyang ama.
22:17Ayon sa pulisya, nasofocate ang isang buwang gulang na sanggol sa loob ng bag.
22:22Sa investigasyon nila, hiniram ng ama ang bata mula sa ina.
22:27Nang hindi na makontak ng ina ang sospek, nagsumbong siya sa mga otoridad.
22:31Aristado ang 20 anyos na tatay.
22:34Ayon sa pulisya, umamin ang sospek sa nakasama sa kulungan na siya ang pumatay sa sariling anak.
22:41Natakot daw kasi siyang malaman ng mga magulang na nakabunti siya at baka patigilin sa pag-aaral.
22:47Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang sospek na mahaharap sa reklamong parisite.
22:53Wala pang pahayag ang ina ng sanggol.
22:58Apat na put-apat ang bagong bilang ng patay sa paglubog ng Roro Vessel na MV Tricia Kirsten III.
23:03Kasunod yan ang pagkakarecover sa isa pang bangkay ngayong umaga.
23:07Ayon sa Philippine Post Guard sa Basilan, nakita nila ang bangkay sa dagat na sakop ng Baluk-Baluk Island sa Basilan.
23:14Hinila ang bangkay at dadalhin sa Sambuanga City.
23:17Hindi patukoy ng mga otoridad ang kanyang pagkakakilanlan.
23:21Tatlong daan at tabing anim naman ang nakaligtas sa trahedyang nangyari nitong January 26.
23:26Kahapon, kinumpirman ng PCG na malapit din sa Baluk-Baluk Island natagpuan ng mga diver ang lumubog na Roro Vessel.
23:33Patuloy ang operasyon ng PCG sa lugar.
23:36I-dinitalya ng Department of the Interior and Local Government kung paano pinatay si Police Senior Master Sergeant Diane Mollinido
23:44at ang walong taong gulang niyang anak, base sa mga nakuha nila impormasyon sa ginawang imbistigasyon.
23:50Balita ng hati di June Veneration.
23:55Sa loob ng bahay na mag-asawang itinuturong mastermind sa Novaliches, Quezon City,
23:59pinatay si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollinido, Enero o 16, alas 11 ng gabi.
24:07Makalipas ang anim na oras, surod namang pinatay ang walong taong gulang niyang anak na si John Ismael.
24:13Ayon ka Interior Secretary John Vic Mollinido, unang pinatay si Police Senior Master Sergeant Mollinido
24:19habang nakaupo sa sofa ng dating polis na inaanak pa naman niya sa kasal.
24:24Pinatay si Diane Marie Mollinido sa pamamagitan ng gunshot wound na pumasok dito sa ulo
24:32at lumabas habang siya inakupo at lumabas sa kanyang pigi.
24:37Isinurod naman ang batang si John Ismael.
24:39Sila-sila eh, parang...
24:41Di ba kasawa rin?
24:42Oo, yung magkasawa rin eh.
24:44Binalot nila ng plastik sa ulo yung bata eh.
24:47Nambuhay pa.
24:48Sa extrajudicial confession, ang isa sa mga sospek na kasabuat,
24:52hindi kasama sa plano ng pangunahing sospek na patayin ang bata,
24:56pero basta naig daw ang kagustuhan ng kanyang misis.
24:59Actually, according to...
25:02Ang plano sana ni *** ay papuntahin lang sa liligaw yung bata sa tagi ko balik doon.
25:11Kaya lang ang nasusunod, ang gusto ni *** sama na kasi makikilala sa amting na ganoon.
25:18Habang nangyayari ang krimen,
25:20nasa loob din umano ng bahay ang tatlong anak na mag-asawang sospek,
25:24pero hindi nila nakita ang aktual na pagpatay.
25:26Sa tulong ng isang kasabuat,
25:28isinakay sa isang SUV ang katawan ng mag-ina para itapon.
25:32Isinama pa umano ng mag-asawa ang kanilang mga anak sa biyahe habang sakay ang mga bangkay.
25:37Ang plano nila, alika, bakasyon muna tayo sa Baguio.
25:39Ayun ang sinabi sa mga bata.
25:42Pero along the way, nung night time nila, unikot sila, didispose sila yung mga katawan.
25:47Merong ano sila eh, psychopathic criminal tendencies talaga kasi ano klaseng utak ka na meron?
25:55Anong klaseng puso ka na meron?
25:57Napati anak mo, sasama mo, sa disposal.
25:59Sa Pulilan, Bulacan, natagpuan ang labi ng babaeng polis noong January 24.
26:05Habang sa Victoria Tarlac, natagpuan ang anak niya noong January 29.
26:10Sa ngayon, apat ang ituturing na sospek at hawak na ng mga otoridad.
26:14Ang mag-asawang itinuturong utak sa krimen at dalawang kasabuat.
26:18Sa videong kuha noong arestuhin ang mag-asawang pangunahing sospek,
26:22ay todotanggi ang babae na naroon siya sa lugar ng krimen,
26:25bagamat napanood niya umanong pagpatay via video call.
26:30Sa videong ito, ay idiniin niya ang Mr. Moline Nido,
26:33pero ngayon, ay person of interest na lang ang turing rito.
26:42Ayon naman sa extrajudicial confession ng babaeng kasabuat,
26:45bago pa ang krimen, ay pinaghandaan na ito.
27:03Lubalabas sa investigasyon na onsehan sa transaksyon ng sasakyan,
27:07ang isa sa posibleng motibo sa krimen.
27:09Ahente ng sasakyan ang babaeng pangunahing sospek.
27:12May gusto manong bilhing SUV ng Montero ang biktima,
27:16kaya siya nagbigay ng down payment na P550,000 sa mag-asawa.
27:21Ipinabenta pa ng biktima sa mag-asawa ang kanyang lumang sasakyan
27:24sa halagang P450,000 para mabuo ang pambayad sa kursunadang SUV.
27:29Pero nang magkita-kita na silang January 16 para tapusin ang transaksyon,
27:34It turned out, non-existent po pala yung Montero.
27:39So pwede natin isipin na siguro nagkagalit siguro.
27:46So yun ang tinitignan natin na isa sa mga dahilan siguro,
27:50bakit binarel siya.
27:51And we have to understand also na itong mag-asawa,
27:56they have a string of cases, staffa cases.
27:59Bukod sa apat na aristadong sospek,
28:01itinuturing pa rin person of interest,
28:03ang asawa at ama ng mga biktima.
28:06Nasa restrictive custody pa rin siya ng PNP.
28:08Duda raw ang mga otoridad sa kanya.
28:10Two things eh.
28:12Una, pinili niya mag-cremate ka agad yung asawa niya.
28:16With yung clothes ha, yung clothes na namatay siya.
28:18Eh, pulis siya, dapat alam niya yun.
28:20Pangalawa, nung interview, parang wala siyang remorse.
28:25Imagine mo, anak mo namatay, hindi ka na iiyak,
28:27wala kang, parang baliwala sa kanya eh.
28:29Well, iba-iba naman tayo ng reaction, di ba?
28:32So we have different ways of grieving.
28:34So hindi natin mahusgahan, base lang sa reaction niya.
28:37So antayin natin.
28:38Kinumpirma rin ang abogado na nasa restrictive custody nga
28:41ang nasabing polis.
28:43Matapos, madrap ang reklamo dahil iniurong ng kapatid ng biktima.
28:47Bago naman iproseso para sa inquest ang kasabot na babae,
28:51iginit niyang hindi siya sangkot sa krimen.
28:54Kayo po ba isangkot sa krimen?
28:56Hindi po.
28:58Ano lang po kayo, ma'am?
29:00Witness lang.
29:00Witness po ako, ako po nakakita.
29:03Ano po ang nakita ninyo, ma'am?
29:05Kung paano po.
29:08Hindi na niya ay dilitalye ang pangyayari sa payo ng kanyang abogado.
29:19Sa kabila nito, kumpiyansa ang PNP sa mga ebidensyang hawak nila.
29:23We are sure that this case will have a certainty of conviction.
29:30Ayon sa aming investigasyon, considered case closed na ito at charges will be filed.
29:37June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.
29:40Nalubog sa bahang maraming palayan sa Morocco kasunod ng malakas na ulan.
29:51Naranasan din ang malawakang pagbaha sa mga residential area roon.
29:55Gamit ang mga bangka, nerescue ng mga otoridad ang stranded ng mga residente.
29:59Dinala sila sa mga evacuation center.
30:01Ayon sa state media, mahigit 50,000 residente ang inilikas mula sa maraming lugar dahil sa baha.
30:07Nag-mistula namang Ghost Town ang isang lungsod dahil sa paglikas ng mga residente.
30:13Wala namang naiulat na sugatan o nasawi.
30:18Update tayo sa binabantayang bagyong basyang na posibleng mag-landfall sa eastern Mindanao.
30:24Kawusapin natin si pag-asa weather specialist, Benison Istareja.
30:28Maganda umaga at welcome po sa Balitang Hali.
30:31Good morning po Sir Rafi.
30:33Sa mga oras na ito, nasa ano po yung lokasyon ng bagyong basyang?
30:37Sa ngayon po itong si Tropical Depression Basyang, nasa may Philippines si pa rin.
30:42At huling namataan po kaninang alas 10 na umaga at 735 kilometers silangan ng hinatuan Sirigaudel Sur.
30:49Taglay pa rin po ang hangin na 55 kph.
30:51Gustiness hanggang 70 kilometers per hour at kumikilos patimog kanluran at 15 kilometers per hour.
30:57Base po sa tinatahak na direksyon at bilis ng galaw nito,
31:00hanggang kailan ito maninatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility?
31:03Nakikita po natin sa susunod pa na apat hanggang limang araw,
31:08nasa loob pa rin po ito ng ating Area of Responsibility.
31:11Dahil babagtasim pa nito, itong Hilagansilangang bahagi ng Mindanao,
31:15and then yung Timog at Kanlurang bahagi ng Visayas,
31:18Solusi, Northern Palawan, hanggang sa makalating po ng West Philippine Sea sa araw po ng ming.
31:22Sa pagtawid po nito dito sa mga isla, lalakas po ba o hihina itong bagyo?
31:30So nakikita po natin within the next 24 hours or today po,
31:34possible na lumakaspa ito bilang isang tropical storm knowing na ito nasa may karagatan pa.
31:39So balit pagtamaan ito sa mga kalupuan po ng Visayas at Mindanao,
31:42nandiyan yung possible slightly weakening into a tropical depression muli.
31:46So tropical depression siya hanggang sa makarating po dito sa may kabilang banda ng ating kapuluan.
31:50And then yung forecast po natin by Sunday is magiging low-pressure air na lamang.
31:56Asa ang mga lugar po posible magpapaulan itong bagyo?
32:01Within the next 24 hours, itong easternmost portions po of Mindanao magkakaroon ng substantial
32:06or yung mga pagulan na minsan malalakas po na maaaring magdulot na ng mga pagbaha at paghuhu ng tupa.
32:11At simula po bukas ng tanghali, maraming na lugar na agad po dito sa may Visayas at Mindanao
32:16magkakaroon ng mga matitiling ulan.
32:18We're talking of Caraga Region, Visamis Oriental, Kamigil, itong bahagi po ng Central Visayas,
32:25Naglos Island Region, meron po dyan mga pagulan na actually higit po sa 100 mm per day
32:30at ito po yung magkakos ng mga pagbaha, hindi lang po sa mga pinapakang mga lugar,
32:34pag-apaw ng mga kailugan, paglagasa ng mga tubig sa mga kanayunan,
32:38at sa mga mountainous areas, possible din po yung paghuhu ng lupa.
32:41Posible pa po maldagdagan yung mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1?
32:46Sa ngayon po, meron na tayong wind signal No. 1 over Surigo del Norte and Surigo del Sur,
32:52at magdadagdag pa po tayo ng ating mga wind signals over Visayas, Mindanao,
32:57and possibly even dito sa Maymimaropa, hanggang signal No. 2 po,
33:01nakikita natin pag meron tayong Tropical Cyclone.
33:04Hanggang kailan po kaya iiral itong signal No. 2?
33:07Usually po sa isang lugar, mga isa hanggang dalawang araw po, merong malalakas na hangin.
33:14So, ganun din katagal yung ating pagbibiging pabala po sa ating mga kapatayan.
33:17E dito naman po sa Metro Manila, anong magiging forecast sa mga susunod na oras?
33:23In the next few hours naman po, steady naman na party cloudy to cloudy skyside dito sa Metro Manila.
33:28At ngayon lang, maliit na chance ng pagulan, yung magiging pagulan as to cost by basyang,
33:35maliit naman po ang chance given na yung truck niya mababa po.
33:38Pero magiging maulan po pagsapit po ng weekend dahil po doon sa shear line naman.
33:42Ngayon din sa mga nearby area sa Calabarso.
33:43Baka may panawagan po kayo sa mga kababayan nating dadaanan nitong bagyo,
33:47bagat nabanggit nyo, posibleng humina ito.
33:49Ano po ngayon nga babala?
33:51Babala po natin sa ating mga kababayan, mas magiging maulan po kaysa mahangin
33:55ang nakikita natin regarding dito kay Bagyong Basyang.
33:58At sabihin na natin po na hindi talaga tipikal na nagkakaroon ng bagyo tuwing Pebrero,
34:02subalit dapat paghandaan po natin ito.
34:04Posible pa rin itong maging mapaminsala at magbulot ng mga malawakang pagbaha at paghuhonan dito.
34:09Okay, maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
34:13Salamat po.
34:14Yan po si Pagasa Weather Specialist, Benison Istareja.
34:18Samantala nagsalita na si dating Senate President Manny Villar
34:21matapos sampahan ng reklamo ng Securities and Exchange Commission
34:24ng kanyang kumpanyang Villar Land Holdings Corporation.
34:28Sabi ni Villar, kailanman na hindi rao siya pumasok sa anumang iligal na gawain
34:32para manloko ng mga customer at investor
34:35o para makinabang siya o ang mga kumpanyang pagmamayari niya.
34:39Committed din anya sila sa transparency at pagsunod sa patakarang
34:42ipinatutupad ng SEC at ng Philippine Stocks Exchange.
34:46Handa naman daw ang kumpanya ni Villar na sagutin ang lahat ng aligasyon sa tamang forum
34:50at makipagtulungan sa isang patas na imbestigasyon.
34:55Ayon kay Villar, hindi pa rin natatanggap ng Villar Land ang kopya ng reklamo ng SEC.
35:00Bukod sa Villar Land, inereklamo rin ng SEC ang dalawa pang kumpanya
35:03dahil sa mga paglabag-umanok sa Securities Regulation Code
35:07tulad ng market manipulation, insider trading at misleading disclosures.
35:12Wala pang reaksyo ng dalawang kumpanya.
35:14Miyerkules latest na mga maria at pare, ready to slay na!
35:24Si sparkle artist Roxy Smith sa Miss Universe Philippines 2026.
35:31Ilaban natin ito, Baguio!
35:35Si Roxy ang napiling pambato ng City of Pines, Baguio.
35:39It feels good daw na muling makabalik sa mundo ng pageantry.
35:42Sa kanyang IG, binati siya ng kanyang friends and fans.
35:46Kabilang dyan ang kanyang sparkle besties na si Nashubi Etrata at Ashley Ortega.
35:51Dream come true raw para sa kanya ang makarampa sa Miss You Philippines stage.
35:56Aminado si Roxy na may alinlangan siya sa pagsali sa pageant.
36:00Pero napush daw sa tulong ng kanyang supporters.
36:04Looking forward si Roxy sa pageant at gawing platform ito para sa kanyang advocacies.
36:09Through this platform, I would be able to connect to more women and maybe I could make them, I would pursue, I will convince them to go for their dreams.
36:19Kita sa kuhang yan mula sa himpapawid ang lawak ng sunog sa barangay Lamyon sa Bunggaw, Tawi-Tawi.
36:30Ayon sa MDRRMO, aabot sa halos sanlibong bahay ang nasunog na nagsimula bandang alas 10 kagabi.
36:36Dikit-dikit daw ang mga bahay roon at gawa pa sa light materials kaya mabilis kumalat ang apoy.
36:41Malakas rin daw ang hangin noon.
36:43Napula ang apoy bandang alas 2 ng madaling araw kanina.
36:46Iniligas na muna sa isang gym at quarantine area ang mga nasunugan.
36:51Inaalam pa ang sanhinang apoy.
36:54Balita sa pulis na natagpuan patay sa septic tanks sa Malolos, Bulacan.
36:58Isang milyong piso ang pabuya sa makapagtuturo sa iba pang suspect sa krimen.
37:03Ayon yan kay Interior Secretary John Vic Rimulla.
37:06Inilibas din ang DILG at Philippine National Police ang ilangkuhan ng CCTV
37:09na may kinalaman sa pagpatay kay police staff sergeant Renato Casaway Jr.
37:15Sa kuha ng CCTV sa barangay Mohon noong January 24, nakahudi si Casaway.
37:21Nakipagkita raw siya noon sa pulis asset na nakapulang jacket sa video.
37:25Hindi na nahagit ng CCTV pero sunod-sunod na umalingaungaw ang putok ng baril.
37:31Maririnig din sa video ang pagutos ng asset sa kanyang mga kasama.
37:35Pinagtulungan na muna nilang maitapon si Casaway sa Poso Negro.
37:39Apat na suspect ang arestado kabilang ang isang police corporal, Vivencio Abalos.
37:44Tinutugis naman ang pitong suspect kabilang ang gunman.
37:48Batay sa investigasyon, may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Casaway
37:51na membro ng Philippine Drug Enforcement Group.
37:54Mainit daw ang mata sa kanya ng mga suspect na sangkot sa iligal na droga.
37:58Walang pahayag ang mga naaresto ang suspect.
38:00Nagbigay na ng komento ang mga miyembro ng House Justice Committee
38:06sa mga bataya ng impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos
38:10na inindorso ng Makabayan Block.
38:12May ulat on the spot si Tina Panganiban Perez.
38:15Tina?
38:15Rabi sa kanilang manifestation ng hindihan ng Makabayan Block
38:20na sufficient in substance ang Masa et al-complaint.
38:24Malinawaan nila na may recital of facts
38:26at determinative of the jurisdiction ng komite ang reklamo.
38:30Malinawa rin na ang offense charge na betrayal of public trust
38:33ay ground for impeachment at impeachable official ang Pangulo.
38:37Kasama sa binanggit nilang recital of facts ang pagkatatag
38:41at pagpapatupad ni BBM ng allocables at non-allocables
38:45base ng dokumentong galing mismo sa TCWH.
38:49Isa pa ang unprogrammed appropriations na inabuso ng Pangulo rao.
38:53Yung unprogrammed appropriations at ipapaglumsam
38:57hindi magagamit ng approval ng Pangulo
38:59base rao sa isang dokumento.
39:01May mga pahayag pinsi na dating TCWH
39:04under Secretary Bernardo
39:05at dating Congressman Zaldico
39:07nag-deliver ng kickbacks sa Pangulo
39:09na aapos ng 8 billion pesos.
39:12Lahat daw yan ay pasok sa betrayal of public trust.
39:15Ayon kay Justice Committee Vice Chair Jennifer Lagbas,
39:18ang BBM parametric formula
39:20na binanggit ng Makabayan Block
39:22kaugnay sa allocables
39:24na isa sa mga kasalanan ng Pangulo
39:26ay gawa ng TCWH at hindi ng Pangulo.
39:29Sa isya ng kickbacks,
39:30wala rin daw patunay ng participation ng Pangulo.
39:34Si senior deputy minority leader Edgar Erisa naman
39:38naniniwalang sufficient in substance
39:40ang masa et al complaint.
39:42May nagawaan niyang impeachable offense ng Pangulo
39:44at ang mga aligasyon
39:46ay tiyak at verifiable na katotohanan
39:48gayaan niya ng kapabayaan
39:50na salaulain ang budget ng kanyang mga kaalyado.
39:54Pag di raw pinagboto ang sufficient in substance
39:56ng reklamo,
39:57lalabasan niya na pinopoteksahan ng Kamara
40:00ang Pangulo at hindi pinagtatanggol
40:02ang konstitusyon.
40:03Galawang membro pa ng komite
40:04ang nagsabing insufficient in substance
40:06ang reklamo.
40:07Sina Justice Committee Vice Chair
40:09Isabel Maria Zamora
40:10at Representative Alfredo Garvin Jr.
40:13Sa ngayon,
40:14Rafi ay nagpapatuloy
40:15itong deliberasyon
40:17ng House Committee of Justice.
40:18Maraming salamat,
40:20Tina Panganiban.
40:21Habang tinatalakay
40:22ang impeachment complaints
40:23laban kay Pangulong Bongbong Marco
40:25sa House Justice Committee,
40:27sa labas naman ng Kamara
40:28nagkilos protesta
40:29ang ilang grupo
40:30bilang pagsuporta sa impeachment.
40:32Anila,
40:32kung ibabasuro agad-agad
40:33ng Kamara ang impeachment,
40:35ipiattakita lang daw nito
40:36ang sabwata ng Malacanang
40:38at ng Kamara.
40:39Dapat din daw managot
40:40si Vice President Sara Duterte
40:42na nahaharap
40:42sa panibagong impeachment complaints.
40:50Ipagbabawal na sa Spain
40:51ang paggamit ng social media
40:53ng mga edad labing-anim pababa.
40:55Inanunsyo yan
40:56ng kanilang Prime Minister
40:57sa World Government Summit
40:58sa Dubai, UAE.
41:00Malaki raw ang epekto
41:01ng paglaganap online
41:02ng hate speech,
41:03pornography
41:03at maling impormasyon
41:05sa kabataan.
41:06Kailangan daw nilang
41:07protektahan ng kabataan
41:08mula sa panganib
41:09ng digital world.
41:11Iri-require ng Spain
41:12ang mga social media platforms
41:13na magpatupad
41:14ng age verification system.
41:16Bago ang Spain,
41:17nagpatupad na rin
41:18ang social media ban
41:19sa Australia
41:19noong December.
41:21Paano rin itong gawin
41:22ng Britain,
41:22France
41:23at Greece?
41:31Getting ready to be married na
41:33si Sparkle star
41:34Mikoy Morales
41:35na binigyan ng
41:36intimate bachelor party
41:38ng team groom.
41:40Sa photos and videos
41:41present
41:41sa party
41:42ang kanyang best woman
41:43na si Mikey Quintos
41:45at close friends
41:46na si Naruru Madrid,
41:47Cherie Solomon
41:48at Paul Salas.
41:50Last year,
41:51na-engage
41:51si Mikoy
41:52kay Isa Garcia.
41:54Sa March,
41:55ang kasal nila.
41:56Patayang isang lalaking
42:09kalalabas lang
42:09ng ospital
42:10sa Mangaldan,
42:11Pangasinan.
42:12Ay sa pulisya,
42:13umawad sa isang gulo
42:14noong Webes
42:14ang 45-anyos
42:16na lalaki.
42:17Naampas na noon
42:18ng kadena,
42:19sa ulo ang lalaki
42:20at dinala sa ospital.
42:22Na-discharge
42:23din siya
42:23kinabukasan.
42:25Nakatakda saan
42:26ang mag-usap
42:26ang mga sangkot
42:27sa gulo
42:27sa barangay hall
42:28pero nang dumating
42:29doon ng lalaki,
42:31hinimatay siya
42:31at binawian
42:32ang buhay
42:33kalaunan.
42:34Inaalam pa
42:34kung may kinilama
42:35ng pagkamatay
42:36ng biktima
42:36sa paghampas
42:37ng kadena
42:38sa kanyang ulo.
42:39Sinusubukan pa namin
42:40kunan ang pahayag
42:41ang kaanak
42:41ng biktima
42:42at ang nanghampas
42:44sa kanya
42:44ng kadena.
42:45Inihain sa kamarang
42:48panukalang
42:49no work,
42:49no pay
42:50para sa mga senador
42:51at kongresista.
42:52Sa ilalim ng
42:53House Bill No. 7432
42:54ni Locos Norte
42:561st District
42:56Representative
42:57Sandro Marcos
42:58makatatanggap
42:59lang ng sahod
42:59ang mambabatas
43:00kapag sila
43:01ay dumadalo
43:01sa mga sesyon
43:02ng plenaryo
43:03sa mga pagdilig
43:04ng kumiting
43:04kanilang kinabibilangan
43:05pati na kung lumahok
43:07sa mga official activity.
43:09Kung absent
43:09at walang valid reason,
43:11hindi makatatanggap
43:12ng sahod
43:12ang mambabatas
43:13sa araw na yun.
43:15Tingin ni Senador J.V.
43:16Ayers ito,
43:16patas lang ito.
43:18Sinusubukan pa namin
43:18kuna ng pahayag
43:19ang iba pang senador
43:20at kongresista.
43:28Ilanungan namin
43:28ng netizens
43:29kung anong masasabi nila
43:30sa isinusulong
43:31ng no work,
43:31no pay
43:31para sa mga mababatas.
43:33Ito po
43:34ang sabi nila.
43:35Para kay Marky Katigbak,
43:37isama na rin
43:38ang pagiging late
43:38sa kaltas
43:39at iba pang ginagawa
43:40ng mga simpleng empleyado
43:41tulad ng physical exam.
43:43Agree naman dyan
43:44si Carlota Mamalayan.
43:45Sayang naman daw kasi
43:46ang buwis
43:47ng mga Pinoy
43:48na ipinambabayad
43:49sa mga mambabatas.
43:51Ang sabi naman
43:51ni Mary Beth Llamo,
43:53kung lagi namang absent,
43:54dapat bawasan
43:54ang sahod
43:55o patawan
43:55ng multa
43:56para madisiplina.
43:57Hirit naman ni Penny Rose Maldona,
44:00i-extend din yan
44:01sa lahat
44:02ng government officials,
44:03mayor,
44:04barangay captain
44:05at iba pa.
44:06Mga kapuso,
44:07makisali rin sa aming
44:08online talakayan
44:09sa iba't ibang issue.
44:10Kung may nais din
44:11kayong maibalita
44:12sa inyong lugar,
44:13mag-PM na
44:14sa Facebook page
44:15ng Balitang Hali
44:15at
44:16Ito po ang Balitang Hali.
44:20Bahagi kami ng
44:21mas malaking misyon.
44:22Rafi Tima po.
44:23Kasama nyo rin po ako,
44:24Aubrey Garampel.
44:25Para sa mas malawak
44:26na paglilingkod sa bayan
44:27mula sa GMA Integrated News,
44:29ang News Authority
44:30ng Filipino.
Comments

Recommended