Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Korte Suprema, inilunsad ang Phase 1 ng Unified Legal Aid Service portal

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa layuning mas mailapitan legal na servisyo sa bawat mga mayan,
00:03inilunsan ng Korte Suprema ang Phase 1 of Unified Legal Aid Service, so Ulas Porta.
00:09Parte ng pinalakas na inisyatibang ito ang National Anti-Poverty Commission at iba pang ahensya ng pamahalaan.
00:15Panorin po natin ito.
00:21Sa Pilipinas, malaking hamon para sa mga may hirap ang pagkakaroon ng access sa legal services.
00:28Maraming Pilipino ang walang kakayahang magbayad ng abogado.
00:31Idagdag mo pa ang iba pang legal fees.
00:33Kaya't madalas silang napag-iiwanan sa legal na proseso.
00:37Dito na pumapasok ang pro bono aid legal services.
00:40Ito ay ang libring tulong mula sa mga abogado na mas pinagtibay pa ng lagdaan
00:45ang Memorandum of Agreement ng Supreme Court kasama ang National Anti-Poverty Commission on APSI at iba pang ahensya.
00:52Ang nagpapasalanan po tayo sa Supreme Court at binigyan nila ng pansin ang National Anti-Poverty Commission
01:00kasama namin ang Presidential Commission on the Urban Poor,
01:04ang National Commission on Indigenous People at ang Philippine Commission on Human Rights
01:09at kami ay sama-sama na magtutulong-tulong upang mayugnay ang servisyo ng Supreme Court
01:18sa pamamagitan ng ULAS para sa ating mga kababayang may hirap at mga batayang sikta.
01:24Sa ilalim ng Unified Legal Aid Service o ULAS,
01:28lahat ng abogado ay required maglaan ng hindi bababa sa 60 oras na libring legal services kada tatlong taon.
01:35Ang paglulunsad ng Phase 1 ng ULAS Portal ay isang sistemang magbibigay ng mas maayos,
01:41transparent at accessible na libring legal na tulong sa mga Pilipino.
01:46Mahalaga ito dahil nakangailangan yung ating mga batayang siktor ng servisyo ng legal
01:53pero kulang yung kanilang resources para maipaglaban nila yung kanilang mga karapatan.
01:58At itong ULAS ang nagbubukas ng pagkakataon para makamit nila yung husisya.
02:05Para sa mga abogado na magpaparehistro,
02:08bisitahin lamang official website ng Supreme Court at hanapin ang Unified Legal Aid Service.
02:13Mag-create ng account gamit ang inyong detalye kabilang inyong IBP number.
02:18I-upload ang inyong larawan at iba pang supporting IDs and documents.
02:22Hintayin ang verification message na ipadadala sa inyong email account.
02:27I-activate ang account.
02:29Maaring gamitin ang ULAS Portal para i-register ang inyong legal aid missions o pro bono activities.
02:35I-report ang oras ng servisyo para ma-track at ma-validate ito ng Supreme Court.
02:39At makipag-coordinate sa accredited organizations para sa mga legal aid activities.
02:44Buo naman ang suporta ng NAPSI dito.
02:47Malaking tulong din anya ito para mas matutukan ang 14 basic sectors ng bansa.
02:52Binigyang di-indin ni Secretary Lopez Santos.
02:54Nang pagtatanggol sa legal rights sa mga mahirap ay mahalagang hakbang para tuluyang maputol ang intergenerational cycle of poverty.
03:02Isa naman sa magiging paraan ng NAPSI para rito ang pagpapalawig pa ng aksyon laban sa kahirapan na kung saan
03:08una na nilang natalakay ang ULAS.
03:10Ang counterpart ng National Anti-Poverty Commission dito ay ang linkaging ng ating legal services dun sa mga poor families
03:21at basic sector na nangangailangan ng pre-legal assistance.
03:28Yung nangangailangan ng servisyong pangligal na po pwedeng ibigay ng mga abogado na nandito nagbibigay ng servisyo under ULAS.
03:39Ang nasabing Memorandum of Understanding at ULAS Portal ay isang pag-usad sa legal aid advocacy ng bansa.
03:46Sa tulong ng mga abogado, Supreme Court at iba pang ahensya, mas nagiging konkretong realidad ang equal access to justice
03:53para sa lahat ng Pilipino.
Comments

Recommended