00:00Sinuspin din ng Land Transportation Office ang lisensya ng miembro ng f-pop group na Bini na si Mika Lim
00:05matapos makitaan ng posibleng paglabag sa anti-destructed driving law.
00:09Sa isang punto kasi sa live stream ni Mika, nahulog ang kanyang cellphone habang siya ay nagmamaneho.
00:15Pero imbis na tumigil sa ligtas na lugar, yumuko si Mika para kunin ang nahulog na cellphone.
00:20Nakita rin sa live stream na hawak ni Mika ang cellphone gamit ang dalawang kamay habang nagmamaneho.
00:26Nakuhan ng LTO ang kopya na ngayoburado ng live stream.
00:29Sa Siocos order, pinapupunta si Mika sa LTO sa November 20.
00:33Sabi ni LTO Chief Marcus Lacanilaw, pumunta si Mika sa tanggapan ng LTO kasama ang kanyang manager kahapon
00:39para humingi ng paumanhin at isuko ang kanyang driver's license.
00:45Inami naman nung bata yung pagkakamali niya.
00:50Sa amin naman kasi pantay-pantay.
00:52Hindi porque sikat o yung mas nauna silang pumunta.
00:57Kaya lang, kung ano lang yung talaga nakalagay sa rules na magiging violation, yun lang naman din na maa-apply.
01:06Pero ang kinagandahan lang dito, yung malaking bagay yung voluntaryo yung pagharap nila.
01:12Sa isang post, muling humingi ng paumanhin si Mika kaugnay sa kanyang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
01:18Tinawag niyang pabaya at irresponsable ang kanyang ginawa at pananagutan daw niya ito.
01:23Malaking aral daw ito sa kanya para maging mas responsable at disiplinado.
01:28Dapat din anyang seryosohin ang mga batas trapiko.
01:34Dapat din anyang seryosohin ang mga batas trapiko.